Chapter Six

6.1K 109 0
                                    


BUWAN NG ABRIL ang simula ng summer. Nasa katindihan iyon ng tag-init. Nagkaisa ang mga nakatira sa buong Anzures na mag-swimming sa isang beach sa Quezon. Sponsor iyon ng isang kumakandidatong mayaman na konsehal. Si Tita Dina ang tumatayong campaign manager ng nasabing konsehal. Kaya naisama siya nito kahit hindi siya botante roon. Pinaiwan ang mga bata para walang aberya. Karaniwan sa mga sasama ay mag-asawa, magkakaibigan at magkakamag-anak.

Nagsimula nang umusad ang mga service bus nang mapuno iyon. Katabi niya sa upuan si Tita Dina at kahuntahan ang mga kaibigan nito. Nasa kandungan niya ang bag na naglalaman ng baon nilang pagkain at ilang damit na pampaligo. Naisip niya si Ulyssis. Kasama kaya ito sa outing na iyon? Pero hindi niya ito namataan kanina. Ilang araw na niya itong hindi nakikita nang ma-discharge ito sa ospital.

Ilang oras ang nilakbay nila bago nakarating sa destinasyon. Pagsapit nila roon ay nalula siya sa ganda ng background ng malawak na karagatan. The view was quite breathtaking because of its mountain. Bulubundukin iyon na kung titingnan sa malayo ay tila nilatagan ng dambuhalang carpet. Ma-berde-berde ang kulay. May nagtataasang mga batuhan na kayganda ng pagkakagawa ng rock formation. Kumikislap-kislap ang mangasul-ngasul na dagat sa tama ng araw. Lahat ng iyon ay nag-aanyaya ng isang libo't isang saya.

Pagkahinto ng mga sasakyan ay nagsibabaan ang mga sakay. May mga ibang taong nauna na roon kaya nagmistulang palengke ang lugar. Kabuntot ang mga amiga ng tiyahin ay tinungo nila ang maliit na kubo na laan sa mga naliligo. Doon nila inilagay ang mga gamit. Nagpalit sila ng damit-pampaligo. Puting short at sleeveless blouse ang isinuot niya. Ganoon kasimple dahil iyon talaga ang get-up niya kapag nag-si-swimming sila noon ng Tita Elena niya. Hindi siya sanay magsuot ng two-piece tulad ng ibang mga babaeng nakikita niya roon.

"Mare, halika ka sa banda roon." yaya ni Ate Baye sa tiyahin niya. Excited na nagsilusong ang mga ito sa dagat. Hindi siya sumama sa mga ito dahil ma-a-out of place lang siya.

Wala pa siya sa mood mag-swimming. Naglakad-lakad siya sa dalampasigan at namulot ng shells na may iba't-ibang hugis. Gagawin niyang mga souveneir. Hindi niya namamalayang napapalayo siya sa mga tao. Dadamputin na niya ang isang malaking shell na may kakaibang hugis at kulay nang may naunang dumampot niyon.

It was Ulyssis!

Nakangiti ang binata sa kaniya, iyong klase ng ngiting halos mag-swoon siya sa tuwing nakikita niya ito. Sobrang na-miss niya ito. Naka-puruntong short ito. Hubad ang itaas na bahagi ng katawan nito. Kaya hindi niya napigilan ang mga matang maglakbay sa abs nito, sa malapad na dibdib nito at sa namumukol na mga muscles sa braso nito. May bakas pa ng mga pilat ang balikat at braso nito pero hindi nakabawas iyon sa kaguwapuhan nito. Hindi naman iyon pangit tingnan dahil pantay iyon. Iba lang ang kulay sa balat nito. Her eyes drifted to his magnificent torso once again. She struggled hard to disconnect her eyes from him.

"Maliligo ka ba?" tanong nito sa kaniya. Umiling siya. "Ligo tayo. Masarap ang tubig."

"Mamaya na." Naglakad siya patungo rito. "Akina muna 'yan." Inagaw niya ang kabibe rito.

Agad nitong naiiwas iyon. "Hindi puwede. Ako ang naunang nakakuha nito."

"Ako yata ang unang nakakita."

Nag-agawan sila sa kabibe. Mas mataas ito sa kaniya kaya hindi niya maabot-abot iyon. Sa pagpipilit niyang makuha iyon ay nawalan siya ng panimbang. Mabilis na inagapan siya nito sa baywang. Dahil nabigla ito ay hindi nito nabalanse ang pagkakatayo nito sa hindi inaasahang bigat niya. Sabay silang napalugmok sa buhanginan. Nasa ibabaw niya ito.

She was now looking at his beautiful pair of eyes. Nasisilip niya roon ang kasabikan habang namamasyal ang paningin nito sa bawat sulok ng mukha niya at humangga iyon sa mga labi niya. Heto na naman tayo,piping-usal niya. Sa tuwing umaasam siyanghahalikan siya nito sa mga labi ay nabibitin lang siya, tulad ngayon. Wala ngang laplapang naganap. Saklap! Kung magtititigan na lang sila roon ay aabutin sila ng paglubog ng araw.

My Sweet Vengeance(published under Phr) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon