Pang-apat

3 0 0
                                    

Kung susuko ka na, pasensya. Kung sumuko ka na talaga, bakit hindi ka nagpaalam? Kung suko ka na, patawad.

Dumaan ang mga araw. Ang aking pagsinghot sa polusyong walang tigil sa pagbuga, ang aking paggising sa mainit na singaw ng hangin, ang aking panonood ng mga sasakyang tila araw araw ko nang nakikita, ang aking pagbigkas ng 'mahal asan ka na, namimiss na kita'

Hindi ko alam kung bakit ka sumuko. Kung bakit isang araw sinabi mong ayaw mo na. Nahirapan ka ba? Sa mundong puno ng panlilinlang? Nagsawa ka na ba sa ating tawanan, hampasan, iyakan, kawalangyaan? Paano na ang tayo? Bigla na lang bang mawawala ng parang bula? Na tila ba isang ihip mo lang ay mabubuo ngunit isang dali mo'y bigla na lamang susuko, bibitaw -- mawawala.

Mahal kung sumuko ka dahil pagod ka na -- pagod na sa mga walang kwenta kong drama, wag kang mag alala dahil wala akong magagawa. Hindi ka namana robot na dapat kong kontrolin. Hindi ko hawak ang buhay mo.
Hindi nga pala sayo umiikot ang mundo ko.

Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon