Pangatlo

3 0 0
                                    

Ako, ako ang kaibigan mo. Kasama mo sa lahat ng kalokohan mo.

Sa oras na mawala ako sa tabi mo, diba't tila ikaw ay nahihibang -- hindi alam ang gagawin? Dahil nawala ako sa tabi mo -- dahil nawalan ka ng katawanan, ng kakampi, ng kasama sa kalokohan, ng mapagsasabihan ng problema -- dahil nawala ako, importanteng tao para sayo.

Ngunit lahat ng 'yan ay naibaon na sa nakaraan. Wala nang ako at ikaw -- oo ako at ikaw at hindi tayo. Ako at ikaw lang ang meron ngunit sinayang mo rin ito.

Pinangako mo na sa oras na may mahalin akong iba -- na may mahalin ka'ng iba, walang mawawala sa atin. Ako at ikaw ay mananatiling ako at ikaw.

Sa oras ng iyong pag-ibig sa iba, tiniis ko lahat ng sakit. Umuulan, kasabay ng aking pagluha dahil ang ako at ikaw ay minsan ko na ring hiniling na maging 'tayo' -- na ang ako at ikaw ay di malabong maging 'tayo' -- na ang ako at ikaw ay puwede pa, pwede sa isa't isa.

Isang araw ang hiniling ko para tayo'y mag-usap. Binalewala mo ito. Umiyak ako -- oo umiyak sa sakit hindi dahil may 'kayo' ngunit dahil nakalimutan mo ang pangako -- ang pangako na mayroong ako at ikaw.

Nawala na. Naglaho na.
Ang ako at ikaw.
Tila isang memorya na lang.
Isang memorya na maaaring balikan ngunit memorya nalang.
Memorya ng ako at ikaw.
Memoryang hindi ko malilimutan.

Nagkamali ako. Dahil una palang pala kaibigan lang ako.

Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon