Pang anim

3 0 0
                                    

Habang tumatagal ay lumalala.

Isa ka bang sakit na tila ayaw nang gumaling? Na sa bawat inom ko ng gamot -- oo sinubukan kong uminom ng gamot -- gamot na walang ginawa kundi pagalingin ang sakit. Gumaling nga ba? Gumaling ba ang sakit na walang ginawa kundi mamurwisyo?

Kahapon lang maayos ako, walang nararamdaman. Bakit ngayo'y mayroon nanaman? Uminom ako ng gamot at nagpahinga ngunit bakit bumabalik ka. Tama na, ayoko nang masaktan. Hanggang ilang hakbang ba ang sakit na ito at habang bumabalik ay lumalala. Nagpaturok, lumaklak ng gamot, ginawa ang lahat upang mawala ka ngunit ayaw talaga. Lumalala lang ng lumalala. Nakakalula -- nakamamatay.

Bakit? Bakit kahit anong pilit kong inumin ang gamot -- oo pinipilit ko lang dahil mahal, gusto ko ito. Ayokong umalis sa komportableng ospital na ito kung saan ako inaalagaan, kahit nasasaktan.

Lumalala ka na. Lumalala na ang sakit na binibigay mo sa akin. Ayoko na, huwag ka nang bumalik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon