Chapter 5 : Reunion and new?

1.2K 36 4
                                    

My PoV~
  "Bestfriend ka ni Mama???" Takang tanong ni Prince at tumingin sa Ina nya..

"Ex..bestfriend" sambit ni Jessica, liningon na nya ang babae sa likod nya.. At di sya makapaniwala..

  'Hindi na lang sana ako lumingon sa babaeng to!!' Galit na saad ni Jessica sa isipan nya dahil panglingon nya ay nakita nya si Rhea, at may dala sa sinapupunan nya..

Napansin siguro ni Rhea ang masamang tingin ni Jessica sa kanyang umbok na tyan at tumawa ang babae at hinimas ang tyan nya

"Ah, ito ba.. This is Leon's Jr. Fascinating right??" At ngumisi pa ang loko... Napahigpit ang hawak ni Jessica sa teddy bear na hawak nya, gustong gusto nya sampalin ito dahil sa mga ginawa nito sa kanya ngunit di nya magagawa dahil nanjan ang mga anak nya, at baka magka scandalo pa..

Ngumiti na lamang si Jessica dito..

"Congrats" sabi nya at hinila na ang kambal nya at lalagpasan na nya sana si Rhea ngunit hinigit sya nito pabalik.

"What do you think your doing?? Turning your back at me??" Galit na saad ni Rhea at sinamaan pa nya ng tingin si Jessica, ngunit umiling lang si Jessica at ngumiti ng tipid..

"  i'm not turning my back on you.." At hinarap nya si Rhea at nginitian ng may halong lungkot..
"Ikaw mismo ang tumalikod sakin.. Tinalikuran mo ang pagkakaibigan natin" dagdag nya, natigilian bigla si Rhea dito,. Naramdaman nman ni Jessica na lumuwag ang pagkakahawak at umalis na sila..

"Tss... Kainis..." Saad ni Rhea, at unti unti may luhang pumapatak sa mukha nya....

---------------------
Jessica's PoV~
  Haysssss, buti na lang naiwasan ko yun!!!!  Nandito muna kami sa bench habang kumakain ng ice cream ang kambal ko..

"JESSICA!!!!" May biglang tumawag sakin, sabay sabay kaming tatlo napalingon sa tumawag sakin at nakita naming tumatakbo si EJ papunta samin, masayang pinuntahan naman sya ng mga bata at yinakap sya..

"Ba't ang tagal mo Papa??" Tanong ni Princess Ayisha, ngumiti lang si EJ

"Hindi kasi makapag Park si Daddy ehh.. Gusto nyo sumakay jan sa Perris Wheel??" Alok nya, tumango ang dalawa at maya maya ay nandun na sila.. Habang kami ni EJ ay hinihintay sila..

"Anong nangyare??" Sabay naming tanong, nagka tinginan kami saglit at sya ang umiwas ng tingin..

"Nakita ko si Clifford... Nandito lang sya" saad nya, nagulat ako bigla... S-si Clifford?? Biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa narinig...
  
  'Hindi pwede! Tama na! One is enough, pakiusap wag ka na tumibok sa kanya,.. Nanjan na si EJ'

"Si Rhea.. Nagkausap din kami" saad ko, ngunit nagulat ako nang bigla nya akong higitin papunta sa kanya at napaakap tuloy ako.. >\\\\\<

"Sorryy, hindi man lang kita naprotektahan" sambit ni EJ, ngunit umiling lang ako at kumalas sa yakap nya..

"Wala kang kasalan, tandaan mo yan" sabi ko sa kanya, ngumiti sya sakin at pinulupot nya ang kaliwang kamay nya sa bewang ko at ang kanang kamay nya ay hinaplos ang pisngi ko... Napaangat ako ng tingin sa mga mata nya, at puno ito ng pagmamahal sakin,

"Mahal na mahal na mahal ko kayo... Pangako hindi na mangyayare sayo ulit yun.. Nandito na ako" malambing at kalmadong sabi nya, tumango ako bilang tugon sa kanya, ang kamay na nasa pisngi ko ay pinahid nya pala ang luha ko.. Hindi ko namalayan na umiiyak pala ako, at hinalikan nya ang mata ko kung saan patuloy lumalabas ang luha ko..

"Tama na yan Jess, " sabi nya, at napatawa lang ako

"Tears of Joy to noh" kako at natawa din sya.. Unti unting lumalapit ang mukha nya sakin, at kusa na lang pumikit ang mga mata ko, at yun nga... Ang labi nya ay dumampi din sa labi ko, sandali lang iyon pero pakiramdam ko ang tagal ..

" oh! Ayan na pala sila ehh!" Sabi ni EJ habang nakaakbay na sakin, tumakbo papunta samin sila Princess at Prince..

"Mama! Ang saya sa Perris Wheel!!" Masayang sabi ni Princess habang tumatalon talon pa

"Oo nga Mama, tapos! Lalo na sa taas! Ang ganda!" Sabi ni Prince, akala mo may bitwin sa mga mata nila sa sobrang saya nila..

"Mabuti naman kung ganun.. Osya tara, bibili pa tayo ng school Supplies nyo" sabi ko sa kanila,

"Opo Mama" sabay nilang sabi.. Si Princess humawak sa kaliwang kamay ko, at si Prince naman ay si Kanang kamay ni EJ, bali nasa gitna namin sila..

"Mama! I want Purple pencil case" sabi ni Princess na ikinaba ko..

"Ako rin Mama" sabi ni Prince..

"Ah, sige pili na lang muna kayo" sabi ko sa kanila, tumango sila at umalis kasama si EJ, napabuntong hininga ako at pumunta muna sa Novel section..

Ang daming Wattpad Books na.. Naku! Makabili nga, para malibang naman ako..
Ayun! Meron yung Babysitting the Young Master

(A: Meron ako nyan!! Try nyo yang story ang ganda tlaga :D )

Aalis na sana ako kaso may nabangga akong lalaki at nahulog parehas ang mga libro namin..

"Naku! Pasensya na!" Sabay naming sabi at sabay namin pinulot ang libro at sabay din kaming nagka untugan -__-
Arayyy ko po , ang shakeeet T^T, tigas naman ng ulo nitong lalaki..

Habang hinihimas nya ulo nya, kinuha ko na libro namin , at may napansin ako..

'Ways on How to Get your Revenge'

"Re..venge???" Takang tanong ko, napansin siguro ng lalaki na hawak ko na ang libro, nya ngumiti sya

"Ah! Oo, nabasa mo na ba yan??" Tanong nya pero umiling lang ako, at natawa naman sya

"Maganda yan Miss...?"

"Ah! Jessica Ann De Guzman" sabi ko at tumango sya bilang tugon

"Maganda storya yan Jessica, if you want Revenge on someone who hurt you , pwede mo magamit yan" explain nya sakin

"At bakit ko naman gagawin yun??" Takang tanong ko, kalokohan naman ang Revenge na yan.. Di ba..??

"Hmmm.... Malay mo lang.. " sabi nya, napaka misteryoso naman ng lalaking to.. Linagpasan na nya ko ngunit pinigilan ko muna

"Teka! Anong pangalan mo??" Tanong ko sa kanya, lumingon sya sakin at ngumiti

"Yuri Chase Navo at your Service" sabi nya at nag bow pa talaga ang loko!!!

"Service ?? Baket may business ka ba??" Pang aasar ko , takte! Sarap batukan XD

"Hmm.. You may not call it service.. But i'm helping people" explain nya..

"At anong tulong naman yun??" Takang tanong ko sa kanya, inabotan nya ako ng card, at nakalagay ang pangalan at number..

"Revenge " at umalis sya bigla, tatawagin ko sana sya kaso bigla syang nawala..
( a : Kuroko?!?!? XD )

Huh!?!? Nawala sya bigla?!?!?! Pano nangyare yun?!?! Hindi naman masyado marami ang tao dito?!?

"Yuri Chase Navo.... At.. Revenge??? " kako lang at binulsa na lang ang papel at sinimulang hanapan ang mag ama ko..

  'Tsss! Baket?? Kakailanganin ko ba kasi yang pesteng Revenge??? Hindi mangyayare yun...'

-----------------------
Hindi nga ba Jess??? ;)

Heres the UD na :D

Anyways naku!! Yuri nandito na name mo!!! XD

Mamaya ulit xD

Tulog muna ako hihi, antokin much ako sa umaga pero buhay na buhay naman pag gabi -____-

Cge guys! Ciao~

The Great Revenge [Book 2 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon