Kinabukasan ay maaga akong nagising at naghanda na para pumasok sa school. Nagpaalam na ako kay Tita at tsaka umalis na. Sumakay na ako sa jeep papunta sa school. Pagkababa ay nakita ko sila Venice at Ali na nakatayo malapit sa gate ng school. Nagdahan-dahan akong naglakad papunta sa kung saan sila, at saka biglang hinawakan si Ali sa balikat."Bulaga!"
"Ay! Anak ka ng pisting anak ng pusit ni aling Marites!" Napatawa naman ako sa sinabi ni Ali, ganoon din si Venice.
Naglakad na kami papasok sa gate at saka tumungo sa classroom namin. Naupo na kami sa upuan namin. Kakaunti palang kami dito sa room.
"Sumali kana ba sa Dance Club, Lea?" Hindi talaga nila makakalimutan ang Dance Club.
"Oo, pumunta ako kahapon sa room nila," Agad namang napangiti silang dalawa sa sagot ko.
"Wait," Sabi ni Venice na parang may iniisip, nilagay niya ang kaniyang kamay sa kaniyang baba. "May kakilala ako sa Dance Club at ang sabi niya sa akin si Ten daw ang president doon. Totoo ba?"
I nodded.
"Tsaka sabi ng iba dito sa school magaling daw talaga si Ten sumayaw at marami ang nagkakagusto sa kaniya, lalo na at gwapo siya," Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mga 'to kahapon kung nagfamily dinner ba at may pinuntahang importante or nangalap ng balita tungkol kay Ten.
May sasabihin pa sana silang dalawa sa akin ng dumating na ang prof namin sa first period. Nagdiscuss lang siya at nagbigay ng activity ganoon din sa second period namin. Nang break time na ay nagpasama ako kay Venice at Ali na pumunta sa Dance Room para ipasa ang finill up-an kong form na binigay ni Ten kahapon.
Eksaktong may babae ang naunang pumasok. Maganda siya, maputi, matangkad at hanggang balikat ang buhok niya. Pumasok na kami sa loob at hinanap kaagad ng mga mata ko si Ten. Nang mahanap ko siya ay may kausap siya, yung babae kanina na naunang pumasok sa amin. Kumpara kahapon ay maraming tao ngayon dito sa Dance Room, mga kasali siguro sila sa Dance Club, malamang self. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Ten, at nang umalis ang babaeng kausap niya ay inikot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng room na para bang may hinahanap and when our eyes met he immediately smile and walk towards us.
"Sorry, kanina ka pa ba?" Tanong niya ng makarating siya malapit sa kinatatayuan ko.
Narinig ko naman ang pag-ehem ng dalawa kong kasama.
"Ah, hindi naman, ito na pala 'yung form," Tiningnan ko sila ni Ali at Venice pagkatapos kong sabihin 'yun.
Kinuha naman niya ito at tsaka tiningnan at binalik ulit ang tingin sa aming tatlo. Napatingin siya kay Ali.
"Have we met before?" Ten asked, nakakunot ang noo.
"Ahh, yes. Ako 'yung may crush sa kaibigan mo na si Hiro," Sagot ni Ali na proud pa jusme iba talaga kapag inlove e. "I'm Ali. Lea's bestfriend."
Ten just nodded, si Venice naman ang tiningnan niya.
"Venice," Pagpapakilala naman ng katabi ko at ngumiti. "Bestfriend din ni Lea,"
"Nice meeting you two, Ali and Venice. By the way," Ngumiti lang si Ten at saka tumingin ulit sa akin. "Because you're already part of Dance Club, you need to attend our practice starting tomorrow, may competition kasi next month and tayo ang representative ng school."
"Sure," Sagot ko na lamang dahil sa sobrang excited ko. "Sige. Mauuna na kami."
Umalis na kami sa Dance Room at saka doon lang kami nakahingang tatlo. Naglakad na kami pabalik sa cafeteria at bumili nalang kami ng pagkain namin at bumalik sa room.

BINABASA MO ANG
Somebody Out There
Fanfiction"There's somebody out there who's looking for you, someday he'll find you i swear that it's true. He's gonna kiss you and you'll feel the world stand still."