Ngayon ang araw ng competition namin, nasa backstage na kami at hindi kami mapakali. Magkatabi lang kami ni Jeno, nakapikit lang ako at nagpipray para mapakalma ko ang sarili ko. Kami na ang susunod at ng tawagin ng MC ang grupo namin ay mas lalo lang kaming kinabahan.
"Okay, thank you for the wonderful performance," narinig kong sabi ng MC pagkatapos magperform ng nauna sa aming grupo, "And, our next performer, they are from Neo High School and I heard they're powerful dancers. Let's all welcome, NEO TECH!"
Pagkasabi ng MC ay agad kaming lumabas ng stage, agad kaming pumunta sa mga pwesto namin, magkatabi kami ni Ten at bago magsimula ang performance namin ay hinawakan niya muna ang kamay ko kaya medyo kumalma ako. Naririnig ko rin ang sigawan ng mga estudyante na galing sa iba't-ibang paaralan galing.
"Woohh! Go Lea! Go Ten!" Agad akong napatingin sa sumigaw ng pangalan ko at ni Ten, nakita ko sila Ali, Hiro at Venice, napangiti nalang ako ng may hawak pa silang banner na may nakalagay na "GO NEO TECH!"
Nagsimula na ang tugtog kaya nagsimula na rin kami sa pagsayaw. Binigay na namin ang best namin, hindi man kami ang manalo basta masaya na kami at nakapagperform kami. Pagkatapos namin sumayaw ay naghawak hawak kami ng kamay at nagbow bago bumalik sa backstage. Ewan ko pero parang bigla nalang akong kinabahan, hindi pareho kanina na hindi ganoon ka grabe. Masakit din ang dibdib ko na parang may nangyaring masama. Binalewala ko nalang ito.
Pagkatapos magperform ng bawat representative sa bawat school ay pinaakyat na kami sa stage ng MC para iannounce kung sino ang mananalo pero hindi pa rin ako mapakali. Naramdaman ko nalang ang paghawak ni Ten sa kamay ko at ngumiti. Inanounce na ng MC ang 3rd and 2nd place. Ang grupo nalang namin at ang kabila ang hindi natatawag.
"Do you have any idea kung sino ang mananalo?" Tanong ng MC sa mga nanonood. Agad namang nagsigawan ang mga estudyante. "And the winner is," naghawakhawak na kami ng kamay at napapikit. "No other than, NEO TECH!" dahil sa sobrang tuwa ay niyakap ko si Ten habang nakangiti. Narinig ko naman ang pag-ehem niya kaya napabitaw naman ako kaagad.
Kinuha na namin ang trophy at nakipagshake hands sa judge, nagpicture muna kami bago kami nagcelebrate sa isang restaurant. Kasama na namin sila Ali, Venice at Hiro na agad kaming sinalubong kanina at nag-congrats sa amin dahil sa pagkapanalo. Masaya silang kumakain pero para bang nawalan bigla ako ng gana at kinakabahan pa rin, akala ko kanina ay dahil nasa competition kami pero hindi pa rin umaalis ang kaba ko at nadagdagan pa ng pagsikip mg dibdib ko.
"Hey," tawag sa akin ni Ten, "Are you okay? Kanina ka pa tahimik diyan. May nangyari ba? Gusto mo na bang umuwi?"
"Wala, ayos lang ako." Sagot ko at umiling.
Pagkatapos ay isa-isa na kaming nagpaalam para umuwi. Hinatid na ako ni Ten sa gate ng village, nagpumilit pa siyang ihatid ako sa loob pero baka makita pa siya ni Tita, mapagalitan pa ako. Pagkauwi ay dumiretso agad ako sa kwarto ko, nakakapagod. Agad kong kinuha ang twalya ko at pumunta ng banyo. Nagbihis na ako ng komportableng damit, kinuha ko ang cellphone ko, nagulat ako ng madami ang missed call dito. Galing kay Mama pati na rin kay Papa. Tatawagan ko na sana si Papa ng biglang sumulpot ang pangalan ni Mama sa screen. Sinagot ko naman ito kaagad.
"Hello, nak? Nasa bahay kana ba? Kanina ka pa namin tinatawagan." Iba ang boses ni Mama ngayon, para bang galing lang sa pag-iyak.
"Opo, may competition kasi kami kanina. Ano bang meron, umiyak ka ba?" Hindi ako mapakali at para bang bumalik ulit ang kaba ko kanina.
Narinig ko naman ulit ang paghikbi niya, "Nak, sana huwag kang mabibigla, pero wala na siya. Wala na ang Lola mo."
Wala na siya. Wala na ang Lola mo.
BINABASA MO ANG
Somebody Out There
Hayran Kurgu"There's somebody out there who's looking for you, someday he'll find you i swear that it's true. He's gonna kiss you and you'll feel the world stand still."