8 o'clock na ako nakauwi at inihatid ako ni Ten sa gate ng village. Inalalayaan niya akong bumaba ng kotse niya.
"Thank you ulit, Ten, I really really appreciated it."Napangiti lang ito.
"You're always welcome, Lea. As long as you're happy," Jusmeyo, bakit ba ganito ang lalaking 'to? Self kalma. "Sa akin muna ang dalawang anak natin."
"Sige na. Umuwi kana, ingat!" Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. Nagulat ako ng hawakan niya ang mukha ko, sobrang lapit na ng mukha naming dalawa. Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko, at saka ako hinalikan sa noo.
"Ikaw din. Take care. Goodnight, Lea," Magsasalita pa sana ako ng tumalikod na siya at pumasok na sa kotse niya.
Napatulala lang ako dahil sa ginawa niya at ayaw pumasok sa utak ko, hinalikan niya ba talaga ako? Nabalik lang ako sa wisyo ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman ito sa bulsa ko at nakita ang pangalan ni Mama sa screen.
Nagsimula na akong maglakad pauwi at sinagot ang tawag niya, "Hello, Ma?"
"Pauwi kana ba, nak?" Tanong nito.
"Opo."
"Sige, buksan mo nalang ang iniwan naming regalo ng Tito Brian mo sa kwarto mo. Sana magustuhan mo." Hindi lang ako kumibo. Umalis na naman ba silang dalawa?
"Saan ka ba, Ma?" Tanong ko.
"Ahm, may pinuntahan lang kami ng Tito mo at dito na rin kami matutulog." Napabuntong hininga nalang ako at bigla nalang sumakit ang dibdib ko. Pinatay ko nalang ang tawag niya at ng nakauwi na ako sa bahay ay dumiretso nalang ako sa kwarto ko. Pagkabukas ko ng ilaw ay nakita ko ang isang kahon na malaki at kulay red at mga paper bags na may iba-ibang brands. Tiningnan ko muna ito ng ilang minuto bago pagdesisyonan na kunin at ilagay lahat sa aparador ko at kinuha ang twalya para maligo at magbihis.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Kinapa ko ito at binuksan, may message pala. Wala naman kaming pasok ngayong umaga dahil may meeting daw pero may afternoon class.
From : TenTen Desarapen
Goodmorning, may practice pala tayo ngayon. Magready kana diyan at sunduin kita, okay?
To : TenTen Desarapen
Okay. Hindi mo na ako kailangan na sunduin, Ten. Kaya kong pumunta, sabihin mo lang kung saan.
From : TenTen Desarapen
Balakajan basta hihintayin kita sa labas ng gate ng village niyo :P
To : TenTen Desarapen
Tigas talaga ng ulo mo ano?
Hindi na siya nagreply kaya kinuha ko na ang twalya ko at pumasok sa cr. Naligo na ako at nagbihis. Nagpaalam na ako kay Tita na aalis ako para magpractice. Pagdating ko sa gate ng village ay naroon na nga si Ten, nakasandal siya sa kotse niya. Nakasuot siya ng white plain shirt, jogging pants na black na may adidas na nakalagay at white na Nike shoes. Siguro kung hindi ko 'to kilala si Ten ay napagkamalan ko ng artista, ang gwapo-este-cute siya. Naglakad na ako palapit sa sa kaniya. Binuksan na niya ang pinto ng kotse niya habang nakatingin sa akin.
"Kulit mo talaga, no?" Nakakunot ang noo na tanong ko at sumakay na sa kotse niya.
Pagdating namin sa Dance Room ay naroon na ang mga kasamahaan namin. Nakaplay ang music at sumasayaw ang iba.
"Hi, Ten!" Agad na bati ni Liz pagkalapit niya kay Ten. Tumango lang si Ten sa kaniya at dumiretso na naglakad papunta sa harapan.
Pinatay muna nila ang music ng pumalakpak si Ten upang kunin ang atensyon nila. Nagsilapit naman sila at nakatuon ang atensyon kay Ten na nasa harap.
![](https://img.wattpad.com/cover/31068810-288-k422945.jpg)
BINABASA MO ANG
Somebody Out There
Fanfiction"There's somebody out there who's looking for you, someday he'll find you i swear that it's true. He's gonna kiss you and you'll feel the world stand still."