Chapter Six

5.9K 104 0
                                    


Three years later.....


NAPABALIKWAS ng bangon si Lianne nang mag-iingay ang alarm ng CP niya. It was six in the morning. Magaan ang pakiramdam niya dahil napanaginipan niyang muli si Ulyssis. Kumusta na kaya ito?Walang araw na hindi niya naiisip ang nobyo. Umaasa siyang isang araw aybigla na lang siyang sosorpresahin nito at magkikita silang muli.

Miss na rin niya si Tiya Elena. Hindi niya ito nabibisita sa Baguio dahil sa sobrang abala niya sa trabaho. Hindi nasiya masyadong nag-aalala rito dahil kasama na nito ang Kuya Martin niya na hindi na bumalik pa sa ibang bansa. Abruptly, she took a cool shower. Nagbihis siya ng uniform. Naglagay siya ng light make-up sa mukha at nagwisik ng paborito niyang pabango.

Nginitian niya ang sariling reflection sa salamin. "Maganda ka na, Lianne. At gaganda ka pa sa susunod na mga araw."

Positive thinker lang siya. At kailangan niya iyon para magkaroon ng good karma. Sabi nila, kung ano ang iniisip mo ay mangyayari basta manalig ka na mangyayari nga iyon sa iyo. It was the power of mind. At napatunayan niyang totooiyon dahil kahapon lang ay binigyan siya ng award ng kompaniya sa isang okasyon na ginanap sa pavilion ng isang sikat na hotel sa Makati area.

She was awarded as the 'Role Model Employee of the Year' though it was only her first year of being employed in Monteclaro Builders Co. Sa loob ng isang taon niyang pagtatrabaho rito ay pinangaralan agad siya. Marami sa officemate niya ang nainggit sa kaniya pero mas marami ang natuwa. Isa na roon si Sussy na ngayon ay itinuturing niyang bestfriend bukod sa kasamahan din niya ito sa trabaho. Sumunod ito sa kaniya sa Maynila.

Paglabas niya ay nag-ring ang cellphone niya.Si Louie iyon, ang makulitpa rin niyang manliligaw na walang kasawa-sawa sa pagdalaw sa kaniya mula nang mag-move siya sa Manila. Nalaman na nito ang address ng apartment niya sa Guadalupe na tinutuluyan niya ngayon. Of course, courtesy of her Tita Dina. Maging ang contact number niya ay ibinigay din nito kay Louie, without her permision. Ang bait ng tiyahin niya. Gusto siyang ihatid ng kaniyang suitor. Pero sinabi niyang nakasakay na siya kahit hindi iyon totoo.

Noong isang araw ay pumanhikuli ng ligaw si Louie. May dala itong bouquet. At nagulat siya nang halikan siya nito sa pisngi na hindi naman nito dating ginagawa. Nakainom yata ito. Pero matino naman itong kausap. Sinabi niya ritong bumalik na lang. Nagdahilan siyang masakit ang ulo kaya hindi ito nagtagal sa apartment niya.

She hung up the phone.

Sumakay siya ng traysikel at nagpahatid sa sakayan ng jeep. Nagsalubong ang mga kilay niya nang mapansing nagkaroon ng traffic jam.

"Namaan." Naaasar na napakamot siya sa ulo. There was a smash-up along Ayala Avenue. Isang six-wheeler truck at container van ang nagbanggaan. Shit na malagkit! After na parangalan siya ay ganito agad ang makikita sa kaniya? Late? Matapos din ang nakakainip na paghihintay niya, it was fixed but she only had ten minutes more to go.

Pagbaba niya ng jeepney ay lakad-takbo ang ginawa niya para marating ang Monteclaro building na pag-aari ng kanilang kompaniya. Bahagya niyang natanguan ang guwardiyang bumati sa kaniya sa lobby. Tuluy-tuloy siya sa elevator. Tamang-tama, pababa iyon. Lumabas ang mga taong sakay niyon eksaktong mapatapat siya sa pinto. Pumasok siya. Akala niya ay wala nang tao pa sa loob. Kaya pagsulpot ng matangkad na lalaking palabas ng elevator ay bumangga siya rito.

"Ouch!" Tila siya napitpit na luya sa tila pader na mga dibdib nito.

On impulse, ang leeg ng lalaki ang nahagip niya para makapitan. Napahawak naman ito sa baywang niya at nahadlangan ang pagbagsak niya. Nagtama ang mga paningin nila. Muli niyang nakita ang brown na mga matang iyon. Nag-flash back sa alaala niya ang pangyayaring nawalan sila ng balanse ng lalaking ito at kapwa sila napahiga sa buhanginan, with him on top of her.

My Sweet Vengeance(published under Phr) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon