"Jelly Vice"

132 12 1
                                    

VICE POV

Kinaumagahan ay nagkanya-kanya na kaming handa para sa swimming namin. 

"Tita Zsazsa.. Asan si Karylle?" Tanong ko.

"Ay nasa labas na siya Jose. Maagang nagising yun."

"Bakit po?"

"Ewan ko ba dun. Pero alam ko kakausapin niya daw si Jhong."

Jhong na naman! At umeffort pa talaga siyang gumising ng maaga para dun? Wow! Ano ba talagang pinag-uusapan nila? Ano? Di na ko updated? Nakalimutan niya na akong kausapin Simula nang dumating kami dito ah! Sana pala di na ako sumama dito! Sana nagtrabaho nalang ako!

Dali-dali na akong lumabas bitbit ang volleyball dahil maglalaro kami ng Team Ganda. Pero mas NA badtrip ako ng silang dalawa ang bumungad sa akin.

"What a view!" Pang-aasar ni Buern.

"Tara sali tayo kila karylle!" Yaya ni Aaron.

"Oo Sige Tara! Tara Vice!" Sigaw ni Archie.

"Kayo nalang! May sarili akong bola. Ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sa kanila. Mukhang masaya sila eh" Mataray kong tugon.

"Sige Aaron! Kayo nalang sumali dun! Kami ni Buern at Vice hihiwalay kami." Sambit ni Archie.

Sumali naman sina Matt at Aaron. Si Bernard naman... Ayon... Nakahilata pa rin! Inaantok pa rin daw kasi siya. Kaloka! Nagpunta sa Batangas para matulog!

Humilera kami sa pwesto kung saan naglalaro sila Karylle.

"Uy! Pogi! Sali nalang kayo dito!" Yaya ni Karylle.

"Hindi na. I have our own volleyball." Mataray kong sabi.

Hindi na sumagot si Karylle pagkatapos nun at nagpatuloy na sila sa paglalaro... Habang ako wala talaga sa focus.

"Uy Vice! Para ka namang sira kung maglaro eh! Ayusin mo! Nakakatamad na!" Sigaw ni Buern.

"Ay sorry. Eto na nga eh" Tinira ko na ang bola.

Naging Maayos na ang paglalaro ko nang bigla kaming mapatigil nang matamaan ni Jhong ng bola si Karylle sa ulo. Napaupo si Karylle sa sobrang lakas nung impact. Patakbo na sana ako para alalayan siya nang sumingit si Jhong.

"Ma'am Karylle sorry po. Di ko po sinasadya!"

Halos magkadikit na ang mga mukha nila at hinahaplos-haplos pa ni Jhong yung part na natamaan ng bola. Lalo akong nababadtrip.

"Ang sweet nila no? Archie?!" Bulong sakin ni Buern.

"Oo nga eh... Jhongrylle for the win!" Sagot naman ng isa.

Dahil sa sobrang nabubwisit ako.. Bumwelo ako ng bongga at ini-spike ang bola at sinadya kong itama yun sa ulo ni Jhong.


*Blag!"

"Ay sorry Jhong. Di ko sinasadya." Plastik kong sabi sa kanya.

Nginitian niya lang ako at binaling ulit ang atensyon kay Karylle.

At mas lalo akong nabwisit nang buhatin niya si Karylle papunta sa tent.

Nagsitinginan naman ang Team Ganda at nagsilapit sa akin.

"Vice are you okay? Are you feeling good?" Tanong ni Matt.

"Tigil-tigilan mo ko sa pag-eenglish mo Matt ha! Nangigigil ako!" Sabi ko.

"OMG! Ibang klase pala kung magselos ang bakla noh girls?" Pang-aasar ni Buern.

"Isa ka pa buern. Namumuro ka na ha! Itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong silaban ko nang apoy yang long hair mo!"

My Love KarylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon