Consummate \KAHN-suh-mut\
Adjective
1 : complete in every detail : perfect
2 : extremely skilled and accomplished
3 : of the highest degree
"Anak, tulungan mo nga ako dito sa kusina." ani Mama. Ano nanaman ang kaguluhang 'to?
"Ma, ano meron?"
"May bisita kasi tayo." Huh? Bisita?
"Sino naman yung bisita natin, Ma?"
"Yung mga bagong kapitbahay natin. Yung bahay diyan sa tapat natin."
"Hindi na pala sila Lola Rina ang nakatira diyan, Ma?" Si Lola Rina kasi yung nakatira sa tapat ng bahay namin. Ang bait niya nga e. Lagi ako tumatambay doon kapag wala akong magawa, kaya close na close kami ni Lola. Hindi kami magkapamilya ah. Lola Rina lang talaga ang tawag naming lahat sa kanya.
"Actually, andyan pa rin si Lola Rina."
"Eh, paanong nangyari na may mga bagong kapitbahay tayo?" Take note, MGA. It means, more than one. Marami!
"Dumating na kasi yung anak ni Lola Rina galing America.." Ah! Yung kaiisang anak na babae ni Lola Rina, yung lagi niyang ikwinekwento sakin. Ang alam ko, may apo rin si Lola Rina, lalaki pero nakatira lang siya sa sarili niyang condo dito.
"Ah, yun po pala! Sige po." Tinulungan ko na si Mama sa paghahanda ng mga putahe.
Pagkatapos ng isang oras na paghahanda. Oo, isang oras. Hindi ko nga alam kung bakit sobrang pinaghahandaan ito nila Mama at Papa.
"Sige na anak. Ilang minuto na lang dadating na yun sila. Mag-ayos ka na." ani Mama. Tumango na lang ako at umakyat sa taas. Mukhang pormal na dinner ito ah. So, I decided to take a bath. Tapos blinower ko lang yung buhok ko. At isinuot ko yung red knee length dress ko na kabibili lang namin ni Mama kahapon. Oh, and it makes sense! Kaya naman pala niya ako binilhan ng damit kahapon. I wonder why do I have to look at my best? Kung puro matatanda naman ang kasama ko sa dinner na ito. Ang weird talaga ni Mama.
After I put some of my make-up, yung light lang naman, ay nakarinig ako ng katok sa labas.
"Come in."
"Ah, Ma'am.. pinapatawag na po kayo ng mama niyo sa baba. Andyan na po yung mga bisita."
"Sige sige. Bababa na ako." Sumunod lang ako kay Irene.
Pagbaba ko pa lang na sinalubong na ako agad ni Lola Rina.
"Good evening po Lola Rina." Niyakap ko siya.
BINABASA MO ANG
Consummate
RomanceKung kailan masaya na siya, ay saka naman may mawawala sa kanya. Demetria Selene Cortez, another girl, another story. "He isn't flawless. Our relationship isn't perfect. But every moment with him is consummate." Book cover credits to: Samantha Valer...