Unang Pagkikita
"Demi, dalian mo na.. Hindi na ako makakamartsa niyan!" pagrereklamo ng pinsan kong si Seraiah. Pareho kaming Grade 6. At natapos na yung graduation ko nung isang araw. Sa Immaculate Concepcion University ako nag-aaral. Sila Seraiah naman sa St. Gabriel University.
Dumating kami on time. Salutatorian si Seraiah. Magkasabay nga pala ang graduation ng Elementary at High School. At sa huli mamartsa ang mga nabibilang sa top 7. Habang nasa may upuan kami sa side na nakalaan para sa pamilya ng mga kasali sa honor rolls ay tinitignan namin yung mga nagmamarch papuntang stage.
And someone caught my attention. Ang gwapo nung partner ni Seraiah! Yung Salutatorian ng High School. OMG. Grabe. Matangkad, payat pero nakikita mo pa rin na isa siyang magandang lalaki at gwapo nga! G-W-A-P-O. Sa buong ceremony ay nakinig lang ako at nalaman kong Caelius Villacastro pala ang pangalan niya. Pati pangalan, ang gwapo pakinggan!
After nung ceremony ay of course dahil sa kagwapuhan niyang taglay ay maraming nakikipagpicture sa kanya. Dahil dakilang inggitera ako ay napatitig na lang ako sa kanila. Nakakahiya rin kung makipagpicture ako.. hindi naman ako nag-aaral dito.
"Demi! Gusto mo bang makipagpicture kay Kuya Caelius?" tanong ni Sera.
"Ahh- hindi ah!"
"Sus couz. Kilalang kilala kita! Tara, magpapicture tayo!" hinila niya ako papunta kay Caelius.
"Kuya Cae! Papicture ako. Tapos kayo rin ni Demi, okay lang?" pagpapaalam niya. Grabe, nakakahiya talaga tong ginagawa ni Sera.
"Sure." Nagpicture sila ni Sera at pagkatapos kami rin.
"Ano ka ba, Demi. Lapit ka pa! Ang layo layo mo naman kay Kuya." Bwiset ka, Sera. Namumula na ako dito. Para matapos na ang lahat ay lumapit ako kay Caelius at nagulat ako nung inakbayan niya pa ako! Shet. Kinikilig ako! Kaya ang kalalabasan ay overjoyed ako sa picture namin, medyo pink pa yung mukha ko.
"Salamat kuya."
Nakatunganga lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala! Inakbayan ako ng crush ko!
"Huy Demi. Tama na nga yang pagpapantasya mo. Kita mo yung 1st honorable mention?"
"Huh?" pagtataka ko.
"Yun yung girlfriend niya."
"Weh?"
"Tignan mo oh!" itinuro niya yung dalawa na nagpipicture tapos nagtatawanan.
Aray naman! Kaka-crush ko lang, broken hearted na agad ako?
"Di bale, magbrebreak din sila! Walang poreber no."
"Bahala ka na nga. Tara, kain na tayo sa labas!" may handaan kasi, simpleng salu-salo ng magpapapamilya.
Ilang taon ang nagdaan, crush ko pa rin siya. Pero crush lang. Hehe. Naging inspirasyon ko siya. Lalo na sa pagiging CPA. Kasi nakita ko yung year book ni Sera at ang ambition niya doon ay maging isang CPA Lawyer. Kaya nga simula nun ay gusto ko ng maging CPA.
Pero mga once a year ko lang ata nakikita si Caelius, sa mall, sa park. Meron nga isang araw nagulat na lang ako kasi nakita ko siya sa school. Kasama ko si Ganesha that time. Naglalakad kami sa campus, 4th year high school kami nito at 4th year college na siya.
"Demi, si Kuya Caelius oh!" aniya.
"Ano?! Huh? Saan?!" hinanap ko siya. Nagmumukhang tanga tuloy ako!
"Andun oh!"
"Huh?! Saan?"
"Doon!" itinuro niya na si Caelius. Ayan tuloy, nahalata kami ni Caelius kasi ang lapit niya na sa amin. Kilala ni Caelius si Nesha. Kasi nagkasama sila sa isang Summer Program.
"Hi Nesha!" bati niya. Nginitian niya rin ako. Shemay!
"Hello Kuya Cae. Bakit ka nandito?"
"Nakita mo ba si Mara?" Si Mara yung Valedictorian namin.
"Ah! Hindi ko siya nakita kuya eh. Pasensya."
"Sige sige. Hanapin ko muna siya. Salamat. Bye, Nesha!"
"Bye kuya Cae!"
"O.M.G. ANG GWAPO NIYA PA RIN NESH!! NAKITA MO YUN! NGINITIAN NIYA AKO!! OH MY GOSH."
"Huy, hinga hinga rin diyan!"
Alam ko kung bakit niya hinanap si Mara noon, para mag-offer ng scholarship sa St. Gabriel University.
May mga times din naman na nakikita ko ni-lilike niya yung post or picture ko sa facebook. At yung mga times na yun, rare yun! Scriniscreenshot ko nga lahat eh! May sariling folder ako nun. Hahahaha. May time rin na nagchat kami nung 1st year high school ako. Pero sa tingin ko di niya na yun maalala. Nag-break rin sila nung girlfriend niya nung high school. Sabi na nga bang walang poreber sa kanila. HEHEHE. Balita ko rin ay marami na siyang niligawan kaso lang, wala sumasagot. Sabi nga nila, baka bakla raw siya. Pero syempre hindi ako naniniwala!
Nagkakaroon rin naman ako ng ibang crushes. Ika nga ni Saph, ito raw ang tunay na kahulugan ng INSPIRASYON. Walang kupas! Kaya't hanggang ngayon, crush na crush ko pa rin siya.
Note: At dahil mabait ako, eh pinost ko na ang Chapter 1. Hehe. Pero I'm still hopeful for the 10 votes and 5 comments on the first two chapters. Hehe. I'm going to Bohol and sa April 12 and balik ko so, sana pagdating ko dito ay yun ang magiging good news :)))) Thank you! God bless.

BINABASA MO ANG
Consummate
RomansaKung kailan masaya na siya, ay saka naman may mawawala sa kanya. Demetria Selene Cortez, another girl, another story. "He isn't flawless. Our relationship isn't perfect. But every moment with him is consummate." Book cover credits to: Samantha Valer...