Crush mo ko, diba?
Damang dama ko na ang summer dito sa Pilipinas. Bakit kamo? Kasi dumodoble ang init ng araw. At kung tinatanong niyo kung anong nangyari kagabi sa salu-salo. Ito yun..
"Sabi ko nga kay Demi kagabi e, bagay sila ni Caelius." Sabat ni Lola Rina.
"Hindi naman po, Tita, Lola." Nakakahiya kong sagot. Namumula nanaman ako! Nakakaconscious naman kasi kung tumingin si Caelius e.
"Bakit? May boyfriend ka na ba iha?" tanong ni Tita.
Tumigil talaga silang lahat sa pagsubo ng pagkain para marinig ang sagot ko lalo na si Mama at si Papa.
"Ah, wala po tita."
"See. Wala naman palang magagalit. Alam mo itong si Caelius, matagal na rin itong hindi nagkakagirlfriend." Napalunok ako ng laway ko. So, ano ngayon tita? Gusto mo ba na kami ang magkakatuluyan?
"Ah, ganun po ba?"
"Oo nga eh. Syempre, okay lang naman din yun kasi nag-aaral pa siya pero syempre ngayon grumaduate na siya. Mas sasaya ako kapag may nakikitang mag-aalaga sa Caelius namin."
"Ma!" saway ni Caelius sa Mama niya.
"What? Totoo naman anak. Why don't you court girls like Demi?" Shet naman tita, bakit mo po ako pinapahirapan?
"Bata pa rin naman din si Demi, mare." Ani Papa.
"Oo nga naman. Pero honestly, ayos naman yung age ni Demi para magkaboyfriend ah. Hindi pa naman ikakasal. Boyfriend pa lang. Inspirasyon!"
"Tama po si Papa, tita. Ang bata ko pa po."
"Sus. Caelius is like what, 4 or 5 years older than you? Si Mama at Papa nga, 12 years ang gap."
"That's what I told Demi last night, Min." Ano ba ito, pinagtutulungan niyo ba kami? Di na nga ako makatingin kay Caelius eh.

BINABASA MO ANG
Consummate
RomanceKung kailan masaya na siya, ay saka naman may mawawala sa kanya. Demetria Selene Cortez, another girl, another story. "He isn't flawless. Our relationship isn't perfect. But every moment with him is consummate." Book cover credits to: Samantha Valer...