I'll go with you
"Ano? Dati yun, hindi na ngayon!"
"Tss." At talagang hindi ka naniniwala sakin.
Hindi na ako nagsalita pa, nakakahiya naman at baka pababain ako neto sa may kanto. Eh parang baliw ako niyan. Mabuti na lang na ilang sandali ay nakarating na kami sa resort. Hindi ko na hinayaan na buksan niya pa ang pinto para sakin baka sabihin niya sineswerte ako at sumbatan niya pa ako niyan.
"Sige. Salamat kuya." Pagsasalamat ko kay Caelius.
Tumango lang siya. Pero bago bumagsak yung pintuan ay nagsalita niya, "Anong oras ka uuwi?" Bakit niya naman tinatanong yun?
"Baka di ako uuwi." Pagbibiro ko.
"Huh?"
"Biro lang. Mga 6pm siguro."
"Okay."
"Bakit?"
"Sasabay ka sakin mamaya pag-uwi." Hindi siya tanong ah. Utos yun. Crush na rin ba ako ng crush ko?
"Huwag na, nakakahiya pa."
"Huwag ka ngang kiligin. Tinext ako ni Mama, sabi niya isasabay raw kita pauwi mamaya."
"Ahhhh. Okay po." Bwiset Demi, nag-assume ka ayan nasaktan ka tuloy. Napabusangot ako at ibinagsak ang pinto ng kotse niya. Nakita kong humalakhak siya sa ekspresyon ng mukha ko. Nagpatuloy na akong maglakad papunta sa cottage na ni-rent ng mga kaibigan ko.
"Oh, Demi. Bakit ka nakabusangot?" tanong ni Eliz.
"Wala!" nilagpasan ko lang siya.
"Demi, kanino ka sumabay kanina? Mukhang bagong kotse yun ah!" asar ng kadadating naming kaibigan na si Trevor.

BINABASA MO ANG
Consummate
Roman d'amourKung kailan masaya na siya, ay saka naman may mawawala sa kanya. Demetria Selene Cortez, another girl, another story. "He isn't flawless. Our relationship isn't perfect. But every moment with him is consummate." Book cover credits to: Samantha Valer...