Pangalawa

7 0 0
                                    

Mali ka.

Sa bawat pag sikat ng araw hinahanap hanap kita.
Sa bawat pagbukas ng pinto hinahanap hanap kita.
Sa bawat bigkas ng kaibigan mo ng iyong pangalan hinahanap hanap kita.

Sa tuwing nakikita kita, ang katawan ko'y walang ginawa kundi magwala.

Ang bawat salita na nanggagaling sa iyong mga labi ay nagsisilbing musika sa aking tenga.
Ang bawat galaw mo ang nagpapangiti sa akin dahil mahal, nahuli mo ako at wala nang kawala ito.

Ngunit mahal, nang ako'y mapansin mo sa gitna ng nagkakaagulong mga tao, tumalon ang puso ko.
Akala ko sapat nang dahilan ang napansin mo ko upang ako ay gumawa ng aksyon upang makuha kita. Mahal, ikaw ay aking huhulihin.

Ngunit mali, mali ako na ikaw ang hinuli ko. Dahil ang puso mo -- oo ang iyong munting puso ang dapat na aking hinuli. Dahil mahal, ang puso mo ay hindi tulad ng iba, dapat na inaalagaan dahil sa oras na nasaktan, hindi na muling maibabalik ang dating buo.

Mahal, ginawa ko ang lahat. Nag-aral ako ng mabuti, lumusong sa mga pumapatak na ulan, tiniis ang di pag-kain dahil ito ay para sayo. Binigay ko ang alam kong makakahuli sayo -- oo sayo at hindi sa puso mo.

Nagulat ako, hindi mapakali, halos hindi makahinga at walang salitang makakapaglarawan sa sinabi mong gusto mo ako. Tuwang tuwa ang aking laman at tumatalon ang aking puso. Mahal, sa wakas nahuli na kita. Hindi ko naisip ang aking paghihirap, ang karayom na aking nilusot dahil ito ay para sayo.

Akala ko sapat na ang mga ginawa ko. Hindi pala. Akala na naman. Lintik na akala yan. Itinanggi mo ako -- oo itinanggi mo ako at ipinahiya sa lahat ng tao. Lintik na akala. Akala ko nahuli na kita. Akala lang pala.

May dumating na bago at ito ang dahilan ng paglaki ng iyong ulo. Hindi ako sumuko dahil mahal, ngayon ay puso mo ang aking huhulihin. Nabigo man ako nang una, hindi ako susuko.

Lokong pag-ibig to. Pinaglaruan mo lang ba ako? Binigay ko lahat ngunit siya ang pinili mo. Mahal, sa buong buhay ko -- sandali, ikaw nga pala ang buhay ko -- oo sayo umiikot ang mundo ko. Naalala ko, ang puso mo ay di buo dahil bago pa ko pumasok dyan, basag na pala ang munti mong puso. Akala ko buo pa ito at munti pa na may malasakit ngunit hindi.

Sinaktan mo ako, dinurog mo ang aking puso nang binigay mo sa iba ang kaligayahan na nararapat sa akin.

Tama nga sila, dumaan man ako sa butas ng karayom, sumakit man lahat sa akin, isakripisyo ko man ang lahat -- wala akong mapapala dahil hindi ikaw ang nararapat sa pagmamahal ko. Mali ka kung akala mong ako ay matapang dahil nanghihina rin ako. Dinurog mo ang puso ko. Durog na durog na, manhid na. Paalam, mahal.

Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon