CHAPTER 3

1.1K 29 4
                                        

I don't know how to react. I didn't expected that the guy who always annoy me and make me happy at the same time through phone call were Ten, Hiro's friend. Ang lalaking nakabangga ko ng magkausap si Ali at Hiro.

Hindi ako nagsalita habang pinagmamasdan ang mukha niya, para bang gusto ko nalang bigla na kabisaduhin kung ano ang itsura niya. Maganda ang mga mata niya at may nunal siya sa ilalim ng kaniyang mga mata, mayroon din sa ilalim ng kaniyang bibig, matangos ang ilong niya at mapula ang mga labi.

"Hey, are you okay?" Napabalik naman ako sa wisyo ng magsalita ulit siya. "By the way, it's for you," Hindi ko napansin na may dala pala siyang bouquet ng flowers at chocolates.

Nag-aalinlangan pa ako kung tatanggapin ko ba or hindi. Pero kusa itong kinuha ng mga kamay ko, bakit ba hindi sumusunod ang katawan ko ngayon sa utak ko.

"Thank you," Nagpilit lang ako ng ngiti, ewan ko kung nagmumukha akong tanga kasi feeling ko ang awkward ko. "Ahm, sige. Aalis na ako, may class pa kasi ako e,"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at nagmadaling umalis sa lugar na iyon pero narinig ko pa ang sigaw niya.

"Nice meeting you, Lea! Magkikita pa ulit tayo!"

Ewan ko kung anong mayroon sa sinabi niya pero awtomatiko akong napangiti.

Pagdating ko sa room namin ay nagdidiscuss na si Ma'am. Wala naman siyang reaksiyon at nagpatuloy lang sa pagsasalita sa harap. Kinalabit ako ni Ali na nasa tabi ko kaya napatingin ako ng nakakunot ang noo.

"So, how is it? Who's the mystery guy?" Tanong ni Ali sa akin na kinikilig pa dahil ang lawak ng ngiti.

"Hiro's friend," Napabuntong hininga muna ako at nag-isip kung sasabihin ko ba o hindi. "Ten."

"Omg!" Napalakas ang sabi ni Venice na nasa harapan ni Ali na naghihintay din sa magiging sagot ko. "Si Ten? You're so lucky, girl! He's so handsome, famous siya, hindi mo lang siguro napapansin dahil wala ka naman paki sa mga lalaki."

Dahan-dahan akong tumango. Napatakip naman si Ali sa kaniyang bibig.

"Hala, balita ko may ibang girlfriend si Ten dito sa school e," Napansin namin na parang tumahimik ang mga kaklase namin kaya tumingin kami sa harapan, napalakas ata ang sabi ni Ali kaya halos lahat na ng mga kaklase namin ngayon pati si Ma'am ay nakatingin na sa amin.

"Hehe. Sorry po," sabay na sabi naming tatlo at nagpeace sign pa at awkward na ngumiti.

Mabuti nalang at mabait ang prof namin kanina kaya hindi kami pinatawag sa office. Naglalakad na kami ngayon papunta sa cafeteria dahil nga e break time na namin. Bumili lang kami ng pagkain at naghanap ng bakanteng mesa na kasya kaming tatlo.

"Sumali ka nalang kaya sa dance club," Sabi sa akin ni Ali ng makaupo kami at mailapag ang hawak namin na tray. "Sa galing mo na sumayaw e pasok ka kaagad 'dun."

"Oo nga naman, sayang naman kung hindi mo maipakita sa iba 'yang talent mo," Saad ni Venice habang binubuksan ang Nova na binili niya.

"Eh, pag-iisipan ko pa 'yan," napataas naman ang kilay nilang dalawa na na nakatingin sa akin. "Baka kasi bumaba ang grades ko kapag sumali ako."

Tumango nalang silang dalawa at nagpatuloy na kaming kumain. Pagkatapos ay bumalik na kaagad kami sa room para sa next class namin. Buong oras na nagdidiscuss ang prof namin ay wala namang pumapasok sa isip ko, paano ba naman e iniisip ko kung sasali pa ba ako sa dance club o hindi. Noong elementary kasi ay hilig ko na ang pagsasayaw, na-ikwento ko rin kasi sa kanila kaya sinabihan ako ni Venice at Ali na kapag naghighschool na kami ay sasali ako sa dance club, at ito na nga, high-school na kami kaya naaalala na naman nila ang sinabi nila sa akin, first and second year namin ay pinipilit nila akong sumali pero wala talaga akong balak dati pero ngayon para bang may nagsasabi sa akin na sumali ako. Basta bahala na.

Somebody Out There Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon