Chapter 10

1 0 0
                                    


Nakapagbihis na ako hinihintay ko na lang si Jerick. Hindi pa ako nakapagsabi na hindi ako makakauwi kay mama.

DING DONG

O nandiyan na pala si Jerick kinuha ko na ang bag ko at binuksan ang pinto.

" Tara na " medyo matamlay kong sabi kay Jerick. Inilock ko naman ang pinto.

" Hey wait. Bakit ganyan ka ? dahil ba ito kahapon ? "

Medyo malungkot ako ngayon kase hindi ako makakauwi. Hindi ko naman masabi kay Jerick na uuwi dapat ako ngayon kaso lang gagawa kami ng project.

" Ha ? Wala ito tara na "

Sumunod naman ako sa kanya. Nang makarating na kaming Parking Lot. Pinagbuksan niya ako ng pinto pumasok naman ako. Pumasok na din siya at pinaandar ang sasakyan.

Kalahating oras na kaming nagbibiyahe hindi parin kami nakakarating sa pupuntahan namin. Kaya nagtanong na ako kay Jerick.

" Jerick saan tayo pupunta ? "

" Sa bahay namin doon na lang tayo gumawa. "

Oh ? Bahay nila tumahimik naman ako sa biyahe. Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok kami sa isang subdivision. Tumigil naman kami sa isang bahay. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto. Sumunod naman ako sa loob nila.

" Dito ka muna sa sofa. Tatawagan ko lang si mom "

" Sige " umalis naman siya at pumunta sa mom niya.

" Hi " bati sa akin ng isang napaka-cute na bata.

" Hello " bati ko.

" Hi " bati ulit sa akin ng bata.

Wait ! Tumingin naman ako sa left side ko at right side ko.

" Omo " humagikhik naman iyong dalawang bata sa harap ko. Ah ! May kapatid palang kambal si Jerick.

" Ako nga pala si Apple siya naman si Cherry " pagpapakilala ng bata sa akin.

" Ako nga pala si Ate Aurea. " pagpapakilala ko sa kanila.

" Girlfriend ka po ba ni kuya?"

Tanong ni Cherry o si Apple ?
Nalito tuloy ako sa kanila. Magkamukhang magkamukha kase sila.
Umupo naman sa tabi ko iyong dalawang bata.

" Hindi ako girlfriend ng kuya mo. Bestfriends lang kami at saka diba may fiancee na si kuya mo. " sabi ko sa dalawa.

" Ay sayang naman you look mabait pa naman po. Si Andie kase ayaw ko sa kanya lagi na niya lang pinipilit si kuya. "

" Cherry.. Apple " tawag ng isang magandang babae.

" Huy ano ginagawa niyo diyan Cherry at Apple. "

Niyakap naman ako ng dalawang bata. Oops...

" Kinakausap lang namin siya. Kuya why so damot ? " sabi ni Apple.

" May ginawa ba sila sayo Aurea ? " tanong ni Jerick.

" Relax Jerick this two kids are very nice to me " sabi ko sa kanya.

" Okay. Mom this is Aurea, Aurea this is my Mom "

" Hi po nice to meet you " sabi ko sa mom ni Jerick. Tatayo sana ako kaya lang nakalimutan kong may nakayakap pala sa akin. Kaya medyo na out of balance ako.

" Ah Cherry.. Apple bitiwan niyo na si Ate " binitiwan naman ako ng dalawang magkambal.

" Aurea dito kana maglunch ha ! "

Tumango naman ako sa mommy ni Jerick.

" Ah.. Aurea doon tayo sa kwarto nakahanda na iyong gagamitin natin " sabi ni Jerick.

UNMASKEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon