Hello po T___T
Sorrry po nawala ako ng mahabang panahon... pasensya na po talaga....
--------//////--___
My POV~
"Jessica!! Nandito na yung dress mo!!" Sigaw ni Ej sa baba, samantalang si Jessica naman ay nakakulong sa kwarto nya kasama ang mga taga make up sa kanya
Naka roller na ang buhok nya at naka bathrobe habang tinatapos ang make up nya"Ayy te! Ganda mo! Birthday mo ba??" Tanong ng isang bakla at tumawa lang si Jessica
"Oo, ika-21st ko" sabe nya at kinilig naman sila
Bumaba ang isa sa kanila para kunin ang dress ni Jessica at bumalik din"Pula??" Takang tanong ni Jess at ngumisi sila
"Ayy oo Madam, change of plans agad agad, color red daw ang theme ngayon" sabi ni Marco , isa sa mga stylist ni Jess
"Osya! Gorabels~! Try mo na yan!" Si Ekla, ang stylist din ni Jess at tumayo na sya at pumunta ng cr para isuot ang dress
Pagkalabas ni Jessica ay pinuripuri pa sya at binigay ang pulang heels sa kanya
Pagkatapos ng pag aayos ay bumaba na sila pero wala sila Ej at ang magkambal"Ay! Madam! Nasa labas sila" si Marco, at lumabas si Jess at nakita nya nga ang magkambal, si Princess ay nakasuot ng pulang dress na pang princessa na may tiara na pula ang dyamante, si Prince naman ay naka black suit na may pulang necktie
"Mommy!! Ang ganda mo!! Mukha kang queen!" Tili ni Princess at kinarga agad ni Jessica habang naka ngiti
"Talaga? Ikaw naman mukhang princess! Ang cute cute mo!" Sambit ni Jessica habang si Prince naman ay naka pout
"Pano ako Mommy??" Pagmamaktol ni Prince at tumawa naman si Jess
"Syempre naman, ikaw ang prinsipe ko" sambit ni Jess at hinalikan ang noo ni Prince na bigla din ngumiti
"At Ako naman ang Hari mo" isang malambing na boses na pamilyar kay Jess ang nagsalita galing sa likod nya at humarap si Jess at lapad ng ngiti nya
"Ej" tawag nya at ngumiti si Ej sabay halik sa pisngi ni Jess
"Happy Birthday" bati nya at ngumiti si Jessica dito
"Salamat.. naku! Tara na! Kanina pa tawag na tawag sila Mommy ehh" sabi ni Jess at diretso na silang umalis, at dahil nga Birthday nya, may Driver sila na galing sa parents nya at sumakay na sila papunta sa kanilang distenasyon...
----------------------
Jessica's PoV~
Hindi ko alam kung ano, pero sobra akong kinakabahan para sa party.. naalala ko kasi nanaman ang last year birthday ko na dapat ay masaya... napatingin ako kila Princess at Prince at hinimas ulo nila..Sila at si Ej ang nagbigay dahilan para sumaya ulit ako..
Dahil sa nakatulala ako, di ko namalayan nasa mansion na pala kami
"Mommy! Dali! " Tili ni Princess habang hinihila ako palabasNakalabas na kami ng kotse at nakita ko sila Chanel at Deize agad
"Anne-anne!!" Tawag ni Deize at agad kaming pumunta sa kanila, naka pulang dress din sila katulad nga ng thema ngayon
"May dress na ko kaso biglang nag text sila tita!" Pagmamaktol ni Deize at natawa lang si Chanel dito
"Ayos naman to eh" eka Ni chanel
""Oy nanjan pala kayo!" May tumawag samin at sabay sabay pa kaming napalingon sa likod nila Chanel at nakita namin papunta sa min sila Frank at Dilan na naka tuxedo ng black at red necktie
"Bro!" Nag fist bump silang lahat at napa iling na lang ako dito
"Birthday Girl! Pasok ka na! Hinahanap ka na nila Tita dun" sabi Dilan at hinila na ako ni Ej papasok habang sila Deize at Chanel naman ang may hawak kila Princess at Prince
Pagkapasok namin, ang daming tao at lahat talaga naka pulang dress ang mga babae, nakita ko agad sila Mommy at pumunta kami agad sa kanila
"Mom! Dad!" Tawag ko at lumingon sila samin at napangiti ng malapad si Mom
"Naku Jess! Ang ganda ganda talaga ng anak ko! Manang mana sakin" tili ni Mommy at hinili ako at sabay yakap ng mahigpit
Ang higpit!! XD
"Naku sya ba anak mo? Ang ganda naman" isa sa mga komari ni Mommy at bumati ako, binati nya rin ako
"Come now" sabe ni Papa at sinundan ko sya sa mismong stage
"Everyone! May I have your attention please " sabi ni Papa sa mic at lahat ng mga bisita ay napatingin samin sa stage, ngumiti si Papa at umubo ng konti
"First of all, I would Love to Present to all of you, my one and only Daughter Jessica , she is our treasure and no diamond can compare to her beauty and to her existence.. Today is her 21st Birthday, and It is my honor to make this her memorable birthday " pumalakpak ang lahat dito at ngumiti ako sa kanila ,
Binigay bigla ni Papa ang mic sa kin at nagulat ako dito
"Mag speech ka" sabi ni Mom sa likod na ikinaba ko
"Hala! Wala akong script!" Kinakabahang sabi ko pero hinili lang ako ni Papa sa gitna
"A.. ahem! Hi, my name is Jessica Anne Dela Cruz.. naku naman! Sorry, wala kasing nasabi na mag e-speech daw ako.. aysshh ..
Anyways, Thank you everyone for coming here, like what my Father said, for me everyday is memorable for me because i have everyone i love with me always.. I went through many struggles and heartbreak, pero I know I don't give up because i still have people who care and love me for who i am.. Let's have fun tonight and make it memorable, I hope you guys enjoy my birthday, have a good evening" , at sabay alis ko na sa stage, may biglang humawak ng kamay ko at napalingon ako at si Ej pala yun"Ang lamig ng kamay ko" at sabay ko syang siniko sa tyan
"Aray! Para san yun?!?" Angan nya habang hinihimas tyan nya at umismid
"Sa pang aasar!" Kako at tumaliko na sa kanya
"Naman to-"
"Anne-anne!! Ang ganda ng speech mo!!" Naputol ang sasabihin ni Ej kasi nga sa tili ni Deize na sabay ako yinakap at muntik pa kaming matumba
"Happy Birthday Jess" bati ni Chanel at sinali na namin sa yakapan
Dumating din sila Dilan at Frank at binati rin ako"Teka, nagpagawa pala sila Mama ng maze na garden.." takang tanong ko nang humarap ako sa likod
"Ah oo, " sabi ni Ej at ngumiti
"Tara kain na!" Eka ni Dilan at natawa na lang kami ng sikuhin sya ni Chanel at umalis din kami para kumain
"I feel you Dilan!" Hampas ni Ej na kinasimangot ni Dilan
"Wag ganyan! Baka mahulog baga ko!" Angal ni Dilan pero wala lang si Frank at iniwan pa sila
"Pre walang ganyan!" Sabi ng 2 idiots at hinila hila pa si Frank, natawa na lang kami dito at pumili na nang makakain , naging isang buffet ang thema , lahat masaya at napakaraming guest lalo na mga bisita nila Mommy
Ilang oras na rin kami dito at napatingin lang ako sa maze na garden
"Anne-anne! Tara try natin jan" turo ni Deize sa Maze
"Huh? Pwede ba??" Takang tanong ko at tumango lang sila
"Kaw pa, eh bahay nyo to ehh.." eka ni Dilan
"Osige, kaming mga girls, tas kayo mga boys!" Sabi ni Deize at hinila na kami ni Chanel papunta sa Maze, aangal na sana sila kaso wala na kame..
Dilan's POV~
"Anak ng! Oi! Si Chanel!!" Pero wala na sila"Bro! Taralets!"sabay hila sakin ni Ej at hinila ko na rin si Frank xD
Pero parang may iba syang tinitingnan"Oi Frank, may Deize ka na.. sino ba tinitingan mo??" Takang tanong ko kasi naman di pa rin umiimik to
Lumingon si Frank sa min at biglang sumimangot at tinuro ang isang entry pa ng Maze
"Dumaan jan si Clifford ngayon lang..."
BINABASA MO ANG
The Great Revenge [Book 2 ]
RandomPagkatapos ng masasayang alaala ni Jessica, paano kung bigla nyang makita ulit ang hindi na nya kaylangan sa buhay nya?? What if someone is willing to help her to take revenge on her beloved ex husband?? Will she succedd or will her heart will take...