Chapter Three

6.5K 111 2
                                    


NAPALABAS si Lianne ng bahay nang makarinig ng hindi pangkaraniwang ingay. Dalawang batang lalaki ang nagpapambuno sa gitna ng kalsada at nakapalibot dito ang hindi magkamayaw na mga bata. Walang umaawat kahit isa.

Nagpasya siyang pumagitna. Nagkakasakitan na kasi ang dalawa. Pero bago pa mangyari iyon, tulad sa isang pelikula ay may sumingit sa eksena—si Ulyssis. Ngayon ay pigil-pigil ng malalakas nitong kamao ang magkabilang braso ng dalawang bata.

"Wala ba kayong kasawa-sawa sa pagbubugbugan?" saway nito sa mga bata.

"Siya, kasi, Kuya Rocky. Dinaya ako sa cara-cruz." turo ng bata sa kaaway nito.

"Ako ang dinaya niya, Kuya Rocky." depensa naman ng isa.

"Wag na kayong maglaro ng cara-cruz. Alam ninyong pinagbabawal ni Chairman 'yan dito. Mas mabuting tumulong kayo sa mga magulang ninyo sa paglilinis ng bahay, hindi iyong nakikipagbasag-ulo kayo sa daan. Magbati na kayo."

Hindi tuminag ang dalawa.

"Ayaw n'yo? Okey, dadalhin ko kayo sa barangay." pananakot pa ng binata. Wala pa ring response sa mga ito.

Nagpakiramdaman ang dalawang bata. Mayamaya ay lumambot ang mukha ng mga ito at niyakap ang isa't-isa. "Kung ganiyan kayo na masunurin, matatahimik ang Anzures." anitong napabuga ng hangin. Nagpalakpakan ang mga taong nanonood. Umugong ang hiyawan.

Humanga siya kay Ulyssis. Kilabot na peacemaker pala ng Anzures ito. At nakikita niyang nirerespeto ito ng mga kabataan. She was starting to think how nice he was as a person. He had a soft heart for the youth. Hindi lang sa physical attributes may ipagmamalaki ang binata, maging sa magandang pananaw nito sa buhay. Dinig niya ay mahigpit na tinututulan nito ang droga kaya nagtitiyaga itong magturo ng basketball sa mga kabataan upang mabaling sa sports ang mga ito. Dahil kay Ulyssis ay nagbago ang imahe ng Anzures.

Napansin niyang nakatingin ito sa kaniya. He gave her a breathtaking smile that made her knees turned into jelly. Nang kindatan siya nito ay nataranta siya. She felt a hot flash rushed her cheeks. Hindi na siya natutuwa sa mga trip nito. May nababago sa damdamin niya at hindi niya kayang pakitunguhan iyon.

Lumapit ito sa kaniya. "Kumusta ka na?" anito.

Sheesh! Huwag mo akong ngitian ng ganiyan, Ulyssis! "Mabuti naman. Nakahanap ka na ng trabaho?" Gusto niyang palakpakan ang sarili nang magawa niyang kalmahin ang tinig.

"Hindi pa. Baka isang araw, matanggap ako."

May mga batang naglalaro ng bola sa kalsada. Hindi sinasadyang humagis iyon at ang tinutumbok ay ang direksiyon niya. Kinabig siya ni Ulyssis at niyakap. Tinakpan siya nito. Ito ang tinamaan ng bola sa likod. Mas lalo siyang nataranta nang madama ang init ng katawan nito.Nakikipagpaligsahan ang tibok ng puso niya sa tibok ng puso nito. At para siyang mabibingi sa lakas niyon. Ang mabangong cologne nito ay may kiliting hatid sa kaibuturan niya. Gustongmagsara ng mga talukapniya at damhin ang kaiga-igayangpagkakahimlay niya samga dibdib nito. Dama niya ang seguridad sa mga bisig nito.

Pag-angat niya ng tingin ditoay titig na titig ito sa kaniya. Malapit na malapit ang mukha nila sa isa't-isa na sa isang galaw lang ay maaaring maghinang ang mga labi nila. "You're safe." masuyong bigkas nito. Nalanghap niya ang hininga nito. His breath so fresh like menthol candy.

Biglang may tumulak na bata sa likuran nito na naglalaro ng habulan sa mga kalaro nito. The force made Ulyssis to push through her. Aksidentengang naghinang ang mga labi nila. Sa nanlalaking mga mata ayagad na kumalas siya rito.

"Sorry, Lianne. 'Yong bata kasi...a-ano...." Hindi ito magkandatuto sa pagpapaliwanag sa kaniya. Mabilis na pumasok siya ng bahay.

She leaned at the back of the door and closed her eyes. Her fast hearbeat almost choked her to death. Alam niyang hindi iyon sinasadya ng binata. But my goodness! It was her first kiss! Dinama niya ng daliri ang mga labi. Ramdam niyang parang nakalapat parin doon ang mga labi nito.Mahabang sandali ang pinalipas niya bago niya napayapa ang sarili.

My Sweet Vengeance(published under Phr) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon