CHAPTER 23 : Gumamela

116 9 2
                                    

VICE POV

Nagmamadali na akong maglakad patungo sa bahay nila Karylle. Sobrang saya ko. Walang mapaglagyan yung ligayang nadadama ko. Akala ko hindi na kami pwedeng maging masaya, akala ko huli na ang lahat pero akala ko lang pala yun... Dahil ang totoo... Mahal pa rin talaga namin ang isa't-isa. At lahat ng naranasan namin ay matitinding pagsubok lang na malalampasan din namin ngayon nang magkasama.

Di pa man ako nakakapasok ay bumungad na sa akin ang sasakyan ni Karylle na napapalibutan ng sticky notes. Nanlambot ang mga tuhod ko sa sobrang saya.

Lumapit pa ako lalo para mabasa ko kung anong nakasulat sa sticky notes...

"Can you forgive me?"

Pagbasa ko sa nakasulat sa sticky notes.

Napaluha ako at nagulat ako ng biglang magbukas ang pinto ng sasakyan at lumabas siya doon na umiiyak habang may hawak na bulaklak....

Lumapit siya sa akin at inabot ang bulaklak na hawak niya.

"Gumamela?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Wala lang. Maiba lang. Joke! Gumamela.. Gamot yan sa sugatan nating mga puso..." Natatawa niyang sagot.

Hinawakan niya ang mga kamay ko ng mahigpit at diretso akong tiningnan sa mata.

".... Magkahawak ang ating kamay.. At walang kamalay-malay na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay...."

".... Pogi? Mapapatawad mo pa ba ako?"
Umiiyak niyang tanong.

"Hindi kita kayang Patawarin....."

Yumuko siya sa sinagot ko at binitawan ang kamay ko.

"... Dahil ang totoo, kahit kaylan naman Hindi ko nagawang magalit sayo. Mahal na mahal kita Kulot!"

Niyakap ko siya ng napakahigpit at sabay na umiyak sa tuwa.

Nagulat naman ako ng biglang may magpalakpakan sa likod ko. Nilingon ko yun at nakita ko lang naman ang Team Ganda na umiiyak din.

"Ginagawa niyo dyan?!" Natatawa kong tanong.

"Pinapanood namin kayo! Sa wakas! Nagsawa na rin kayong maglaro... Ng taguan ng feelings! So happy for the both of you!"- Buern.

"Thanks gays! Andadrama niyo!" Sagot ko sa kanila.

Binalik ko naman ang tingin ko kay Karylle.

"I love you. Mahal na mahal kita!"

"Mas mahal kita! Mahal na mahal!"

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya at dahan-dahan kong inilapat ang labi ko sa labi niya.

"Yeaauuckk!!!" Nagtitiling sigaw ni Buern.

Napatigil naman kami at sabay na tumawa.

"Tiboli ka na talaga Ateng! Wit ko keri makita kayong nagtutukaan sa harap ko!" - Buern.

"Edi lumayas ka dyan!" Sigaw ko.

"Oo nga! KJ ka talagang kumag ka!" Dagdag ni Archie.

"Oh Tara na nga! Pumasok tayo sa bahay!" Yaya ni Karylle.

Nagsipasukan naman ang mga bakla. Kakapal talaga ng mga kalyo nito sa mukha eh! Nauna pa sila sa may-ari! Tutuktukan ko talaga tong mga baklitang to eh!

Pagpasok namin ay sumalubong sa amin si Tita Zsazsa na nakapameywang at nakatingin sa amin.

"So kayo na?" Mataray niyang tanong samin.

Inalis ko ang pagkakaakbay ko kay Karylle at medyo kinabahan.

"Ah.. Hi-ndi po.. Li-liga-wan ko po mu-na siya Ti-ta." Nauutal kong sabi.

My Love KarylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon