Music 13 - What a Nightmare
[Joseph POV]:
Siguro tulog na si lolo. Kaya pumasok na rin kami ni Melody sa room namin. Tig-isa kami ng room. Yon yong nasa agreement namin e. Hindi naman 'to malalaman ni lolo. Hayy.. Napagod din ako sa araw na 'to. Dahil don maaga rin akong nakatulog.
*KINABUKASAN*
"AAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!"
Ano ba 'to alarm clock? Nagising ako dahil sa pagsisigaw ni Melody. Mega phone pa naman 'tong bunganga niya. Ganito ba ang paraan niyang mang-gising?
o_- *open one eye*
Nasa loob pala ako ng kwarto niya. Napabalikwas ako.
"Ano ba! Manahimik ka nga!" Inis kong sabi.
"Umalis ka rito! Umalis ka rito!" Sigaw niya.
Lumapit naman ako sakanya at tinakpan ang bibig niya. Hindi naman siya makapiglas kahit nagpupumilit parin siyang sumigaw.
"Wag kang sumigaw, maririnig tayo ni Lolo." Tumigil naman siya non. Tinanggal ko na rin ang pagkakatakip sa bibig niya.
"Ba't dito ka sa kama ko natulog? Hindi ba roon ka sa kabilang kwarto kagabi?" Ang tanong niya. Tsk. Ano bang iniisip ng babaeng 'to?
"Nakalimutan mo na ba? Rule#7. Hindi ka pwedeng pumasok sa room ko hanggat hindi ko sinasabi!" Ang inis pa niyang sabi. At talagang ini-state pa ung rules.
"Hey! Makinig ka nga muna sakin!" Napatahimik naman siya non. Tsk. Umagang- umaga nagtatalo na kami.
"Umakyat dito si Lolo kagabi."
*FLASH BACK *
Pagpikit na pagpikit nong mga mata ko, narinig ko namang may mga footsteps na nasa sala. At ung footsteps na yon, dahan-dahang papaakyat sa hagdan. Shit, si lolo! Agad naman akong napabangon at lumabas sa kwarto ko at agad na tinungo ang kwarto ni Melody. Pilit kong binubuksan yong pinto kaso naka-lock siya.
SHIT!
Balik ulit ako sa room ko at hinanap yong susi para doon sa room ni Melody, agad ko naman itong nakuha sa cabinet, yong footsteps ni Lolo, naririnig ko na papalapit ng papalapit. Pagsusi ko nong room ni Melody, agad akong pumasok don, tas dahan-dahang isinara ang door. Napasandal na lang ako sa pintuan.
"Hay.. Mga batang yon.. Iniwan pang nakabukas itong pintuan ng isang kwarto." Ang dinig ko na sabi ni lolo. Tas, narinig ko na lang na sinara niya yong door na yon.
*SIGH*
Muntik na ako ron ah. What a nightmare. Si lolo talaga. Napalingon naman ako sa tulog na tulog na si Melody. Napaka-peaceful nang mukha niya, she likes an angel while she was sleeping. Hayy.. Ano ba yan! Naku! Sinara pala ni lolo yong kwarto ko! It means... Na-lock na un! SHIT lang saan na ako matutulog nito? Napatingin ulit ako sa kama na hinihigaan ni Melody. Malaki naman yong space don.
NO CHOICE.
Nilagyan ko na lang ng unan yong pagitan namin, dito na lang siguro ako matutulog. Then, don na ako humiga, hindi nga ako makatulog e. Ang likot likot pala matulog ng babaeng 'to. Yong kamay niya bigla bigla na lang nanununtok. Tulog ba talaga siya? Ilang beses na niya akong pinapatamaan ng kamay niya. *bogsh* Aray naman! This is really a real nightmare! Baka nanaginip siya na nasa loob siya ng boxing ring. Tsk. Gulpihin ba naman ako ng tulog na 'to? Wala na lang akong nagawa kundi pigilin ang mga kamay niya at yakapin siya. At the end, tumahimik naman siya. Ngayon ko lang napansin, mas maganda pala siya sa malapitan. Magkalapit kasi yong mga mukha namin. She had a aphrodite beauty. Di ko namalayan na nakatulog na rin ako.
BINABASA MO ANG
My Wife is a Rockstar [Editing]
Romance[Editing] ||COMPLETE|| The Rockstar and the President. Story by: AiharaKirisawa