ALH.14

639 16 1
                                    

FORTUITOUS

-favorably accidental; lucky

==============================

MARA'S POV

kakaalis lang ni mama. pero di ko parin maalis sa isipan kong malungkot sa tuwing makikita ko si papa na ganun ang pakikitungo sakin.

"helloooo MARAAAAA!!" -Keshia. grabe akala ko naman kong sino sya naman pala. Keshia? oh, okay natong babaeng to?

"Nagulat ba kita besty ko? hehe ayee na miss moko no?"-keshia. hyper lang? ako tulaley parin. bakit ang energetic nya? nagkasakit lang okay na agad sya?

"a-ah ikaw ba talaga yan Kesh?" sabay hawak ko sa mukha nya, pinisil pisil ko pa nga e. baka kasi nananaginip lang ako. kakagaling nya lg sa sakit tapos ganito na agad sya? alam ko namang hyper sya eh. pero iba to, nakakaloka. adik na siguro tong bestfriend ko!

"syempre naman, alisin mo nga yang kamay mo sa magandang fees (meaning: FACE) ko.. parang di mo naman ako na miss nyan!" -keshia. nagtatampong sabi nya, at nag pout pa! nako pag di ko napigilan to. makukurot ko talaga to ng malakas! ang cute nya kasi.

"wag ka ngang mag pout! di bagay Kesh, hay eh nagulat lng nman ako syo kasi ang sigla sigla mo.. at nag times 2 pa ata ang pagka hyper mo.."

umupo sya muna sa tabi ko at ngumiti,"hay nako besty, syempre naman! ako pa?! di pa ako mamatay ano. marami pang nangangailangan sakin."-keshia.

"loka ka! ba't may sinabi ba akong mamatay ka?! talagang di ako papayag na mawala ka no.. wag ka ngang masabi ng mga ganun!" loloko loko tong bestfriend ko eh. haay ayokong mawala sya ano.. mahal ko tong pasaway nato..

"ayeeeee! pakurot nga besty ko! wag kang mag-alala andito ako para sayo, kahit na anong mangyari."-keshia. sabay yakap nya sakin at niyakap ko din sya.

TATAY BERTING POV

hay nako andito nanaman raming kalat.

kalat dito, kalat roon. ba't ba di marunong tumapon ng basura ang mga tao rito. di porket na may nagsisilbing janitor eh pakalat kalat nalang ang mga tao rito..

"tay"

napalingon ako kong sin-o ang tumawag, kahit na matanda na ako malakas parin ang pandinig ko.

"oh, Joshua andito ka. ba't gumagala ka ha?"

"tay naman, yun agad? hehe. kamusta na po?!" bungad nya skin. kahit kailan talaga napaka masayahing bata eto.

"eh, gabi na kaya. pumasok kana sa kwarto mo, baka madatnan kapa ng---" di ko naituloy ang sasabihin ko kasi pinigilan nya ako.

"hahahaha, tay naman! di ako natatakot sa kanya ano. wag kang ma-alala, di pa tapos ang nalalabing araw ko rito. matutulungan ko pa sya. nako, tatay ang daya mo ha? ba't sinabi mo sa kanya iyon? baka magtataka pagnag kataon yun."-joshua. sabi, nya skin sabay ngiti.

"oo na, nakong bata ka. sige pumasok kana sa silid mo."

"sige po tay. ingat po"-joshua. agad syang umalis.

marami pa akong dapat gawin bago ako mawala sa mundong ito. Dyos ko po, tulungan nyo ko. gabayan nyo po sya, at makayanan ang mga pagsubok na haharapin nya.

GERALD'S POV

"pre, alis na ako." sabi ni Mark, isang kasamahan kong nurse sa hospital nato.

"oh, sya sige. ingat pre" at tinapik ang kanyang likod.

"talaga bang mag oovertime ka? eh dapat si Ella ang incharged ah?"-Mark.

ANG LOKONG HOSPITAL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon