Chanel's PoV~
Natapos ang appointment ko sa manager ko agad, at next week na ako magsisimulang magpractice.."Tara sa mall, lakad muna tayo" pag aaya ni Dilan sakin
"Osige ba" kako at sumakay na ako sa kotse nya.. Pag dating namin sa Mall, diretso kami sa kainin at kumain muna.. Pagkatapos nun ay naglakad lakad muna kami habang magka hawak kamay pa..
Biglang huminto si Dilan, at dahil nakatingin ako sa kabilang diresyon para tumingin ng damit napa hinto rin ako at tumingin sa kanya..
"Dilan? Anong-" hindi ko natapos sasabihin ko nang bigla nya akong hilain sa gilid, at tumalikod.. May dumaan sa likod namin, at dahil parang nag wiwindow shopping kami nakita ko ang reflection ng lalaki sa window.. Nagulat ako sa nakita...
Si Clifford at Rhea....
Anong ginagawa nila dito??!?!? Gusto kong sundan si Clifford ngunit hinigit ako pabalik ni Dilan.. Umiling lang sya
"Wag na Chanel.. Tahimik at masaya na si Jessica, hayaan na natin sila Clifford.." Sabi ni Dilan
"Pero pano kung magkita sila?!?!" Bulyaw ko kay Dilan, ayoko mangyare yun.. Panu kung biglang gumulo ang buhay ni Jessica?!?!
"Hindi mangyayare yun.. Sisiguraduhin nating hindi mangyayare yun.. Lumipat sila ng bahay para makasigurado ang magulang ni Jessica na hindi na sila mahahanap pa ni Clifford kaya wala tayong dapat ikabahala.." Tumango na lang ako bilang tugon sa kanya
"Patawad nasigawan pa kita.. Nag aalala lang ako sa bestfriend ko" at napayuko ako dun.. Inangat nya mukha ko gamit ang daliri nya at sandaling hinalikan sa labi at ngumiti sakin
"Ayus lang yun, kaw pa! Malakas ka kaya sakin" at sabay kindat pa talaga sakin.. Siniko ko sya ng malakas at napa ubo sya, natawa ako ng palihim at na una na sa kanya
"Ikaw naman! Hindi naman yun yung first kiss natin ehh!" Eka nya at inakbayan pa ko, kinurot ko ang brasong naka abay sakin at agad nya itong tinanggal at hinimas himas pa,
"Napaka brutal mo talaga mahal ko" at akmang kukurutin ko nanaman sya ng tinaas na nya kamay nya na parang surrender na sya.. Haha ang epic ng itsura nya..
"Tara na nga.. Wag na natin to sabihin sa kanila.." Sabi ko kay Dilan tumango lamang sya... Loko..
Pero hindi ako naniniwala na hindi nya to sasabihin.. Baket ko nasabi???- Kinabukasan-
"So nakita nyo pala sila Clifford" sabi ni Deize at Frank, kitamo -.- sinabi pa rin nya.. Langya ka talaga Dilan.. Ngumiti lang si Dilan na akala mo walang kasalanan..
"Oo, magkasama sila ni Rhea as usual.." Sabi ko. Sa kanila
"May..ahm.. Kakaiba ba sa kanila???" Tanong ni Deize
"Hindi ko masyadong nakita" sabi ko
"Meron.." Sabi ni Dilan..
Napatingin kami kay Dilan, na sa ngayun ay kasalukuyang seryoso, na minsan ko lang nakita at nakapagpatibok ng puso ko ..
"Ano na naman yun????" Tanong ni Frank, naka tingin lang kami kay Dilan..
Bumuntong hininga sya at parang nag aalinlangan pa magsalita....
"Dilan ano ba nakita mo?? Sabihin mo na" sabi ni Deize
"May mali ba?," tanong ko sa kanya, ngunit umiling lamang sya
"Maling mali" sabi nya, dun kami mas lalong na interesado sa sasabihin nya..
.
.
...
.
.
.
.
.
..
.
.
.
"Buntis si Rhea"----------------------------
Ooooopppp! Hanggang dito muna :DCliffhangerXD
Pasensya na kung maikli... Kelangan ko mag night class pa ehhXD alams na kung baket
.. Anyways
Abangan ang susunod ...Ciao~
BINABASA MO ANG
The Great Revenge [Book 2 ]
RandomPagkatapos ng masasayang alaala ni Jessica, paano kung bigla nyang makita ulit ang hindi na nya kaylangan sa buhay nya?? What if someone is willing to help her to take revenge on her beloved ex husband?? Will she succedd or will her heart will take...