Chapter Seven

6K 110 2
                                    


NANG ipatawag muli si Lianne sa Penthouse ay hindi siya nagdalawang-isip na tumalima sa utos ni Ulyssis. Ito ang bago nilang boss at wala siyang karapatang sumalungat sa mga ipinag-uutos nito. Matapos niyang iyakan ang dating nobyo kagabi ay sinabi niya sa sariling tapos na siya rito. Nailuha na niya ito at hindi niya hahayaang guluhingmuli nito ang buhay niya. Noong una, ang balak niya ay umalisna lang sa kompaniyapara lang iwasan ito. Pero naisip niyang isang malaking pagkakamali iyon. Napakahirap iwanan ang trabahong napamahal na sa kaniya.At kung aalis siya ay parang ipinakita niya kay Ulyssis ang pagkatalo niya. Ibig niyang makita nitong hindi siya apektado.Ibabangonniya ang kaniyang pride. Bubuuin niyang muli ang nagkapira-piraso niyang pagkatao.

Wala ang sekretarya nito na dating sumalubong sa kaniya sa maliit na lobby. Dumiretso siya sa private office nito. Naabutan niyang nagbabasa ito ng mga papeles.

"Good morning. Ipinatatawag ninyo ako, Sir?" bungad niya habang humahakbang palapit dito. The timbre of her voice gave emphasis to employee-employer relationship.Nang lingunin siya nito ay muntik na siyang matapilok. Walapa ring kupas ang kaguwapuhan nito kahit ilang taon na ang lumipas. Lalo siyang nainis dito. Nagagawa pa rin nitong papitlagin ang puso niya sa isang sulyap lang nito.

Lianne, balewala na siya sa iyo, di ba?Iyon ang sinabi mo kaya huwag kang mataranta sa kaguwapuhan niya!

Damn this man for making her stupid!

Mataman siyang pinagmasdan nito at pinag-aralan ang facial expression niya. Pero tiniyak niyang wala itong makikita sa kaniya kundi pawangkalamigan. Umupo siya sa visitor's chair na iminuwestra nito. Tumayo ito at naupo sa upuang nasa tapat niya. Sa haba ng mga biyas nito ay nabubunggo ng mga tuhod nito ang mga tuhod niya. May init na lumalagos sa slacks na suot nito at nagdudulot iyon ng kakaibang pakiramdam sa kaniya.

Nagsimulang sumasal ang dibdib niya nang dumukwang ito sa kaniya, with his elbows on his knees. Naamoy niya ang after-shave na gamit nito.

"May sasabihin kayo, Sir?" Iniiwas niya ang mga mata rito. Hindi niya matagalan ang mga titig nito na animo sinusuri ang bawat anggulo ng mukha niya kung ano ang ipinagbago roon. She rose on her feet. Parang inalinsangan siyang bigla sa pagkakalapit nila.

"Bakit ka tumayo? Are you afraid of me, Miss Santino?" He asked with nettling sarcasm."Hindi ako nangangagat, okey?" Saglit na may dumaang emosyon sa mga mata nito. Was it pain she saw in his eyes? O namalikmata lang siya? When she glancedat him again, his face was quite expressionless.

"Hindi naman sa ganoon, Sir."

Lumigid ito sa desk nito at naupong muli sa swivel chair nito. "Nakita mo si Mrs. Santiago sa lobby, Miss Santino?"

"No, Sir." mabilis na sagot niya.

"Good. Ibig sabihin no'n ay wala akong sekretarya. Matanda na si Mrs. Santiago at pinag-retire ko na siya. Ilang taon ka na, Miss Santino?"

"Going twenty four this coming May, Sir." Alam niyang alam nito ang edad niya. Pero bakit kailangan pa nitong itanong iyon? For formality reason?

"Well enough."

Alam niyang pinapasakalye lang siya nito. She directed it to the point. "So,you want me to work for you as a personal secretary, Sir Ulyssis?" She stressed his name with sarcastic bite.

"You're smart, Miss Santino." he chuckled. Tila nang-iinis ang tawa nito.

Naikuyom niya ang mga palad. "Paano ang trabaho ko sa accounting?" Kaya ba niya ang double workload? "Mahirap ang ipinagagawa ninyo, Sir."

My Sweet Vengeance(published under Phr) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon