Chapter 1 : Si Bakla at Si Kulot

435 21 0
                                    

VICE POV

"Kulot salot! Basta kulot salot!"

Iyan ang tuksuhang naririnig ko mula dito sa kinauupuan ko. Sino na naman kayang pinagtitripan ng mga sira ulong batang to.

"Tama na! Ano ba!"

Umiiyak na sigaw ng batang babae.

"AAAHH! IYAKIN! KULOT SALOT!!"
patuloy pa rin siyang inaasar at tinutukso ng mga batang yun. At ewan ko ba kung bakit pero parang may kung sino at ano ang humihila sa akin papunta sa nangyayaring iyon. Na parang may nagsasabing tulungan mo yung batang inaasar nila Jose.

"Hoy! Ano ba yang ginagawa ninyo ha?! Mga wala talaga kayong magawa sa mga buhay ninyo eh noh? Bat hindi niyo kaya i-try na punasan yang mga uhog niyo?!" Sigaw ko sa kanila.

At ang bongga lang! May super powers yata ako at nagsialisan ang mga tukmol na mga batang iyon.

Nahawi ang pagkakapaikot nila sa batang umiiyak hanggang sa Makita ko na siya. Inabot ko ang kanang kamay ko sa kanya para siya'y makatayo na sa pagkakasampa niya sa maduming kalsada.

"Wag ka nang umiyak dyan. Hindi lahat ng bagay dapat iniiyakan. Pag nadapa ka dapat matuto kang tumayo! Tumayo ka na. Halika!"

Inabot niya ang kamay ko at pinaupo ko siya sa silyang kanina ay inuupuan ko.
Umiiyak pa rin siya at yung totoo? Hindi ko maaninag yung mukha niya dahil ang laki ng kulot niyang buhok. Eto yata nagpapadagdag ng timbang niya eh Charot lang!

"Maraming salamat sayo." Sabi niya. Napalingon at napatingin ako sa kanya.

"Wala yun. Sa susunod wag mo nang hayaang ganun-ganunin ka nila. Atsaka next time kasi itali mo yang buhok mo para naman di ka nagmumukhang taong tinubuan ng ganyan kalaking buhok!"

At bigla na naman siyang umiyak. Jusko! Ano ba yung sinabi ko?

"Hala joke lang yun! Uy tumahan ka na!" Aligaga kong sabi sa kanya.

"JOKE LANG DIN!" Tumatawa niyang sabi. Kaloka! Patawa din pala itong taong to!

"Basta thank you sa pagliligtas mo sa akin. Una na ako ha. Baka hinahanap na ako ng nanay ko sa tindahan namin."

At hindi pa man ako nakakasagot ay umalis na siya. Hindi ko man lang nalaman pangalan niya. Pero de bale! Ano ngayon kung di ko nalaman pangalan niya? Magkikita pa naman kami niyan panigurado.


Nandito ako ngayon sa kwarto namin at sinusukat tong bistida ng ate ko. Ang ganda ha. Kailangan ko tong gawin ng patago at baka Makita ako ng maton kong tatay. Mayayari ang beauty ko pag nagkataon. Habang nagmamalacinderella ako sa tapat ng salamin namin ay di ko namalayan na may pumasok nap ala sa kwarto ko.

Pagkalingon ko ay bumungad sa akin ang matatalim na tingin ng tatay ko at anumang oras ay ibabato sa akin ang anumang bagay na mahahawakan niya.

Parang nakakita ako ng multo at sobrang nanlambot ang mga tuhod ko. At walang sabi-sabi ay hinablot niya ang kwelyo ng suot kong bistida at kinaladkad ako papunta sa kusina.

"Nay!! Tulungan niyo po ako!" Umiiyak at natatakot kong sigaw.

"Rogelio! Ano ba yang ginagawa mo sa bata? Saan mo dadalhin yan?!" Nagtataka at naiiyak na tanong ng nanay ko.

"Etong anak mo, eto ang sisira sa lahi ko! Hindi mob a nakikita? BAKLA TONG ANAK MO!" Sabay sipa sa mukha ko.

"Rogelio! Tigilan mo yan!" Galit na sigaw ng nanay ko.

"Tay sorry na po.. Hindi ko nap o kasi kayang itago to eh. Hayaan niyo po akong maging masaya."

Umiiyak kong pagmamakaawa sa tatay ko.

My Love KarylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon