CHAPTER 2

1.1K 27 0
                                    

Umaga na naman and guess what? Syempre may pasok, humikab ako, inaantok pa kasi ako sa kakanood ng anime kagabi. Marami na rin naman ang naglalakad na nakakasabay ko na sa Neo High nag-aaral. Pagkapasok ko ng gate ay may tumawag sa akin.

"Lea!" Napalingon naman ako at nakita ko si Ali na tumatakbo palapit sa akin. "Wait for me!"

"Goodmorning, Ali," Nakangiting sabi ko sakaniya ng makalapit siya.

"Goodmorning, Lea," Malapad ang nakaguhit na ngiti sa kaniyang labi.

Nagsimula na kaming maglakad at napansin ko naman ang make-up niya.

"I spent 2 hours doing make up," Turo nito sa mukha niya. "Fake eyelashes are really difficult."

"Why did you suddenly want to put on make-up?"

"I still want to get with, Hiro."

"Seriously?" Nakakunot ang noong tanong ko. Seryoso pala talaga siya sa lalaking yun.

Ali nodded.

"Pero yung fake eyelashes mo, gagi, medyo tabingi," Sabi ko rito.

"Eh?" Agad na humarap ito sa akin. "Help me fix it."

"Okay," Huminto kaming dalawa, "Don't move," Sinubukan kong ayusin ang fake eyelashes niya pero bigla itong natanggal.

"What are you doing, Lea?" Tanong nito kaya bago niya pa ako mabatukan ay tumakbo na ako para hindi niya ako maabutan, dala-dala yung fake eyelashes niyang natanggal. Naghabulan kaming dalawa, hinihingal kaming nakarating sa classroom namin. Nagkatinginan lang kami at tumawa, nandito na pala si Venice, kaya ng tingnan namin siya ay halata sa mukha niya ang pagtataka, "Para kayong mga baliw na dalawa,"

Naupo na kami at naghintay sa teacher namin sa first subject.

"Okay, class dismissed."

I sighed heavily.

Sa wakas makakauwi na rin.

"Una na ako guys. May family dinner kasi kami e. Bye. Labyu!" Sabi ni Venice at nagbeso sa amin ni Ali bago nagmadaling umalis.

Isasara ko na sana ang bag ko ng nawawala ang notebook ko kung nasaan ang mga ginagawa kong stories na hindi pa matapos-tapos at naroon din ang Diary ko.

"Ali! Wala talaga rito e!" Hinalughog ko na ang buong classroom pero hindi ko pa rin makita.

"Yan kasi, ang bata mo pa e masyado ka ng makakalimutin," Ali said without even looking at me, busy kasi sa pagchat sa Hiro niya. Nakaupo ito sa mesa habang naghihintay sa akin.

"Eh kung tulungan mo kasi ako sa paghahanap diba?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano ba kasing meron sa notebook na yun, except sa stories mo ha?" Tanong nito sa akin, hindi pa rin inaalis ang tingin sa cellphone niya.

"Naroon yung cellphone number ko, diary ko tapos ughh! Nakakainis." Napasabunot nalang ako sa sarili ko at hinayaan nalang kung saan man yun at malapit na ang dumilim baka pagalitan ako ng Tita ko at gabi na ako umuwi.

Sakto naman kasing semestral break namin tapos mawawala yun. Jusme. Kapag yun nakita ko ewan ko nalang, sana nga at makita ko pa.

-

Walang pasok kaya kailangan kong magtrabaho rito sa bahay ng boss ng Mama ko. Nakasanayan ko na rin ang magtrabaho kapag walang pasok para na rin makatulong sa Mama ko at sa gawain dito. Nagwalis na rin ako kanina at kasalukuyan akong nagmamop sa kwarto ng anak ng boss nila Mama ng biglang nagring ang cellphone ko. Akala ko si Ali o kaya si Venice pero number lang ang nakalagay kaya hinayaan ko nalang na mamatay pero nakakailang ring na ito kaya sa pang-limang tawag nito ay sinagot ko na.

Somebody Out There Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon