CHAPTER 8 : Wow! BIG WORD!

118 15 0
                                    

KARYLLE POV

Nanlambot ang mga tuhod ko sa nakita ko. Si Jose ba talaga tong nasa harapan ko?

"Sure! Why not? Kantahin natin!"

Sabi niya.

Halatang may Galit at inis siya nang sabihin niya yan.
Dahil sobrang miss na miss ko na siya... Hindi ko napigilan ang sarili ko at nayakap ko siya.



"I miss you Jose... I miss you Pogi" umiiyak Kong sabi.

Nagpumiglas siya at pilit na kumawala sa pagkakayakap ko.

"Wag kang gumawa ng eksena dito. Baka isumpa mo pa ako kapag nasira yang career mo." Galit niyang sabi.

"Excuse me." Dagdag niya.

Tumakbo siya palabas ng bar at Ewan ko kung bakit pero kahit na alam ko na ang Daming camerang nakapaligid sa amin ay hinabol ko pa rin siya.

"Mam Karylle? Saan po kayo pupunta!?"

Tanong sa akin ng bodyguard ko.

Imbes na sagutin ko siya ay pinagpatuloy ko ang paghabol kay Jose. Minsan nang nasira ang friendship namin at ngayong pinagtatagpo na kami ng tadhana... Di ko na to palalampasin.







"Jose! Sandali lang naman!"

Sobrang lapit nalang namin sa isa't-isa kaya naman nahawakan ko ang braso niya.

"Jose... I'm sorry..."

Humihikbi Kong sabi. Niyakap ko siya patalikod at paulit-ulit na humingi ng tawad sa kanya.

"Bitawan mo ko Karylle. Hindi ako nangangaroling sayo para humingi ka ng tawad sa akin."

Walang gana niyang sabi.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.


"Patawarin mo ko sa ginawa ko. I'm sorry."

Humarap naman siya pero Hindi siya tumitingin sa akin.

"Kalimutan mo nalang yun. Tatlong taon naman na ang nakakalipas. Maganda na ang buhay mo... Kaya kalimutan mo nalang na may nakilala kang bakla na kagaya ko "

"Hindi kita magagawang kalimutan Jose." Umiiyak ko pa ring sabi.

"Hinde!? So yung ginawa mong pag-alis hindi pa ba sign yun ng PAGLIMOT!?"

Galit niyang sabi sa akin. At sa pagkakataong ito ay nakatingin na siya ng matalim sa mga mata ko.

"Hindi paglimot yun. Hindi kita makakalimutan dahil best friend kita!" Sagot ko.

"Best friend! Wow! BIG WORD! Sige nga karylle! Sabihin mo sa akin kung anong ibig sabihin ng salitang best friend! Sige nga!" Panghahamon at Galit na sigaw niya sa akin.

Hindi ako nakaimik sa tinatanong niya dahil puro iyak nalang ang kaya Kong gawin ngayon sa harapan niya.

"Oh diba? Hindi ka makaimik! Kasi ang to too!! Hindi mo alam kung anong ibig sabihin ng salitang yan! Pero dahil mabait ako sige ipapaliwanag ko sayo baka kasi Hindi yan naituro sa inyo dito sa mga sikat na unibersidad na pinasukan mo!"


He suddenly take a deep breath. At nakita ko rin ang pagtulo ng luha niya.. Nasasaktan pa rin siya.






"Yung best friend? Yan yung tao na kasa-kasama mo Simula sa pagkabata hanggang sa paglaki! Siya yung tao na kasama mong tumawa, umiyak, humalakhak. Siya yung tao na kasama mong bumuo ng mga pangarap at siya rin yung tao na kasama mo PARA ABUTIN LAHAT NG PANGARAP NA YUN! At siya yung tao na Hindi agad-agad susuko dahil lang sa NAPAKALIIT NA RASON! SIYA YUNG TAO NA HINDI KA IIWAN NG WALANG PAABISO! NANG WALANG PAALAM!" His tears was continuously falling from his eyes.

"..... At siya yung tao na sobrang mahal na mahal mo. Ngayon ha! Sige nga Karylle! Sabihin mo sakin! Sa mga nabanggit ko, sa tingin mo matatawag kitang BESTFRIEND?!"

Bakit Hindi ako makasagot? Ako ba talaga ang Mali? Ako ba talaga?

"Hindi mo kailangan ipaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng salitang best friend! Dahil Alam ko rin kung anong ibig sabihin niyan! Yung best friend? Yan yung taong Hindi ka ipagpapalit sa Jowa niya at HINDI KA SASAKTAN NANG DAHIL SA IBANG TAO! DAPAT ANG BESTFRIEND SIYA YUNG KAKAMPI MO! AT HINDI PAPABURAN ANG KUNG SINO. Pero diba? Yun yung ginawa mo! You choose Romeo over me! Sinampal mo pa nga ako diba? Sinaktan mo ko!" Umiiyak Kong sagot.

"Ang babaw mo! Ang babaw babaw mo! Napakaimmature mo! Okay na! Let's move on! Walang patutunguhan ang pagtatalong to."

"Pero Jose... Nagsisisi na ako. I'm sorry.... Mapapatawad mo pa ba ako?!"
Nilingon niya ulit ako..

"Tatlong taon kang nawala kaya wag ka nang magtaka kung wala ka ng lugar dito sa utak ko at dito sa puso ko. Hindi ako Diyos para magpatawad ng ganon kadali. Kalimutan mo na ako. Dahil matagal na kitang kinalimutan."


Pagkatapos non ay maglakad na siya palayo. Hindi ko na siya napigilan dahil durog na durog ang puso ko sa mga narinig ko. Nanghihina ako. Napaupo na ako sa kalsada at walang ibang nagasa kundi ang umiyak.

Naalala ko noong mga panahong inaasar ako ng mga Bata.. Nung umiiyak ako? Dumating yung Knight in the shining armor ko nun para iligtas ako. Pero ngayon.... Yung Savior ko na yun... Siya na yung dahilan kung bakit ako lumuluha ngayon. Wala na... Wala nang magliligtas sakin.



Pero... Hindi ako susuko.

Pinaglalapit na tayo ng tadhana... Ikaw ang may sabi,

'KAPAG NADAPA KA, MATUTO KANG TUMAYO, HINDI LAHAT NG BAGAY MAKUKUHA MO SA PAG-IYAK'



Hindi kita susukuan. Susubukan Kong ayusin , ayusin yung bagay na nasira ko noon.




Hindi pa huli ang lahat.

My Love KarylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon