A Snowball's Chance in Hell

31 2 0
                                    

Inbound Pt 1


2013

Sa mundong ito, walang kahit anong bagay na permanente. Lahat, nag babago. Sabi nga nila,'the only thing that is constant in this universe is change.' 

Ganun din sa mundo ng Business Process Outsourcing (or better known as the call center industry). Mahalaga ang pagbabago. Kung wala ito, wala ding pag unlad. Almost everyone dito sa call center business, sang ayon sa pag babago. Pagbabago para sa mas magandang opisina, pag babago para sa mas magandang position, at minsan, pag babago para sa mas mabubuting katrabaho. Pero hindi lahat, in favor sa ganitong mga pag babago.

****

Marahil kayo ay nagtatanong ano nga ba ang nangyari kay Alex 4 years ago. Well, since gusto niya magkaroon agad ng sarili niyang pera, he grabbed that chance para mag apply, natanggap, at nag trabaho as a Customer Service Agent sa EGGS International. 

Dahil nagtrabaho agad siya, hindi niya tinapos ang kanyang pag aaral. Of course, his tita Mae was devastated about his decision, isa itong malaking pang hihinayang, pero wala naman na silang nagawa. Naipasa ni Alex ang interview and exams. Tutol din si tito Rodney, pero nakapirma na siya ng contract. There is no turning back now. 

But that didn't turn out okay. 

His first job as a call center agent sa EGGS was hell. 9PM - 6AM ang shift niya at hindi siya sanay na gising sa gabi. He's working for an account in amazon.com for the recruitment department na based sa America. Sila ang nag ph-phone iinterview ng mga applicants na gustong mag trabaho for amazon.com in the US.

One night, while he was currently speaking to some guy over the phone, "Have you ever been..." napahikab siya. "convicted of a crime... other than a.. .. .. minor traffic offense for the last - six - years - - -" nang bigla siyang makatulog at bumagsak ang mukha nya sa keyboard ng malakas. Ginising siya ni Gracie, ang supervisor niya, at galit na galit. Tumayo si Alex, antok na antok pa, halata sa mukha nya ang bakas ng mga square na pindutan sa keyboard. Dumikit sa kanyang left cheek ang isang pirasong pindutan ng letter 'H' dahil sa malagkit niyang laway. 

"Salary deduction yang sinira mong keyboard!" sigaw ni Gracie. 

"Okay." sabay alis palabas ng production floor. 

"Wait! Saan ka pupunta?"

"I'm gonna freshen up a lil bit. Coffee, maybe? I'm sorry, hindi ko kaya. Inaantok talaga ako. I need a break."

"We'll you better hurry up, dahil hindi ka pa tapos dito!" tumalikod siya. "Arthur, tawagan mo nga yung techician. Palitan tong keyboard na to!" Tumingin siya pabalik kay Alex.

"You! Get out of my face!!!!"

That time, bumaba si Alex sa pantry para mag refill ulit ng coffee. Pero kahit anong inom niya ng kape, inaantok parin siya.

He saw a bag of coffee powder na naiwan ng isang maintenance ng coffee vending machine. Tumingin siya, left and right. Nang makita niyang walang tao, binuksan niya ang bag, kumuha ng isang punong kutsara ng purong coffee powder at kinain niya. You can never imagine his reaction to this. His facial expression was priceless.

Pagbalik niya sa office, takot siyang dumaan sa harap ni Gracie na nakatingin sakanya habang papunta sa kanyang station. He tried not to look back at nakayuko lang siya. 

6 months later, he resigned dahil hindi na niya kinaya. 

Hindi niya kinaya Si Gracie?

Hindi si Grace - kundi ang lasa ng kape sa vendo.

InboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon