Chapter One

11.1K 141 0
                                    


"God gave me the best when He gave me you. Minamahal ko at pinahahalagahan ang anumang ibinigay Niya sa akin."


SAMPUNG taon pa lamang si Lianne ay maulilasiya sa mga magulang. Ang nag-iisa niyang kapatid na si Kuya Martin ang tumayong tatay at nanay niya. Sa Middle East itonagtratrabaho at pinaghahandaan ang magandang kinabukasan niya.

Dahil masyadong delikado sa babaeng tulad niya ang mamuhayng nag-iisa sa bahay nila sa Cavite ay ibinilin siya ng kapatid sa isang tiyahin niya sa Baguio. Sixteen years oldlang siya noon at mag-aaral pa lang sa kolehiyo. Tumira nga siya sa tiyahin niyang si Tiya Elena hanggang sa magdalaga siya.

Mabait si Tiya Elena. Wala siyang maipipintas sa ugali nito. Kasundong-kasundo niya ito. Matandang dalagaito kaya parang itinuring na siyang anak nito at ang kuya niya.

"Lianne!" anang tinig sa labas ng silid.

"Nandiyan na ho!" Umahon si Lianne sa kama at iniwan sandali ang pagliligpit ng mga damit na nilabhan niya kahapon.

Binuksan niya ang pinto.Iniluwa niyon ang dambuhalang tiyahin niya na humihingal pa sa pagpanhik samatarik nilanghagdan. Kapag nakikita niya ito ay naaalala niya rito ang namayapang si Dely Atay-atayan na isa sa mga cast ng "John En Marsha" noon. Umupo ito sa isang upuan at hinagilap ang pamaypay nanasa kama.

"Hay, iba na kapag tumatanda ang tao. Aba'y ang bilis kong mahapo. Hindi ko na kayang magmanhik-manaog dito, hindi gaya noon." Sunud-sunod ang ginawa nitong pagpaypay sa sarili.

"Kung bakit kasi hindi ninyo ako tinawag sa ibaba." Kinuha niya ang pamaypay dito at siya na ang nagpaypay rito.

"Ayoko ngang sumigaw 'pag tinatawag kita. Saka tama na itong nakapag-exercise ako. Para akong nag-jogging." anito.

"Ano ba ang tsismis? Este, ano ba ang sasabihin ninyo? Importante ho ba?" aniya rito.

"Ang Tiya Segundina mo sa Sampaloc—"

"Tita Dina ho." pagtatama niya. Ayaw na ayaw ng isa niyang tiyahing iyon na tinatawag sa buo nitong pangalan. Ang gusto nito ay 'Tita' sa halip na 'Tiya'. Nagmumukha raw kasi itong matandang-matanda sa tawag na iyon.

"Kuu! O, siya! Tita Dinakung Tita Dina. Ano ba kasing nakain ng babaeng iyon at gusto pang maging bagets, eh, forgets na siya?" Napabungisngis siya. "Ang Tita Dina mo sa Sampaloc, tumawag kanina." paliwanag nito. "Doon ka muna raw sa kaniya hangga't bakasyon. Wala pa siyang nakukuhang makakasama sa bahay. Alam mo naman ang tiyahin mong iyon, pasumpong-sumpong ang alta presyon. Mahirap na, baka walang sumaklolo sa kaniya kapag inatake 'yon sa gabi. Si Sheryl kasi umalis na kahapon pa-Cebu." Ang pangalang binanggit nito ay ang anak ng tiyahin na kasama nito sa bahay. Pinsan niya.

Bunsong anak na dalaga ni Tita Dina si Sheryl. Dalawa lang ang anak ng tiyahin at ang panganay na lalaki ay may pamilya na. Biyudana sa buhay si Tita Dina. Nagkaroon ito ng hypertension at na-diagnose na may diabetes. Tinanguan ni Sheryl angdestino sa Cebu bilang branch manager ng kilalang bangko roon para matustusan ang pangangailangang medical ng ina nito. Nang araw na iyon ay napagkasunduan nilang magtiya na magbakasyon siya sa Maynila.

MALAYO pa ay tanaw na ni Lianne ang tiyahin niya. Ang tindahan ni Tita Dina ay nasa panulukan ng tatlong nagsasangang kanto kaya maganda ang puwesto nito. Pamilyar na pamilyar pa rin sa kaniya ang malutong na pagtawa nito. Sadyang mababawlang ang kaligayahan nito na kahit sa simpleng kuwentuhan ay talagang napapahalakhak ito.

Si Tita Dina talaga, hindi pa rin nagbabago.

May kumalabit sa kaniya. Nalipat ang pansin niya sa batang lalaking sa tantiya niya ay nasa walong taong gulang. "'Te, pengeng piso."

My Sweet Vengeance(published under Phr) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon