CHAPTER 16 : Pogi Moves No. 1

129 13 1
                                    

VICE POV

Pangatlong araw na Simula nang maaksidente si Karylle. Nandito pa rin kami sa hospital, sabi kasi ng doctor bukas pa siya pwedeng ma-release.

Nakakapagsalita naman na nang maayos si Karylle at medyo malakas na. Nahihirapan lang siyang kumilos dahil nga nakasemento ang kanang kamay at kaliwang paa niya.

At sa ngayon, kaming dalawa lang dito sa kwarto at sinusubuan ko siya (Oy Green minded) sinusubuan ko siya ng mainit na lugaw.

"Kulot oh. Isa pa konti nalang to. Mauubus mo na"

Sinubo niya naman kahit mukhang wala na siyang gana..

"Pogi!"

"Hmm? Bakit?"

"Thank you ha. Sa pag-aasikaso sa akin."

"Wala yun no. Kulang pa to sa lahat ng ginawa mo para sa akin at para sa amin ng team Ganda. At yung totoo kulot? Miss na miss kita!"

Napansin ko namang namula ang pisngi niya.

"Nag-blush on ka ba?" Pang-aasar ko.

"Ahh ehh.. Wala.. Baka epekto ng gamot yan" utal niyang sabi.

"Sus! Hahahaha!"

"Bakit ka tumatawa?"

"Crush mo ko eh."

"Ha? Ano bang sinasabi mo?" Namumula siya lalo.

"Wag ka na magdeny. Kinwento sakin ni Zia... Lahat!"

"Ha? Tsismosa talaga yang kapatid ko! Kaasar!"

Oo alam ko na. Nakadaldalan ko kasi si Zia kahapon at sinabi niyang nung Debut daw ni Karylle dun daw niya nadiscover na crush niya ko. Kaya pala niya ako tinanong dati kung magkakagusto ba ako sa babae. Natutuwa ako..

"Pero kulot... Ngayon ko lang to sasabihin sayo."

"Ano?"

"Kung totoong crush mo ko at hindi lang nagjojoke si Zia... Wag ka mag-alala... Kaya kong ibalik ang dating anyo ko para sayo. Kahit baklang-bakla ako kaya kong magbalik-loob para sayo."



KARYLLE POV

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. At damang-dama ko ang pag-init ng pisngi ko. Gustong-gusto kong sumigaw dahil sa kilig na nararamdaman ko pero babaeng Pilipina ako kaya dapat akong magpanggap na okay lang ako kahit na kilig na kilig na ako.

"Wait lang kulot ha. Mag-C-CR lang ako."
Jusko! Eto na aalis na siya! Makakapagsaya na rin ako!

Pagkalabas na pagkalabas niya ay di ko na talaga napigilan sarili ko.

"WAAAAHHHHHHHH!! ASHDHJJSKKAV!! A-ray! WAAAHHHHHH!!!!"

Shet! Iba talaga epekto sakin ng baklang yon!
Hindi ko pa nababawi ang hininga ko ng biglang bumalik na si Jose.

"Oh bat parang ang saya-saya mo?" Puna niya.

"Ha? Sinong masaya? Wala ah!"

"Edi kinikilig nalang. May kinikilig"

"Sinong kinikilig? Dami mong alam ha."

"Isa nga lang alam ko... Yun ay yung mahal kita."

Nanlaki lalo yung mata ko sa narinig ko. Jusko! Anong nakain ng baklang ito?

"Baliw ka! Itulog mo yan!"

"Oo baliw sayo."

Mapapaaga yata pag galing ko dahil sa mga pinagsasabi nito!

"Kilig na kilig ka Kulot! Damang-dama ko! Sinasabi ko sayo ha.. Alalay sa damdamin. Pwedeng kiligin pero bawal ma-fall... Ay na-fall ka na nga pala sakin! Pero wag ka mag-alala sasaluhin naman kita eh."

"Paasa ka! Pag ako naniwala dyan ha."
"Pag naniwala ka... Edi totohanin natin"

OMG! Kilig na kilig na talaga ako! Bakit ganyan siya?

"Alam mo kulot? Kung nakakamatay lang ang kilig kanina ka pa dyan naghihingalo. Pero wag ka mag-alala pag naghingalo ka.. Dadamayan kita."

Okay Karylle .. 1,2,3 KALMA! Dalagang Pilipina ka... Bawal pahalata kahit halatang-halata na! Paano ko ba itatago to? Eh parang bad breath to eh... Kahit anong tago aalingasaw.

"Sus! Ako lang ba kinikilig? Ikaw din naman nu!" Sagot ko sa kanya

"May sinabi ba kong di ako kinikilig?"

And me was like... Okay Karylle... Your dead!



Authors note: At natigok na nga po si Karylle sa sobrang kilig. Dejoke lang! Hahahaha!

My Love KarylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon