Chapter 3 : Threat

1.2K 38 4
                                    

Chanel's POV~
Pagkatapos nang nangyare kanina, tahimik na umalis sila Mei at Frank..

"Sorry Mhie" biglang sabi ni Dilan, na nakapaputol ng isip ko, sabay batok sa kanya

"Araayyyy! Masaket yun ha!!" Sigaw nya, pero nginitian ko lang sya

"Pasalamat ka mahal kita" at kumain na sya.. Ang takaw nya talaga..

"Sa tingin mo ba, may posibilidad bang magkita silang dalawa??" Tanong ko bigla, narinig ko syang tumawa at inakbayan ako..

"Nandito tayong mga kaibigan at kapamilya nya para mapigilan yun" eka nya, pero biglang sumeryoso mukha nya..

"Pero unfair para kay Clifford yun" , natigilan ako bigla sa sinabi nya, at sinamaan ko sya ng tingin pero nakatitig lang sya sakin..

"Anong sinasabi mo?? " sabi ko sa kanya, bakit naman unfair kay Clifford iyon??

"Anak nya rin sila Prince at Princess-"

"PERO NANG IWAN SYA"

"siguro naman may rason sya" pagkuiumbinsi nanaman ni Dilan, ngunit umiling lang ako at ngumiti ng pilit..

"Hindi yun sapat para iwan nya si Jessica.. Iniwan nya syang nasasaktan at worst ay buntis pa.. Paano na lang kung pinalaglag nya ang bata sa sinapupunan nya nang dahil lang sa ginawa ni Clifford?? Sa tingin mo ba ayus lang yun??" Umiling sya at tumingin sa iba..

"Hindi ko alam.. Hindi natin alam kung ano ang sumagi sa isip ni Clifford para gawin nya to.." Sabi ni Dilan.. Sumandal ako sa kanya at bumuntong hininga..

"Ayoko ng ganito"

"Alam ko.."

-------------------
Jessica's PoV~

"Ayiiiiishaaaaaaa!!!! Denfooooooooord!!!!" Hiyaw ni EJ, haha kala nyo  ako yung sumisigaw noh.. Naku. Time out na ako jan... At bakit sumisigaw si EJ?? Ayun! Nilagyan nila ng food coloring ang shampoo ni EJ kaya ang blonde nyang buhok ay naging Pink..

Tawa ng tawa ang magkambal ko habang nakatago sa likod ko..

"Jess! Kitamo ginawa nila oh!" Sumbong naman ni EJ, natawa lang ako bigla

"Ang cute nga ehh" kako, namula sya bigla at umiwas ng tingin..

"Haaysss, hindi ako lalabas ng bahay  ng ganito noh" at umakyat na sya sa taas.. Hinarap ko ang kambal ko at ngumiti sa kanila

"Babies, mag sorry na kayo kay Daddy nyo.. Nagtatampo yun" pabiro kong sabe.. Tumango sila bilang tugon

"Opo Mama" sabay nilang sabi at umakyat sa taas.. Hindi lang nagtagal, isang halakhak nila Ayisha at Denford ang narinig ko,, nakaganti na siguro si Ej hahaha..

-Ding! Dong!-

Saktong bumaba ang mag ama ko ng tumunog ang doorbell namin..

"Ako na" eka ni EJ, pinalapit nya ang kambal sakin at nagpakarga pa si Ayisha, samantalang si Denford nakakapit sa palda ko.. Binuksan ni EJ ang pintuan , pero bago pa ko makatingin kung sino ang tao sa labas biglang nya na lang ito sinara.. Sino naman kaya yun???

"Mama, laro tayo" pag aaya ni Ayisha

"Oo nga mama, Harang Daga tayo sa labas pleaseeee" at nagpa puppy eyes pa ang dalawa.. Jusmeo.. Di ko kayang mag hindi sa magkambal ko noh..

"Osya sige.. Ang mahuli sa labas sya ang taya" kako at tumakbo agad sa labas, kasunod ang mga yapag ng mga anak ko

"Waaaah!! Anday mo Mama!!!" Sigaw ni Ayisha

"Mas mabilis ka eehhh!!" Sigaw ni Denford, tumawa lang ako sa kanila at naglaro na nga kami sa labas maghapon...

-skiiiiiiip-
  Iisa lang kasi sng kwarto ng kambal ko, kalahati ay Violet ang kulay, ang kalahati naman ay Sky Blue..

"Princess, bakit Violet ang gusto mong kulay??" Tanong ko kay Princess... Ngumiti sakin ng malapad si Ayisha at umupo sa binti ko..

"Kasi Mama, nung last time nating punta ng Mall may nakita akong lalaki na violet ang buhok.. Ang astig nga ehh! Parang kamukha ni Kuya Prince pag naka tagilid" bigla akong kinabahan sa sinabi ng anak ko..

"K-kamukha ng kuya mo??" Tanong ko , tumango sya

"Opo Mama " sabi ni Ayisha..

"Ahm, eh ikaw Prince?? Baket Sky Blue ang gusto mo??" Tanong ko kay Prince.. Tumabi sakin si Denford at humiga sa kabilang binti ko

"Kasi Mama, kulay ng Mata mo yun ehh... "

"Awww~ ang sweet naman ng baby ko" kako st pinisil ang pisngi nya..

"Oh time for bed na mga anak" isang malambing na boses ang pumutol sa usapan namin.. Kala mo light bulb mga mukha nila nang biglang umilaw nang makita si EJ

"Papa!! Halika ka muna ditooo!" Sigaw ni Ayisha

"Haha hilig mo talagang sumigaw Princess, katulad lang talaga ng Mama mo" pabirong sabi nya

"Ah ganun! Sa salas ka matulog ha"

"Huh?!?!?!? Uiii grabe ka naman.. Biro lang yun mahal" eka ni EJ

"Hahahaha napagalitan si Papa" sabi ng kambal at natawa na lang kami.. Maya maya at kinumutan ko na sila

"Good night Mama, Papa" sabay nilang sabi, ngumiti ako sa kanila at hinalikan mga noo nila

"Good night , mahal na mahal ko kayo" i told them, tumango sila at yinakap na ni Denford ang little sister nya at natulog na agad ang magkambal...

Si Ayisha nakuha nya ang buhok ko na pink.. At si Denford, salamat naman dahil light pink ang buhok nya.. Pero... Nakuha nya ang kulay ng mata ni Clifford...  Violet... At si Ayisha naman ang kulay ng mata ko na blue..

Bumalik na ako sa kwarto namin , at nakahiga na si EJ,

"EJ, anong problema??" Tanong ko sa kanya, ngunit di sya sumagot, tumabi na ako sa kanya, at nakatingin lang sya sa bintana.. Pinisil ko ang braso nya at umaray sya bigla at hinimas ang kurot ko

"Araaay naman.. Bakit mo ko kinurot?? Pwede mo naman ako kausapin lang ehh" eka nya

"Kausapin ka jan? Kinakapusap kita, tulala ka lang noh" kako at umiwas na sa kanya, narinig kong bumuntong hininga sya at yinakap  ako mula sa likod at pinatong ang ulo nya sa balikat ko..

"Sorry na.. Wala to.. Tara tulog na tayo" sabi nya at hinila na ako pahiga.. Kahit hindi kumbinsido sa sagot nya, natulog na lang ako...

EJ's PoV~
  Nakatulog na si Jessica, ngunit di pa rin ako makatulog... Nakaka inis... Baket nandito sya??? Pano nya nalaman yun?? Ano gagawin ko??? Argh!! Bwiset!!!! Masaya na kami ni Jess tapos hahadlang sya???

Hindi ako makakapayag.. Sa akin lang ang pamilya ko...

--------------------
Sorry po , almost 1month ako hindi nakapag UD, may summer class kasi kami T^T

Anyways bawi na lang ako :)

Ciao~

The Great Revenge [Book 2 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon