Siete
The Cliche Part
[ Diamond's P.O.V.]
"Lalalalala~" pagha-hum ko.
Tumayo ako at nilakad ko ang pasilyo ng bahay namin. Weyt. Bahay tas may pasilyo? Mansion pala. Nang may bigla akong naalala.
"Paano? Anong mangyayari sa Forlorn Madness 3 ni direk_whamba? Anong mangayayari kay Hio dun? Pero feeling ko talaga yung tatay ni Hio na Hari ng mga bampira ay si Hio rin. Posible namang mangyari yun ah? Kasi dun nga sa Forlorn Madness 2 ang dami niyang kamukha. At saka yung storyang ginawa nya sa internet ay unti unting nangyayari. Kaya may posibilidad na konektado yun. Tapos..." bulong ko habang pa ikot ikot sa may pasilyo.
Tapos yung kamay ko ay nasa baba ko na parang kunway ako'y nagiisip. "Ayy! Yung 'She's Dating the Gangster, Too' ni SGwannaB diko pa pala nababasa!!! Aaargh!" sabi ko sabay takbo pabalik ng kwarto ko.
Pagdating ko sa harap ng kwarto ko napatigil ako.
"Di ko pa pala nabibili yung libro ni SGwannaB, tapos yung Diary ng Panget pa ni HaveYouSeenThisGirl?" bulong ko.
"Oyy!!Babae~"
Napatingin ako sa nagsalita. Si Pearl. " Sabi ko sayo, naa-adik ka na dyan sa Wattpad mong yan!! Tigil tigilan mo na kaya yan! Asa totoong mundo ka Girl! Isip isip din pag may time ha?" singhal niya. "Tsaka yung vase ko!"
"Matino kaya ako." sabi ko sabay lapit sa kanya. " Nag iisip rin ako no! Yung vase mo? bahala na."
"LOL. Nag iisip ka? Ang tanong, meron ka ba non? Gayahin mo ko. Totoong tao ang hinahangaan ko. SNSD, 2ne1, T-ara, Miss A, f(x) at iba pa! Oh diba? Anong bahala na! YUNG VAAAAAAASE!" saad niya.
Tinignan ko sya nang parang nagtataka. " Bakit parang puro Girl Group yan?"
"Paano mo nalaman? Siguro love mo narin ang K-pop no?Tsaka Change topic ka! Yung vase!" tanong nya.
"Wew. Di kaya. Syempre, pag may story sa wattpad, kaylangan may Characters! Eh kadalasan puro Korean Artists yung gamit nila bilang characters, so yun. Tapos yung vase? Napalitan ko na loka! WAIT. Teka, teka, bakit ako nage-explain eh ikaw ang ini-enterogate ko. Bakit puro Girl Group yung binanggit mo?" pagno-nobela ko .
Napa-stiff sya sa tanong ko.
"Lesbian ka no?" matiim kong tanong.
Napa-facepalm naman sya. " Lesbi kaagad? Eh trip ko ang Girl Power. Tsaka, AMMA MANHATER kaya? Nakalimutan mo na ba? May amnesia lang?" singhal nya.
Haba naman ng nobela ng babaeng to. Tatalunin nya pa ata yung mga Author na grabe kung makapagpa-publish ng sequel! Ang hahaba!
"Okay? So alis na ko. May bibilhin pa kasi ako. Babayooooo~" sabay takbo.
-----------------------------
Papunta na akong counter ng bookstore para mag-bayad.
*Booogsh
"Shet." sabi nung nabangga ko. Nahulog kasi yung mga dala niya. Deym. Pati rin pala yung akin nahulog.
Kabadtrep. Psh.
Pinulot ko yung mga libro KO. Wala akong pake sa mga nahulog nya.
Habang dinadampot ko yung mga gamit ko, nahawakan ko yung kamay nya. Anong inaasahan nyong gagawin ko? Magi-istiff? Mauutal? Magba-blush?
Well that is the Fucking Cliché part.
Kung anong ginawa ko? I act naturally. Yun yung napapansin ko sa mga stories na Romance or Teen Fiction ang Genre. Masyadong mabilis gumana ang hormones ng mga babae. Charot. XD
BINABASA MO ANG
Mythicize
Fantasía║▌│█│║▌║││█║▌║▌▌©MysticQueenRealm All Rights Reserved 2013 She's A Living Extra-Ordinary. Wanna Play her Game? Mythicize