ENTRY#1 *Goal Setting*
Bakit ba sobra ang pagiging un-fair ng buhay? Minsan ka nalang nagmahal , nasaktan ka pa?
Minsan ka nalang nagSERYOSO , ikaw pa ‘tong NALOKO …
Once in a blue moon ka nalang na-FALL , hindi ka naman SINALO…
Ibinigay mo na ang lahat … iniwan ka ‘pa?
Ilan lang ‘yan sa ipinuputok ng butsi ng bawat BROKEN HEARTED sa balat ng sangkalupaan. Yung feeling na NAGIISA ka nalang? Iniwan o tinalikuran ka na ng MUNDO mo? Nakaka-yamot lang isipin na kahit magkakaiba ang ugali at kapasidad ng isang tao, pareparehas lang tayong SUMUSUKO pagdating sa PAG-IBIG na ‘yan…
Maririnig mo yung mga katagang …
“Hayyuuuffff syaaaa! Minahal ko naman sya perooo bakittt kulanggg padddiiin??!!” sinasabi ng isang babaeng iniwan ng boyfriend ng walang sapat na dahilan ….
“Waaaaaahhhh!!! AYokooo nangggg mabuhhhaaaaayyyyy!!!” paghuhumiyaw ng isang broken habang bawak sa isang kamay ang picture ni EX, at sa kabila naman ay ang isang mapurol na blade na kahit ikaskas ng paulit-ulit sa balat ay never na makakasugat.
“Paaannnooo nya nagawa sakinnn ‘yoooonnn?!!!” paghihimutok ng isang emotera habang hindi makapaniwalang ipinagpalit sya ni EX sa isang mukhang ulikbang nilalang…
“Hiiinnndddiii ko naaa kaaayaaang mabuhayyy ng walaaa syyyyaaaa!!” O.A na pagiyak ng isang lalaking dinadaan sa paginom ang dinaranas na sakit.
“I can’t take it anymore…!” senting senting sabi ng isang babae habang nakatayo sa kalsada at sumasabay sa malakas na buhos ng ulan.
Ilan lang ‘yan sa mga maririnig mo AFTER ng BREAK-UP … at after ng makasaysayang hiwalayan , dalawa lang naman ang kahahantungan … it’s either maging BETTER …. Or maglalasang AMPALAYA at daramdamin ang pagiging BITTER!
So upang makatulong at makapagbigay ng konting ‘abuloy’ sa mga SAWING puso… Eto ang mga TIPS and ADVICE para maka MOVE ON mula kay EX…
Simpleng simple ito at kayang kayang gawin !
Nasa inyo kung gusto nyong sundun or baliwalain…
STEP 1 :
GOALSETTING – Sa lahat ng operation may GOAL, hindi ka pwedeng sumabak sa isang karera ng walang FINISH LINE dahil pag ginawa mo yun? Habang buhay ka namang tumatakbo ng walang inaasahang hangganan *MAIS festival!*
Bago mo pag-planuhan ang pagmomove-on, isipin mo munang mabuti ang GOAL mo para gawin ito. Ano ba ang rason mo kung bakit mo ito ginagawa?
Ano ang rason mo kung bakit ka mag-momoveon?
Dalawa lang naman yan eh.
Kung hindi para sa sarili mo…Para sa IBANG TAO… ^^
Maaaring hirap kana , sobra na yung sakit na nararamdaman ko, naaapektuhan na yung mga tao sa paligid mo, Apektado na yung pagaaral mo, nakakalimutan mo na yung mga bagay na dati mong ginagawa at higit sa lahat, nawawala na yung TUNAY na IKAW!
So GOAL setting, I set mo ang sarili mo kung bakit ka nag mo-move on!
BINABASA MO ANG
OPERATION : Moving On
Short StoryGaano nga ba kahirap ang salitang “MOVE ON ”? katulad ba ito ng isang ‘exam’ na kaylangan pang pagaralan ng paulit-ulit to make it perfect ? Isa ba itong sakit na kaylangan ng lunas, na kung hindi maaagapan ay maaaring lumala? o kabilang sa di mabil...