Music 21 - The Best Gift I Have

3K 58 5
                                    

Music 21 - The Best Gift I have
  
  
[Melody POV]:

Ngayon na ang birthday ni Joseph at tuloy parin ang plano ko. Wala siya sa bahay ngayon at malamang sa malamang kasama na naman niya ang babaeng 'yon.

Martyr na kung martyr. Nahulog eh. At asawa ko siya kaya may karapatan pa rin ako.

Ni-text ko si Joseph na umuwi ng maaga at ito ako busyng-busy kami rito ni bes sa paghahanda.

Nagluluto kami ng Spaghetti, Macaroni, Ice Cream, at iba pang deserts. Nag bake din kami ng chocolate cake na may Happy Birthday, Freak❤. Favorite niya ang chocolate at nagbake din kami ng cookies.

Of course, made with love 'yan. Gosh, I'm so corny na.

"Bes, nasabi mo na ba sa kanya na umuwi ng maaga?"

"Oo naman at siguro pauwi na rin 'yon," nakangiting sabi ko.

"Yeah, dapat lang dahil alas cingco na ng gabi," sabi ni Bes.

"Anong regalo mo sakanya, Bes?" Curious na tanong ni bes.

"Secret."

"Ay, ang daya," she pouted.

"Haha, sige na nga."

Na-excite nanaman siya.

"Ano?"

"'Young electric guitar." Nakangiting sabi ko.

Gulat naman ang expression niya.

Hindi kasi ako nakabili ng gift, nakalimutan ko dahil sa sama ng loob ko. Ngayon ko nga lang tinawagan si Bes para tulongan ako sa paghahanda.

Well, si Mama ang nagsabi sa akin na 'yon nalang ang ire-regalo ko sa kaniya, hindi ko naman daw ginagamit eh. At isa pa, hindi naman 'yon kukunin nong may-ari na nagbigay sa akin non.

"Errr... bakit naman 'yon bes?"

"Wala na kasi akong time na bumili pa, magugustuhan niya naman 'yon. Kung ayaw niya papalitan ko nalang.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag sa akin.

"Oh, siya na yan," excited na sabi ni Bes.

Kinuha ako ang cellphone ko sa bulsa at sinagot ang tawag. Hindi pa ako nakakapagsalita ng magsalita 'to.

"Hindi ako makakauwi agad," agad niyang sabi.

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Ngunit, pinilit ko pa ring magsalita kahit na nanginginig ang ako.

"P-pero, hihintayin pa rin kita."

Ngunit, ngunit wala akong narinig na sagot at pinatayan ako ng tawag.

"Oh, anong sabi?"

"Darating daw siya pero maya maya pa daw." Nakangiti kong sabi.

Naghintay kami ni Bes at isang oras na ngunit wala pa rin si Joseph. Walang nagsasalita sa amin at tunog ng orasan lang ang naririnig namin. Si Bes naman ay kanina pa nagce-cellphone at ako naman ay kanina pa hindi napapakali at tingin ng tingin sa orasan.

Hindi na ata nakayanan ni Bes, "Bes, darating pa ba siya?" Pasado alas siete na.

"Bes, umuwi ka na lang baka magalit pa si Tita sa akin."

"Bes.."

"No, sige na Bes, gabi na. Salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin dito. At teka nga pala, 'yong take out mo."

Inabot ko sa kanya 'yong pinadala kong take out niya at 'yon umuwi na rin siya.

Anong oras na at hindi pa rin umuuwi ang lalaking yon?

My Wife is a Rockstar [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon