Gumising na ako at inayos ang higaan ko. Pumunta na din ako sa walk in closet para kumuha ng maisusuot. Pumunta na ako sa banyo at naligo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako. Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba.
Teka ! Parang may nakita ako
Umakyat ulit ako ng kwarto at kinuha iyong sticky note na nasa pinto ko.
Sorry Aurea i need to go back in Manila. Andie just need me there. I enjoy my stay in your house. Hope you understand. Thank you and sorry.
- Jerick
Totoo ba ito ?Pumunta naman ako kaagad sa guest room. Sakto naman na bumukas ang kwarto nina mama at papa. Madadaanan kase muna ang kwarto ni papa at mama bago makarating sa guest room.
" Saan ka pupunta anak bakit nagmamadali ka ? "
Tanong sa akin ni mama. Mabuti siguro kung itatanong ko din kay mama.
" Mama bumalik na ba ng Manila si Jerick ? "
Sagot naman si mama sa akin.
" Bumalik na siya sa Manila. Nagpaalam siya kagabi na kailangan niya daw bumalik ng Manila may aasikasuhin lang daw kase siya. "
Nagpasalamat naman ako kay mama at umalis.
Dumiretso naman ako sa kwarto ko. Humiga naman ako sa kama ko at nagtakip ng unan.Arrrgh !!!
Bwisit ! Bwisit ! Bakit nagiging ganito ako kay Jerick.
Dahil sa inis ko pinagsusuntok ko iyong unan ko.
Letcheng pagibig ito oh !
Hindi dapat ako makaramdam ng selos. Kahit na may nararamdaman ako sa kanya kailangan kong pigilan kase unang-una may fiancee siya.Hindi ako dapat magmahal sa taong pagmamay-ari ng iba.
Nagpagulong gulong naman ako sa kama. Nakakainis kase dapat hindi na lang siya sumama kung uuwi din siya agad.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at tinignan kung sino tumawag.
Jerick's Calling !
Dahil sa inis ko agad ko pinindot ang answer button.
" Hoy Jerick !! Ang kapal mo naman para tumawag dito. Matapos mong umuwi kaagad nang hindi nagpapaalam sa akin. Sana hindi ka na sana sumama pa kung uuwi ka kaagad nakakainis ka !!! "
Hey Aurea chill ka lang. Dont get mad at me. At saka nagiwan kaya ako ng sticky note sa may pinto mo. Ayaw naman kitang gisingin kase mahimbing na ata tulog mo.
BINABASA MO ANG
UNMASKED
RomanceAurea Leigh is a simple transfer student who wants to study in Manila. Isa siyang model at endorser ng isang produkto. Until one day may makikilala siyang lalaki na magpapabago sa buhay niya.