Pangalawang Yugto

30 4 0
                                        

Bagay


Nakahinga naman ako ng maluwag nung umalis na sila. May sinabi pa si Lola Rina bago sila tuluyang umalis.


"Alam mo, Demetria.. Bagay kayo ng apo kong si Caelius." Tumindig ang balahibo ko.


"Lola naman e. Ang tanda na ni Cae- este Kuya Caelius para sa akin." Nahihiya na tuloy ako.


"Alam mo naman ang storya namin ng Lolo Mario mo diba?"


Lumunok ako ng laway. "Opo.. 12 years po yung gap niyo."


"Tama. Kami nga dose anyos ang pagitan.. kayo pa kaya na apat o limang taon lang ang pagitan."


"Hay, mapilit ka talaga La. Hindi talaga ako nananalo sayo."


"Pero sabihin mo nga sakin Demi, may gusto ka sa apo ko noh?"


Nagbuntong hininga ako. "Opo La. 5 years ko na po siyang crush."


"Ayun, dyusmiyo Demetria. Ang tagal nun ah! Siya siya, hindi na ako magtatanong ngayon kasi lumalalim na ang gabi. Pero hindi ibig sabihin hindi mo na yan ichichika sakin ah? Boto pa rin ako sa inyo ni Caelius!" Baggets na baggets si Lola!


"Opo La. Goodnight po!" ayun umalis na si Lola nun.


Oh, sino ba naman ang hindi mawawalan ng hininga kapag tinanungan ka ng ganun diba?


Panibagong araw ang dumating. Normal lang naman. Pero pagbaba ko sa kwarto para kumain ng almusal kasama nila Mama at Papa ay naalala ko pala na may nagbago. Nakatira lang pala sa tapat ng bahay namin si Caelius!


"Demi, may gagawin ka ba ngayong araw na ito?" tanong ni Mama.


"Uhmmm, dadaan po ako ng school. Tatapusin ko pa po yung clearance ko eh."


"Hanggang anong oras ka doon?"


"Hanggang anong oras ako matatapos, Ma. Bakit ho?"


"Hindi ba graduation ngayon ni Caelius? Inimbitahan kasi nila tayo na sumama sa graduation niya." Muntik ko na maibuga ang orange juice na iniinom ko!


"Dahan dahan anak." Kinindatan ako ni Papa.


"Ah, ganun po ba. Sige po, susubukan kong tapusin ang clearance agad."


"Basta Demi ah, alas kwatro ang graduation niya. Kaya't dapat alas dos nandito ka na sa bahay."


"Opo Ma."


"Sige na Demi, kumain ka na. Tapos maligo ka na. Ihahatid na kita." Ani Papa.

ConsummateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon