INTRODUCTION
Gaano kahirap mag-Move On?
Sabi nila, hindi daw tayo magiging lubos na tao kung hindi natin mararanasang mag-mahal. Kung hindi tayo iibig at magiging masaya... Ganyan naman talaga ang buhay . Magmamahal, magiging masaya at kalauna'y masasaktan.
LOVE LIFE, ayan ang kadalasang sigaw ng mga naghuhumiyaw nating puso. Hindi makukumpleto ang bawat araw ng hindi nakakasilay sa taong lihim na minamahal. Hindi lubos ang ating kasiyahan kung wala tayong buhay pag-ibig. Kaya kung minsan , ang labis na pagmamahal na ating nararamdaman ang magdudulot ng sobrang sakit saatin kapag tayo ay nauwi sa pagiging broken.
LOVE … Hindi ka pwedeng magmahal ng hindi ka nasasaktan. Parang pag-akyat lang ng hagdan, hindi maaaring makarating sa pangalawa ng hindi ka umaapak sa unang baitang.
Ganyan talaga sa Love, You must take the risk of being hurt as you fall inlove with someone else. Walang taong nagmamahal ng hindi nasasaktan at 'yan ay 100% proven and tested.
Nakakabaliw talaga ang LIGAYA na dulot ng LOVE… Kaya ka nitong palutangin sa kinatatayuan mo gawa ng matinding damdaming dulot nito. Maaari ka ding mapag-bago o di kaya'y makumpleto... This crazy thing called Love is too powerful... It can make you more happy, otherwise it can also cause too much pain.
Paano nga bang mag-move on? Marahil lahat nang taong umiibig ay nagtatanong. Maraming sagot pero heto ka at hindi mo naman kayang isagawa. Maraming paraan ngunit hindi mo naman sya makalimutan. Hindi mo maitapon ang pinagsamahan nyo ng taong nanakit at umiwan sayo... Hindi mo matalikuran ang katotohanang wala na kayo ng taong sobra mong minahal at iningatan.
Paano nga bang mag-move on?
- ♥
BINABASA MO ANG
OPERATION : Moving On
Short StoryGaano nga ba kahirap ang salitang “MOVE ON ”? katulad ba ito ng isang ‘exam’ na kaylangan pang pagaralan ng paulit-ulit to make it perfect ? Isa ba itong sakit na kaylangan ng lunas, na kung hindi maaagapan ay maaaring lumala? o kabilang sa di mabil...