Pangalawa pt. 2

6 0 0
                                    

Susubukan kita. Kaagaw ko man siya, hindi ako susuko. Susubukan kita.

Pinaligaya mo ako, una palang. Sa mga oras na pumayag ka sa aking mga hiling. Hatid dito -- hatid doon. Salamat dahil pinayagan mo akong subukan kita.

Dumaan ang taon. Nawala ako, dahil ayoko na. Pagod na pala ako. Mahirap intindihin ngunit kaibigan ko ang nawawasak. Lumayo ako kahit hindi ko kaya. Sinubukan ko lang lumayo ngunit mahal kahit anong layo pa ang aking mapuntahan babalik at babalik ako sayo -- dahil abot parin kita hanggang ngayon. Ang mga kamay na ito na tila nanginginig na at gusto nang bumitaw ngunit ayaw dahil sabi 'subukan' raw kita.

Binalikan kita mahal. Ngunit naglaho ka naman. Nagtampo, lumayo ang loob, nawala ang dating ikaw dahil kinailangan mong pumili. Sino nga ba sa aming dalawa? Sino ang mas nagbigay ng kaligayahan? Hindi ka makapili dahil ni isa hindi mo minahal hindi ba?

Pinaasa mo lang ako. Sa pagsugal ko ng aming pagkakaibigan, sinayang mo. Lahat ng 'yon tinapon mo na para bang hindi mo rin sinubukan -- na para bang ako lang ang sumugal -- na para bang basura na basta basta mo nalang itinapon dahil naubos mo na ang mayroon ito.

Oo, sumubok ako. Ngunit mali ako. Mali ako sa desisyon na ikaw ang subukan ko. Pagod na ako, tama na.

Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon