CHAPTER 17 : Welcome Home Karylle!

119 13 3
                                    

BUERN POV

Ow yes naman! Binigyan din ako ng POV pagkatapos ng lahat ng ginawa kong pagpupush para magkabati ang dalawang lovers. Ay lovers? Di pala! Hahahaha! Ipupush pa natin para umabot dyan. Kahit sinong bakla naman yatang magustuhan ni Karylle magbabagong-buhay eh. Sa ganda ba naman niya! Nagtitigas-tigasan lang yan si Vice! Sus! Kunwari pa yan hahaha! Nagkabestfriend din naman ako at hindi naman kami ganon kasweet gaya ng dalawang yun.

Ang dami pang nalalaman ni Vice para mapasaya at makabawi sa jowa niya... Este sa girlfriend niya... Ay sa Bestfriend niya pala. Kaya ito nga ako ngayon ako ang naatasan para sunduin ang mahal na prinsesang si Kulotskie Karylle para sa surprise welcome home party na pinlano ng bongga ng witty kong friendship na si Vice.

"Nasaan ba si Vice Buern? Sabi niya siya susundo sa akin?" Nalulungkot na sabi ni Karylle.

Ay nak naman ng tokwa oh! Hindi ako magaling magsinungaling eh! Mabuti akong tao... Pero sa ngalan ng pag-iibigan ng dalawa.. Ay Charot!

"May lakad daw siya Karylle eh. Nakipagkita sa katextmate niya."

"Mas inuna niya pa yun kesa sa pagsundo sa akin dito! Bakla na nga paasa pa!"

"Paasa? Bakit ano bang sinabi niya sayo?"

"Handa daw siyang magbalik-anyo para sa akin... Tapos ngayon... Wala siya! Umaawra! Di niya man lang ako pinrioritize!"

Ay bongga si wakla! Pahopia ba yun? Handa siyang magbago? Jusko! Nakakaloka!! Baka nga pahopia niya lang yun!

"Wag ka umasa dun Karylle. Baklang-bakla yun! May allergy sa merlat yun! Wag mo na hanapin yun nandito naman ako."

"Handa kang magbalik-anyo para sa akin buern?"

Jusko! Kinilabutan naman ako sa tanong na yan! Oo sabi ko kanina kahit na sinong magustuhan ni Karylle siguradong magbabalik-loob pero exempted ako dun.

"Ay Karylle! Don't me. That's against my principles in life. Di ako papatol sa merlat."

"Baka nga pahopia lang talaga siya. Sa panahon ngayon... Bakla nalang yata ang hindi nagbabago... Kahit anong gawin mo sa kanila... Bakla pa rin sila."

Malungkot niyang sabi... Nakakakonsensya na to ha. Kaya mamadaliin ko na to! Baka lalo pa akong magkasala!

"Sige na karylle.. Alis na po tayo..."

Tinulak ko na ang wheel chair niya hanggang sa umabot kami sa kotse niya. Tinulungan ako ng driver niya na ipasok siya sa loob ng kotse kasi alam niyo na... Di ko keribels ang magbuhat.. Babae ako! Baka malaglag matres ko.

Habang nasa loob ng kotse ay damang-dama ko ang sadness ni Karylle. Ay grabehan na ito ha! Baka magsara ang pintuan ng langit para sa akin nito!

KARYLLE POV

Akala ko pa naman susunduin niya ko. Nakakalungkot na hanggang ngayon... Pag-awra pa rin ang priority niya. Tumahimik lang ako sa buong biyahe dahil masama talaga loob ko. Kahit si mama di man lang ako sinundo... Buti pa si Buern naalala ako. Kahit na bakla din to at puro awra ang alam naglaan pa din siya ng oras para sa akin. Kung di lang to bakla iisipin ko bet ako nito eh. Charot! Masyado kang asado Karylle. Wala kang converter power noh! Kaya wag mag-expect... Masasaktan ka lang.

Nagmumuni-muni ako ng bigla kong maramdaman ang paghawak ni Buern si kamay ko.

"Alam ko iniisip mo siya Karylle... Okay lang yan... Baka mamaya mag-away na naman kayo. Mahaba pa ang biyahe... Magparty nalang tayo dito! Mag kantahan tayo!! Duet tayo!!" Tugon ni Buern.

Alam kong kinocomfort lang ako nito ... Buti nalang nandito siya...

"Sige! Anong kanta gusto mo?"
"Sayo nalang ako. Kinikilig ako sa kantang yun eh!"
"Sure! Simulan ko na ha?"

Nagkantahan kaming dalawa at kahit paano napawi yung sadness ko dahil kay Jose.

"Alam mo Buern naisip ko pag naging love team tayo ang bantot ng combination ng name natin!"
"Ay love team? Tayo? Girl to girl! Sige ano yan?"
"BuRylle! Diba ang bantot!"
"Kasing bantot ng fez ko! Hahahaha!"
"Hala! Di naman mabantot fez mo! Ang gwapo mo kaya with your long hair. So cute!!!" Pinisil ko naman ang pisngi niya.
"Dami mong naiisip. Epekto yan ng pagkasagasa mo!"
"Baka nga... Andito na pala tayo. Di ko napansin."

Gabi na nang makauwi kami. Pagkababa palang sa kotse ay napansin ko nang ang tahimik ng bahay namin at ang dilim pa. So weird.
Tinutulak naman ni Buern ang wheel chair ko. Nang tingnan ko siya pangiti-ngiti siya... Anong meron?
"Buern? Bakit ka napapangiti?" Usisa ko.
"Wala wala... Kasama kasi kita! Charot!"

Nang buksan namin ang pinto mas lalo akong nagtaka. Nasaan mga tao dito?

"Buern. Switch on mo nga yung ilaw. Wala akong makita."
Hindi naman ako inimik ni buern. Habang palinga-linga ako ay bigla ko nalang narinig ang boses niya...

'Kamukha mo si Paraluman.. Noong tayo ay bata pa..'

Si Vice yun. Si Jose. di ako pwedeng magkamali.
So... Planado lahat ng to? My Goodness! Bakit di ko yun naisip?

'Ang galing galing mong sumayaw... Mapaboogie man o chacha. Ngunit ang paborito ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo.. Nakakatuwa, nakakaaliw, nakakapanindig balahibo! Hooo! Pagkagaling sa eskwela ay diretso na sa inyo... At buong maghapon ay tinuturuan mo ako!!'

Bigla namang binuksan ang ilaw at nakita ko lahat ng mahahalagang tao sa buhay ko... At siya- na umiiyak habang kumakanta..
Nang makita ko siyang umiiyak ay napaiyak na rin ako.

"Nakakainis kayo! Why your always making me cry? I was surprised! Ang hilig mo talaga sa sorpresa Pogi! Kakaasar ka!"

"Sorry na! Welcome home Karylle! I love youu!! This poem is dedicated for you.. Eto yung part 2 ng My Love KARYLLE na tinula ko noon sayo nung debut mo.."

'My Love Karylle, minamahal kong Karylle,
Ilang taon man ang lumipas pagkakaibigan nati'y di madidiskaril,
Kahit anong problema man ang tayo'y subukin,
Itaga mo sa bato, pangakong sabay natin itong susuungin.

Hindi perpekto ating pagkakaibigan
Minsan tayong nagkasagutan at nagkabangayan,
Nang dahil sa napakababaw na dahilan
Tayo ay nagkasakitan.

Maraming masasakit na salita ang sayoy akong binato,
Pero ako ngayo'y naririto..
At humihingi ng lubos na kapatawaran mula sayo,
Isang pagkakataon pa para sa pagkakaibigan nating ito.

Pero gusto kong malaman mo at sanay maunawaan mo,
Na ngayong kapalaran at tadhana'y tayo'y muling pinagtagpo,
Bagong masasayang alaala'y sabay nating bubuuin,
At pangakong kaylanman sa isip at puso'y di ka mawawaglit'

Napakaiyakin ko talaga!
"Halika nga dito pogi!! Nakakainis ka! You always make me cry!"
Lumapit naman siya at niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"AYIEEE!! LOVETEAM!" Tukso ng Team Ganda sa amin. Napabitaw tuloy ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Nanananching nga sa akin eh!" Birong sagot naman ni Jose.

"Pinagtutulungan niyo ko ha! Pasalamat kayo mahal ko kayo!" Tugon ko naman.

"Kami talaga mahal mo? Baka si Vice lang! Hahaha!" Pang-aasar naman ni Archie.

"Che!" Maikli kong sagot.
"Wag niyo na pagtulungan si Kulot! Mamaya mainlove lalo sakin yan! Mamaya di pa yan makatulog kakaisip sa kin!" Hinampas ko naman siya. Kaloka tong mga to!

"Oh tama na ang lokohan... Magsikain na tayo." Singit naman ni Mama.

"Okay! Lamunan na!!!" Sigaw ni Buern.
"Huy! Buern mahiya ka naman kay Tita Zsazsa. Nasa bahay tayo ng celebrity!" Saway naman ni Archie.
"Pasensya na po kayo Tita ZsaZsa, pag lamunan po talaga ang usapan.. Present yan si Buern! Nako!" Natatawang sabi naman ni Jose.
"Okay lang! Hahaha! Maganda nga yan may uubos na ng pagkain namin dito." Tumatawang sabi ni mama.

Ang saya. Ang perfect na ng lahat. Sana magtuloy-tuloy na to.. Sarap kaya ng goodvibes. Si papa nalang kulang... Happy family na kami! May extended family pa kami dahil sa Team Ganda. Nasa ibang bansa kasi si papa. Isa kasing registered doctor si papa dun. Tuwing pasko o kaya bagong taon nalang kami kung magkita.

Hayyy. Sana talaga Lord, magtuloy-tuloy na.

My Love KarylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon