ALH.9

731 14 0
                                    

MUNIFICENT

-adj. very generous, sometimes overly-generous

===========================

MIRTA'S POV

"mabuti naman at sinundo mo ko." matabang sabi nya sakin.

"may magagawa ba ako?"

"wala, asawa kita kaya pagsilbihan moko.. pwedi namang----"

di na tinuloy ang sasabihin nya. alam ko naman kong anong sasabihin nya sakin.

"tama na please? ayokong sabihin mo ng paulit ulit yan.. kakarating mo lang, sana naman kahit ngayon lang? wag muna munang isipin yan?"

"bakit Mirta? natatakot kaba na iiwan kita? wag kang mag alala di nman kita iiwan eh, sa ginawa mo sa tingin mo makakawala pa ako sayu?"

di ko na napigilan ang sarili ko bagkus na sampal ko sya ng napakalakas.

bakit kailangan nyang gawin sakin to?

mahal na mahal ko sya.

ginawa ko ang lahat lahat , kahit na buhay pa ng iba itataya ko para lg sa kanya..

tapos ganito pa?

"so-----rry di ko si---nasad---ya"

"dyan knaman marunong" aakmang alis na sya ng pinigilan ko yung kamay nya.

"Fernando, kailan mo ba pwedi akong mahalin? binigyan naman kita ng anak diba? bakit di mo kayang mahalin kami?"

"simple lang, iba ang mahal ko at kahit kailan di kita kayang mahalin. at di ko naman anak si Mara."

"patay na sya!! patay na Fernando!! bakit na di mo nalang matanggap yun??!!!" tumaas na talaga ang boses ko, yung ibang tao nakatingin na nga samin. pero wala akong pakealam duog na durog na ko.. di ko na alam ang gagawin ko , bakit ganun? kahit minsan di nya ba ako kayang mahalin?

at oo di namin anak si Mara , anak ko sya sa isang walang hiyang lalaking naka buntis sakin. alam kong mali kasi pinalabas ko na kay Fernando ang dinadala ko kahit naman di sa knya to.. huli nya na nong natuklasan yun..

ganun naba ako kasama?

nagmahal lang naman ako.

pero yun nga naawa ako sa anak kong si Mara kasi kahit kailan di nya naranasan magkaroon ng ama. kasi kahit kailan di yun naparamdam ni Fernando. ako naman talaga ang may kasalan ng lahat..

pero di na maibabalik yung nakaraan pero bakit ganun?

ba't di nya nalang matanggap yun?

"kahit kailan Mirta, di ko sya malilimutan. oo kasal nga tayo pero tandaan moto, sya lang ang mamahalin ko sya lang" at tuluyan nalang syang umalis.

kaya di ko na nakayanan. tumakbo ako papunta ng ladies comfort room, at doon binuhos lahat ng sama ng loob at pagsisisi..

ganun ba yung KARMA sakin? ganun naba?

patay na sya Fernando.

pero bakit sya parin?

tumingin ako sa malaking salamin ng banyo..

tinignan ko yung repleksyon ko..

tumatanda na pala ako..

saan na ba yung dating Mirta na palaban at walng inuurungan?

naghilamus na ako at kumuha ng tissue para ipahid sa mukha ko.

nakita ko sya!

"sino yan?!!!!!"

ANG LOKONG HOSPITAL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon