Chapter Nine

2 0 0
                                    

AN : Paano po magdedicate ? Please pm naman po guys.

Aurea's Pov

Friday 2:30 pm.

Nagmadali na akong pumasok ng school kase malalate na ako sa PE class namin which is iyong try out para sa Horseback Riding. Sina Sabrina naman ang pinili niya ay Badminton while Daphne ay sa Volleyball. Hate daw nila ang horseback riding kase nakakatakot daw talaga. Pwede ka daw mabalian doon pag nalaglag ka.


Galing pa kase ako sa photoshoot nakiusap kase ako kay Mr. Avryard which is Dad ni Jerick na uuwi ako ngayong sabado. Pumayag naman si Sir kaya Friday ng umaga na niya pina sched. ang pagpapaphotoshoot ko. Hapon naman kase ang PE namin every Friday.

Wala pa nga akong helmet hindi ako nakabili. Pati na rin ang body protector. Nasa Laguna kase iyong helmet at body protector ko.


Iniisip ko pa nga din iyong sinabi sa akin ni Jerick noong isang araw.
Iyong... I Miss You niya.


Ganito kase iyon..

Flashback

" I miss you " sabi sa akin ni Jerick.


" A-ano a-ang sinabi mo ? Pwe-pwedeng pakiulit ? " tanong ko sa kanya.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at pinagdikit ito. E-eh ? Bakit ganito kinikilig ako sana naman hindi ako namumula.

" Ibalik natin ang dating naging tayo Aurea please.. hindi ko na kayang hindi ka pinapansin. Hindi ko rin kayang hindi kita nakakausap Aurea ewan ko bakit ako naging ganito sayo alam kong saglit lang tayo nagkakilala pero alam kong napaka espesyal mo sa akin. "

Hindi naman ako nakapagsalita ka agad kase hindi ko alam ang tamang salita na dapat kong sabihin sa kanya.

" Aurea ? " muli niyang tanong.

Ngumiti naman ako sa kanya at binawi ko sa kanya ang kamay ko. Pinisil ko naman ang pisngi niya kase ang cute cute niya.

" Ano kaba wag mong sabihin iyan hindi naman nawala ang pagkakaibigan natin e. Nadala lang ako sa emosyon ko kaya nasabi ko sayo iyon. Pero sorry din ha ! kase alam kong nasaktan kita. "

" ta-talaga ? Totoo ba iyan Aurea ? " Tumango naman ako sa kanya bilang pagsagot ng oo. Tinangal naman niya ang kamay ko sa pisngi niya at hinimas ito.

" Ang sarap talaga ng niluto mo. Bigla bigla ko na lang nasabi ko sa iyo iyon. " sabi niya.

" Ano kaba kumain kana lang" sabi ko

" Ang balita ko horseback riding ang kinuha mong sports ? "


" Ah oo paano mo nalaman ? "

Sa halip na sumagot ng matino sa akin umismid naman siya.

" Bibigyan kita ng Regalo sa try out mo gamitin mo ha ? "

Tumango naman ako sa kanya.

Back to reality.

Ewan ko na nga eh kung nasaan siya eh. Huhugot lang ako ng Inspiration sa kanya.
Chos ! Nagpaghahalataan ako e. Pumunta na ako sa Locker Room ng horseback riding. May nadadatnan pa nga akong nagbibihis pa. Pumunta muna ako sa isa sa mga room doon.

Dahil nasa Laguna ang Jodhpurs ko black pants na lang ang ginamit ko. Hindi naman kase pwede ang leggings kaya no choice. Tapos sando white at checked blouse. Sinuot ko na din ang boots ko at gloves. Manghihiram na lang ako sa ibang magtratry out ng helmet at body protector kung meron sila.

Isinabit ko na lang muna doon iyong uniform ko. Lumabas na ako ng Locker Room at pumunta sa may field buti na lang hindi pa nagsisimula.

" Aurea ! " tawag sa akin ng isang pamilyar na tao. Kumaway naman ako kay Jerick.

" Anong ginagawa mo rito ? "
tanong ko sa kanya.

" Nagpunta ako rito para magdala ng helmet at body protector mo. Ito iyong sinasabi ko sayong regalo ko sayo at syempre para manuod sa try out mo " sabi niya.

" Thanks ! " sabay tanggap ko sa kanya ng Regalo niya.
" Mayroon naman ako nito kaso lang nasa Laguna eh. Pero salamat hindi ko na ito proproblemahin ito. "

Kinikilig ako *^_^*.

" Okay lahat po ng mag tratry out pumunta na rito ! Magsisimula na tayo ! " sigaw ni Coach.

" O? Paano ba iyan pupunta na ako doon. " pagpapaalam ko kay Jerick.

" Sige galingan mo manunuod ako. Nandito inspiration mo "

Sinuntok ko naman siya sa dibdib. " Sira "
Pumunta na ako doon kung nasaan naroon ang mga ibang magtratry out. Mga lima lang kami magtratry out.

" Kumpleto na ba lahat ng magtratry out ? " tanong ni coach.

" Opo " sagot ng kanyang assistant. Remember iyong babae doon sa registration area.

" Okay ! Ibibigay ko sa inyo ang dapat niyong gawin. Syempre pakalmahin niyo muna ang kabayo bago sakyan. Tapos pag napakalma niyo na ang kabayo kailangan niyong ikutin ng tatlong beses ang field at pagnaperfect niyo iyon ng hindi nahuhulog pasok na kayo sa team namin. Magsimula na tayo ! Jane Reaves ikaw ang unang magtratry out "

Lumakad naman papunta sa kabayo si Jane. Pinakalma niya muna ito bago sakyan.
Nag napakalma na niya ang kabayo pinatakbo na niya ito.
Unfortunately, naka 2 ikot lang siya kase nawalan siya ng kontrol sa kabayo.

Nag turn ko na para magtry out. Tumingin muna ako kay Jerick sinabi naman niya na kaya mo iyan.

Pinakalma ko muna ang kabayo buti na lang at Arab na klase ang nakuha ko. Hinimas himas ko muna siya sa ulo tapos sa baba pati na rin sa katawan.

" Very good Aurea, you look like you know how to ride a horse. " sigaw ni coach. Ngumiti na lang muna ako kay coach. Nang alam ko nang napakalma ko na ito dahan dahan ko itong sinakyan hinawakan ko naman iyong tali.

" Hi.. yah ! " tumakbo na iyong kabayo ng mabilis. Sanay na naman ako sa ganito dahil hilig ko ito. Natapos ko naman ang isang ikot. Dalawa na lang ang kailangan kong takbuhin.

Nang malapit na ako matapos sa ikatlong ikot pinabagal ko ang takbo ng kabayo.

Bumaba naman ako ng sobrang lapad ng ngiti.

" Very good Aurea pasok ka na sa Team ko congratulations "

Binati naman ako ng ibang nagtry out. Pasok na naman sila pero kailangan pa nilang magensayo. Maunti lang kase ang miyembro e.

Lumapit naman ako kay Jerick niyakap ko naman siya.

" Pasok ako ! "

" Congratulations ! Alam ko namang makakapasok ka nandito kaya inspiration mo "

" Ikaw wag ka ngang mayabang tara na nga ililibre kita. Icecebrate natin ang pagkapanalo ko " sabi ko sa kanya.

" A-ano hindi ako makakasama sayo ngayon. "

Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya. Ako na nga itong manlilibre.

" Bakit ? " tanong ko sa kanyan

" Kailangan ko kasing samahan si Andie. Magtratransfer kase siya next week dito. Pasensya na Aurea kailangan ko nang mauna sayo. Congratulations ulit "

" At saka gagawin natin iyong project natin bukas sunduin na lang kita sa condo mo " habol niya

" Wa.. it lang " uuwi ako bukas paano na iyan ? Nakapagsabi na ako kay Mama at Papa.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya. Babawi na lang daw siya sa susunod. Si Andie magtratransfer ibig sabihin may bakod na ang pagtingin ko kay Jerick Hayst ! Nakapangseselos

***

# Follow me on wattpad.
# Comment if you want
# Hit vote if you want

UNMASKEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon