ALH.8

817 17 0
                                    

TURGID

-adj. self-promoting and bombastic; showy

=================================

nagulat ako sa nabasa ko.

yun ang palaging naririnig ko tuwing may nagpapakita skin eh,

kaya di na ako nagdalawang isip, bagkus kinopya ko na yung naka text sa cp ko..

malalaman ko din kong ano to..

kong sino man ang gumugulo sakin..

humanda sya.. di ko nasya uurungan pa..

pagkatapos ng nangyari , natulog na muna ako.. pero bago paman ako matulog, tinext ko na nalang kay Keshia na wag nyang buksan ang pinto pag may kumatok 12-3am,

di ko nadin sya ma contact eh.. kaya no choice ako kundi e text nalang sya.. baka may maririnig naman akong mga boses, at baka di ako makapag timpi eh, masigaw ako ng di oras at magising si mama..

kaya nilakasan ko nalang ang loob ko.. tutal antok nadin naman ako, at may kasama naman si Keshia yung mama nya..

nagdasal na muna ako sa Panginoon bago matulog ulit.. alam ko namang sya ang makakatulong sakin..

naalimpungatan ako ng nag vibrate yung phone ko..

agad ko naman itong kinuha at tinignan..

ni walang text oh tawag man lang.

alarm lang pala.

0_0

takte naman.

10am na???

agad akong bumangun sa higaan ko at pumunta sa banyo para maligo at ayusin nadin sarili ko..

tapos kong mag ayos.. bumaba na ako sa sala..

andun na pla si yaya..

"ya, magandang umaga po.. si mama pala?"

"ah, Mara.. umalis si mama mo kanina pa ata, susunduin daw si papa mo.."

di na ako nagulat sa sinabi ni yaya.. at wala naman akong pake.. kahit kailan kasi di naman ako tinuring na anak ni papa.. ewan ko ba simula pagkabata parang nangdidiri sya sakin parang ayaw nya akong maging anak..

syempre noong una nasasaktan ako.. anak nya kaya ako pero bakit ganun? ang lamig nyang makitungo sakin tapos palagi nya pa akong pinapagalitan at minumura ng masasamang salita..

pero siguro na immune nadin ako.. kaya okay na sakin nasanay na.. kahit masakit okay lang.. baka talaga may pinag dadaraanan lg talga si papa ngayun..

"ah, ganun po ba. ahh, hehe yaya nu ba ang ulam? parang nakaka-amoy kasi ako ng masarap eh.." pag iiba ko nalang ng usapan..

"nako naman Mar-mar.. yan adobong manok alam kong paborito mo yan diba?"

"hehe wooooooow! nagugutom na tuloy ang mga alaga ko.. sige kain na po tayo.."

"sige sige.. mauna kana, dali"

kaya kumain ako.. sarap talaga ng luto ni yaya..

pagkatapos kong kumain eh, nag toothbrush na ako.. at nagpa alam kay yaya.. sinabihan ko nadin g hahanapin ako ni mama nauna na ako sa knyang pumunta sa hospital.. alam ko namang di ako hahanapin ng tatay ko..

kaya pumara na ako ng taxi..

mas madli kasi pag nagtaxi.. makarating ka agad sa pupuntahan mo..

pag baba ko andito narin ako sa hospital na kinatatakotan ko..

ANG LOKONG HOSPITAL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon