An: Sorry guys sa chapter 2 may naging conflict e.
Buti na lang at naayos ko.---
Ha ? Ano daw hindi ko gets si Jerick. Ano ba ang gusto niyang sabihin hindi ko naman makuha.
" Ano ulit iyon ipaliwanag mo nga ? " tanong ko sa kanya.
" Aa naman kailangan mo talagang paulit ulit ? " may pagkainis na sabi niya.
" Explain mo kase ng maintindihan ko. " may pagkairita na sabi ko kay Jerick.
" Diba sabi ko kung pwede makahingi ng favor ? "
" Oo. Ano naman iyong favor "
" Sinabi ko na kanina diba ??"
" Oo nga explanation mo lang hanap ko " sabi ko sa kanya.
" Fine " kumuha naman siya kanyang upuan at umupo sa harap ko. " Pretend that you are my girlfriend. Gusto ko nang matigil ang arrange marriage namin ni Andie. "
" Ayoko nga ang dami daming babae diyan. Tsaka bakit ko naman gagawin iyan ano ka helo ? " sabi ko sa kanya. Bakit ko gagawin naman iyan hindi ako desperadang maging girlfriend nito.
" Lahat gagawin ko mapapayag ka lang, kahit ano kahit anong gusto mo ? "
" wala akong ibang gusto kaya tabi diyan pupunta akong cafeteria gutom na ako. Maghanap ka na lang ng ibang mauuto mo "
Umalis na ako sa upuan ko at kinuha ang bag ko.
" Please Aurea "
" No " umalis na ako ng tuluyan at pinabayaan siya doon.
" Ayaw mong pumayag sige gagawa ako ng paraan para mapapayag ka. "
Pumunta na lang ako sa Cafeteria at hinanap sina Anny. Nakita ko naman sila agad at pumunta sa table nila.
" Hi guys " bati ko sa kanila.
" Bakit ngayon ka lang ang tagal mo." sabi sa akin ni Sabrina. Dapat ko ba sa kanilang sabihin ?
" A ano kase.. pumunta pa kase ako sa Comfort Room "
pagsisinungaling ko. Saka ko na lang siguro sasabihin tsaka hindi naman ako pumayag kay Jerick." Ito o kumain kana binilhan kana namin. Para hindi ka na pumila "
" thanks guys I love you. "
" I love you too " sagot din nila. Kumain na ako hinintay nila akong matapos tapos dabay sabay na kaming pumunta ng Room.
Umupo na kami sa upuan namin at hinintay ang professor namin. After a couple of hours tapos na ang klase at umuwi muna ako. Iyong ibang students maghapon Special Class kami na ang ibig sabihin ay advance ang IQ mo sa ibang students. Pwede kang umabsent hanggang kailan gusto mo but kailangan mo munang maipasa ang ibibigay sayo ng mga teacher mo na exams ganoon lang kadali.
Binuksan ko ang condo ko at nagbihis. Nagluto ako ng Lunch ko. I texted mom na kumain na sila. Pampapabawas ng tampo nila.
Pagkakain ko pumunta ako sa living room at nanuod ng Tv.
Bakit ba ang boring sa bahay? Ang hirap palang mabuhay magisa.Nagfacebook na lang ako, nag Instagram at nagtwitter.
Pero sobrang bored ako nagbihis ako ng simpleng jeans at Tshirt nag rubber shoes na din ako.Nilock ko na ang unit ko at pumunta sa elevator.
Hinintay ko naman na bumukas iyong elevator papasok na sana ako kaso lang may sira ulong bumangga sakin. Paano ba kasi nakatungo pa hindi tuloy ako nakita napaupo tuloy ako sa sahig sa labas ng elevator.Aray ko pwet ko ang sakit. Bulong ko sa sarili
" Ano ba hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo ? " sigaw ng isang ito.
Aba sa ptngn ! Sa akin pa nagalit siya na nga nakasama.
Tumayo ako sa pagkakasalampak ko sa sahig handang handang makipagbangayan sa lokong ito. Kaso lang magsasalita pa lang ako nag si Jerick ang nakabangga sa akin. Wow ! Just wow from all people siya pa." Hoy jerick ikaw diyan ang bumangga sa akin. " nakakainis lang ako na nga itong nasaktan e.
Mukhang nagulat naman siya ng nakita niya ako dito.
" Anong ginagawa mo dito ? "
Gulat na gulat na tanong niya dito." Dito ako nakatira ikaw bakit ka nandito ? "
" May condo ako rito. Atsaka pagmamayari ko din ang condominium na ito. "
Inirapan ko na lang siya at pumunta sa elavator. Papasok na sana kaso pinigilan ako ng loko.
" saan ka pupunta ? " tanong niya.
Napatawa naman ako sa kaniya. " Bakit mo tinatanong ano ba kita ? "
" Im just asking you know. Paano pag may nangyaring masama sayo ? "
" Kanina nagtatanong ka ngayon concerned ka naman. Ginagawa mo ba ito para mapapayag ako na maging girlfriend mo sorry ayoko. "
Pumasok na ako sa elevator pinindot ko na ang ground floor pumasok din si jerick sa elevator. Sinamaan ko siya ng tingin.
" What ano sasamahan mo naman ako ? "
Ngumiti naman siya sa akin ng nakakaloko. " Siyempre kung ayaw mong pumayag liligawan kita sa ngayon ito lang ang nakikita kong paraan para mapapayag ka. "
Ano ba itong lalaking ito. Inakbayan niya naman ako hanggang sa makababa kami sa elevator pinagtitinginan nga kami ng mga empleyado dito. Siguro iniisip nila nilalandi ko ang boss nila.
" Tanggalin mo nga ang kamay mo sa balikat ko. Mamaya kung ano pang isipin ng mga empleyado mo dito. "
" I dont fucking care tanggalin ko sila sa trabaho nila eh. " sabi niya sa akin.
" Ang sama nito " tinawanan niya lang ako.
Bakit nung ngumiti siya bakit ang pogi niya. Hindi mali pala lalo siyang pumogi. Kase naman lahat perfect sa kanya.
Perfect nose , blue eyes , kissable lips almost perfect na sa kanya lahat. Dagdag mo na din ang napaka masculine niyang boses. Hindi ko napansin na nakatulala ako sa kanya at napa lip bite pa.
" hoy tulala ka diyan ! Pinagnanasaan mo ako ano ! "
Kapal ng mukha nito. Sarap sungalngalin e.
" Huy hindi kaya asa ka ! "
Tumawa naman siya labas tuloy dimple niya shit ! Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Binuksan naman niya ang pinto ng kotse niya.
" Hop in " h-huh ? Saan naman ako dadalhin nito ?
" Saan mo naman ako dadalhin ? "
" Pumasok ka na lang " pumasok naman ako sa kotse niya. Pinagsaraduhan naman niya ako ng kotse umikot naman siya at pumasok na din.
" Jerick saan mo nga ako dadalhin ? "
" Kung saan mageenjoy ka sa tinatawag kong Paraiso " napaka seductive naman ng pagkakasabi niya. Pero kinakabahan ako ha ! Tadyakan ko kaya ito habang nagdradrive siya.
Napatawa naman siya at pinisil ang pisngi ko.
" aray ! " habang hinimas himas ko yung pisngi ko.
" Ikaw talaga green minded. Dadalhin lang kita sa favorite place ko sa favorite place dati ng Dad ko. "
Bakit parang ang lungkot niya habang sinasabi niya iyon.
Mga tao nga naman mahilig magtago ng nararamdaman.
Iyong masaya ka sa labas pero sa loob kulang kulang ka.
BINABASA MO ANG
UNMASKED
RomanceAurea Leigh is a simple transfer student who wants to study in Manila. Isa siyang model at endorser ng isang produkto. Until one day may makikilala siyang lalaki na magpapabago sa buhay niya.