Entry#2 Hate Him/Her
HATE HIM/HER ! Heto na yata ang pinaka common sa lahat ng common. Kapag nag-break kayo, automatic na mag-tuturn into evil ang tingin mo sa kanya. Feeling mo ang sama sama nya! >.< Feeling mo wala syang kwentang tao? Diba? Bakit nga naman hindi. Iniwan ka lang naman ng taong minahal ko. Ibinigay mo na ang lahat pero sa bandang huli, ikaw parin ang sinaktan?
They say…. Bitter daw ang taong hindi matanggap ang BREAK UP?!
Exactly!
Ganun talaga kahirap ang mag-move on! Syempre sa simula mahirap tanggapin… It takes a Year or a decade bago mo marealized na sobrang O.A na ng pag-e-emote mo . Yung tipong mas matagal pa ang pagiinarte sa tagal ng relasyon nyo…
Actually, hindi naman talaga ‘to STEP… isa lang itong REMINDER >.< imposible naman kasi na matapos nyong maghiwalay, komportable ka parin na makita at makasama sya? Nililiko mo lang ang sarili mo…
So back to business. Ang 1st step ay ang KAMUHIAN, KASUKLAMAN, KAINISAN o MAGALIT ka sa ex mo. Bitter na kung Bitter pero that’s life.Hindi ba’t kapag galit tayo sa isang tao, maiisip at kusa nating makikita yung mga negatibong bagay tungkol sa kanya?At kapag nangyari ‘yun, magiging root ito para hindi na natin sa magustuhan kahit kelan.
· Ang laki pala ng butas ng ilong nya… Kasya ang ‘kamao’ ko?
· Ang kapal pala ng kilay nya … parang Bermuda grass…!
· Ang haba pala ng baba nya … pwedeng gawing SANDOK?
Like these…
Habang ‘lango’ ka pa kasi sa alak ng pag-ibig. Hindi mo makikita ‘yung mga negativities ng ex mo. Ni hindi mo nga nakikita yung masama nyang ugali, yung pagiging user nya kung minsan, at kung anu-ano pa…
Gawin mo ang lahat para magalit sa kanya. Yung tipong bawat parte ng buong pagkatao nya ay kinaiinisan mo. At bawat maliliit na bagay sa kanya, BIG DEAL naman sayo!
His/Her Name as a “BADWORD” … Iwasan ang pagbanggit sa walang kwenta nyang pangalan… Isa itong MURA na dapat iwasan.
TANDAAN : wag na wag mong iiwasan si EX. Ipakita mo sa kanya na hindi ka’na affected. Dahil the more na makikita nyang nag aassume ka pa, the MORE syang mananadya para SAKTAN ka!
Kung makikita mo si EX habang may kasamang iba. Idagdag mo ito sa REASON WHY I HATE MY EX.
Kakabreak nyo lang – May KAPALIT na agad? SUCH a jerk/flirt … diba?
ALAM NYO BA ? : familiar ba kayo sa tinatawag na ‘THREE MONTH RULE’ ? Isa itong kasunduan na ginagawa ng mag-ex after ng break-up. Three months na palugit bago ulit pumasok sa isang relationship. Ano nga ba ang purpose nito?
Para ba makapag isip-isip?
Para ba mabigyan pa ng chance yung relationship dahil may possibility na before 3 months, magkakabalikan parin kayo? (Mangarap ka…)
O Para mas gawing miserable ang bawat araw na lumilipas?Umaasa kang babalik sya at magkakaayos kayo ? tch.dont be PATHETIC
Ibahin naman natin ang SITWASYON …
Ikaw ang may kasalanan kung bakit kayo nag hiwalay … Tapos ikaw ‘tong hirap na hirap mag move-on.
Syempre sa una, gagawin mo ang lahat para maging ok ulit kayo diba?. Andyan na ang pag so-sorry, pag lalambing, at kung anu-ano pa…
Syempre gagawin mo ang lahat para sa kanya? Yung kulang nalang, pati kaluluwa mo ‘isanla’ mo na sa dilim para lang mapatawad ka nya?
Pero sa bandang huli … Hindi parin kayo magkakaayos at BREAK-UP parin ang kahahantungan.
DON’T BE GUILTY! Hindi na ikaw ang may kasalanan. Ginawa mo na ang part mo para magkaayos kayo, but still, wala pading nangyari. So may maidadagdag ka na naman sa REASONS WHY I HATE MY EX ---ay ang pagiging MANHID nya!
So ayun.
HATE HIM/HER… makakatulong ito … mas mabuting maging BITTER ka muna pansa-mantagal!
BINABASA MO ANG
OPERATION : Moving On
Short StoryGaano nga ba kahirap ang salitang “MOVE ON ”? katulad ba ito ng isang ‘exam’ na kaylangan pang pagaralan ng paulit-ulit to make it perfect ? Isa ba itong sakit na kaylangan ng lunas, na kung hindi maaagapan ay maaaring lumala? o kabilang sa di mabil...