Una

8 0 0
                                    

Cellphone.

Isang pindot mo lang okay na ko. Busog na ko dahil ginagamit mo ako. Nalalaman ko na may saysay pala ako. Sa oras na malaman kong nasisiyahan ka sa tuwing ako ay hawak -- o kaya'y ikaw ay nalilibang, okay na ko. Dahil nalalaman kong may saysay nga pala ako.

Sa oras na tumunog ako, ikaw ay lalapit at iiwan ang iyong ginagawa para lang sa mensahe na ipinarating ko -- okay na ako. Dahil, oo nga may saysay nga pala ako.

Ngunit naisip ko, panlibang nga lang pala ako. Araw araw ginagamit mo ako para malibang ka lang.
May isang beses na tinanong sayo ng guro mo kung gano ako kaimportante ang sagot mo'y 'hindi ko kaya ng wala sya' ngunit isang araw, nilapag mo ako sa mesa at hindi na muling binalikan.

Panlibang nga pala ako -- sa tuwing kailangan mong maging masaya dahil nasaktan ka, kinakailangan mo ko, sa tuwing inaantok ka, kinakailangan mo ko, sa tuwing wala kang kausap, kinakailangan mo ko, sa tuwing naliligaw ka -- hindi ka mapag isip -- sa tuwing ikaw ay nag iisa, kinakailangan mo ako. Panlibang nga lang pala ako -- oo at pagkatapos mo akong libangin, iiwan mo sa isang tabi -- pagod.

At sa oras na ako'y mapagod, hindi na muling makahinga dahil sa sakit, ako ay magpapahinga. Ngunit naisip ko na hindi mo nga pala kaya ng wala ako. Hindi mo nga ba kaya?

Sinubukan kong magpahinga. Umiyak ka. Umiyak ka -- oo naluha ako sa tuwa dahil importante pala ako. Mali, hindi pala sa tuwa dahil naalala ko, umiyak ka nga pala dahil wala ka nang mapaglibangan. Dahil wala na ako. Pero dahil kailangan mo ako, umiyak ka at sinubukan mo uli na buhayin ako -- ang dating ako na may enerhiya para suplayan ang pangangailangan mo.

Ngunit pagod na ako. Pagod na ko. Dahil sa tuwing iisipin ko na kailangan mo lang ako -- nanghihina ako. Dahil naisip ko, oo nga kailangan mo lang ako kaya nasabi mong 'hindi ko kayang wala siya' -- oo nga kailangan mo lang ako kaya iniiyakan mo ako -- oo kailangan mo lang ako, kailangan mo lang ako ngunit ni minsan ay hindi mo minahal -- binabawi ko iyo dahil oo minahal mo lang ako, minahal mo ako dahil kailangan mo ako.

Pagod na ako. Pagod na ako. Humanap ka na ng iba, ibang mas may saysay pa kaysa sa akin.

Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon