ALH.3

1.2K 23 8
                                    

hayy boring di pa ako nakapagtapos ng assigments ko sa operational management. naloloka na ang internet connection !! :( haaaay takteng globe naman ohhh.

pasencxa nag eemote lang! :) kaya gagawa nalang ako ng idudugtong dito. gumana masyado utak ko eh. hahahaha

~mahal dedicate ko to sayo <3 na miss ko text, chat natin sa wechat at mb to mb natin. busy masyado eh. :))) hahaha i miss you mahal. labs :**

soo sa gustung makipagkaibigan sakin sa wechat eto yung username ko. greet me hahahaha un: "latsyrc13"

p.s : gumagawa lang ako ng story dahil walang magawa ok? kaya pag may nakita kayong errors or wrong grammar dyan. zipper your lame mouth. haha gets? eh payagan nyu naman ako. minsan lang to eh. lamats.

------

na alimpungatan ako ng my biglang kumatok ng paulit ulit sa kabilang kwarto na katabi ata namin?

haay natutulog yung tao tapos ganito?

nang iisturbo ba naman? kakainis naman oh!

kaya tumayo ako, at inunat muna ang katawan ko. masyadong nakakasakit sa balakang ang higaan eh. tiis tiis din nga ako pag may time .

at tinignan ko si lola ,

nako tulog padin. ang himbing ng tulog ah, haaay samantalang ako eh eto puyat '···' kawawa naman.

pumunta ako ng ref, para kumuha ng orange juice na nasa tetro pack. yep galing no? meron dito.. di kanaman magugutom talaga,

ng biglang may kumatok nanaman .

pero sa pagkakataong eto ay sa room na namin? ehh bakit?

pumunta ako malapit sa door knob at bubuksan

ng naalala ko yung sinabi ng nurse kanina.

na pag may kumatok ng pintuan wag ko daw pagbuksan basta 12am-3am

kaya tinignan ko yung wrist watch ko.

0______0

hala? eh bakit ganito? alam nyu ba kong ano ang nangyari sa relo ko? ehh yung mga numbers ba naman ay nag hahalo halo? di na nakalagay sa tamang pinaglagyan. pano? first time q atang naka encounter neto ah.

kahit na kinikilabutan ako , di na ako nag patinag at binalewala nalang yung nakita ko. baka nga tama din sabi ng nurse. weird stuff happening in this insane hospital. takte! napa english tuloy ako..

salamat naman at tumahimik na ulet.

kaya uminom ako ng juice , haaay nakakauhaw. tae! naman natatakot na talaga ako.
:((( promise mamaya tatawagan ko na nanay ko. ayoko ko natalagang pumunta rito..

ng bihlang gumising si lola..

"sak....lolo, tu...tu.....lungan...... nyo a......ko waaaa..........g ma......a......waaaa......" -lola, mahina ang pagkakasabi nya na parang himihingi ng tulong at pumipikit pa ang mata kaya dali dali akong pumunta sa kanya at ginising sya. baka mababangongot pa sya sa kalagayan nya..

"ah, lola? lola? lola? psst. gising po. nananaginip po kayo. lola lola" paulit ulit kong inuyog sya sa balikat. eh di gumigising eh,

"waaa......g waaa.....g ma....awa..... ka..... de......mon......yo" -lola

"lola, ui wag naman kayong mananakot, lola naman eh.. lola ui gising na po, nanaginip lang po kayo" sheeteks, ano bato? natatakot na ako.

uulitin ko pa sana syang gisingin ng biglang dumilat ang dalawang mata nya ,

pero may kakaiba kasi kasi lahat ng sinasakop ng bilog nyang mata eh ITIM lahat eto. at biglang hinawakan ng mahigpit yung kanang kamay ko.. sobrang higpit at ang lamig pa naman ng kamay nya...

at unting unti na tumingin skin at bumangon na nakaupo...

at ako naman di ko alam anong e rereact ko.. tae! aswang na ba si lola? oh multo na? ehh kakatakot ng itsura nya parang kakainin ako ng buhay.. ibang iba yung lola na nakita ko ngayun.. prang di sya si lola..

at biglang ngumiti ng malapad.

potakkks !

eto na talaga! natatakot na ako.

"hi apo, na miss mo ba si lola? ha?" -lola, habang naka ngisi , hawak hawak nya padin yung kamay ko. at yung boses nya parang nag eecho? parang di si lola yung nagsasalita.

"ahh, ehhhhh.... lo.......la? i......i......kaw ba.......ya....n?" hindi ko na nasagot yung tinatanog nya sakin. eh parang gustu kong sumigaw ng napakalakas !! di ko like yung aura ni lola.. nanginginig na ako sa takot..

"hahahahahahahahahaahahahahahahahahaha! takot kaba apo? wag kang mag alala simula palang ng lahat." -lola,
habang sinasabi nya yun unting unting bumibilog yung boses nya. parang naging lalaki, at tumawa sya na parang baliw. Mira, kalma lang kausapin mo lang. tahan ,

huminga muna ako ng malalim, kumuha ng kunting lakas. at nagsalita,
"lola? wag naman po kayu.......ng ga.....gan.....yan? na....tata.....kot na... po.....a......ko. di ko po a.....lam.... yu....ng pi.......nag....sasa.......bi nyo.....?" di na ako makatingin sa kanya , natatakot na talaga ako.

"di ako ang lola mo! hahahahahahahaha Mara, Mara , Mara.. tandaan mo simula palang eto, hahahahahahaha kukunin ko lahat lahat sayo.. tandaan mo yan Mara!!! papatayin ko lahat ng mga mahal mo!!! minana mo ang sumpa sumpang di mo pwedi matatalikuran." pagkatapos nyang sabihin yun eh,. bigla syang nahimatay. at ako naman di ako makagalaw sa kinatatayuan ko..

anong pinagsasabi ni lola? oh sinong espiritong pumasok man sa kanya? anong sumpa? bakit ako? anong ginawa ko? bakit?

di ko namalayang napaupo nalang ako sa sahig.

anong tungkol sakin?

anong mabigat na kasalanan ko?

papatayin nya yung taong minamahal ko ng lubusan?

di

di pwedi to

ayoko

baka tinatakot nya lang ako?

oh di kaya totoo lahat ng sinasabi nya?

nalilito na ako...

ngayon lang lahat nangyari to sakin.

bat ako pa?

pumunta lang naman ako sa hospital para bantyan si lola pero bakit? bakit nakakaramdam ako ng ganito?

nilalaruan ba ako?

NATATAKOT AKO. AYOKO KONG MAWALA ANG MINAMAHAL KO SA BUHAY.

DIYOS KO, GABAYAN NYO AKO LALONG LALO NGA ANG MGA TAONG IMPORTANTE SAKIN.

-----

yeah! tapos nadin. hahahaha meron atang twist sa story.. hayyy umandar ang utak ko na may tupak. hahaha , kaya hintay hintay lang sa susunod na update. parang iibahin ko ng kunte to. hahaha para may thrill.

read. vote and comment

much appreciated. :)

-latsyrc13

ANG LOKONG HOSPITAL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon