Entry#7 * STAY.AWAY.FROM.YOUR.EX *
STAYAWAYFROMYOUREX : Wag kang umiwas pero hindi ibig sabihin na DUMIKIT ka ng DUMIKIT sa walangya mong EX. Wag kang magpapakita ng motibo at lalong wag kang gagawa ng way para magkasama kayo in maximum of 2minutes…
WARNING : NAKAKAMATAY yon!
Dapat wala na nga kayong COMMUNICATION …
· I block mo sa FB
· I unfollow mo sa TWIITER…
· burahin mo yung NUMBER at saka ka magpalit ng SIM…
· at ang pinaka- worst , LUMIPAT ka ng BAHAY!
Dahil break na kayo… Syempre kamumuhian mo na sya, lahat ng mali at pangit sa pagkatao nya mapupuna mo na, Away mo na sa kanya at ni-ayaw mo na syang MAKITA. So it means dapat hindi ka na aasa pa na MAGIGING KAYO ULIT, right?
Lubayan mo na si EX at tigilan ang pantasyang MAGIGING KAYO ULIT!
“Hinding hindi ka magiging Masaya kung sa bawat paggising mo sa umaga, lupit at sakit ng KAHAPON ang iyong nakikita!”
Wag kang mag rely sa KASABIHANG :
“Ang hindi LUMINGON sa PINANGGALINGAN ay hindi makakarating sa PAROROONAN!”
Hindi yan totoo sa ngalan ng PAG-IBIG! Sabihin mo na …. May nakita ka nabang LUMALAKAD ng PASULONG pero nakatingin SA LIKOD? Ano yun? “The Exorcist?”
Kapag mag MOMOVE ON ka… sa HARAP lang ang tingin, hindi sa kanan, hindi sa kaliwa, at lalong hindi sa LIKOD! Kundi sa HARAP….
Baka naman isang ngiti lang ni EX. Magkandarapa kana sa pagBALIK? Sangkatutak na EMOTE nanaman ‘to? Sayang naman yung mga STEPS mo pag-nagkataon…
TANDAAN : “ASO lang ang KUMAKAIN sa mga NAISUKA na nya!Baka nakakalimutan mo…. Hindi ka ASO! Isa kang TAO!”
Kung isinumpa-sumpa mo na sya! Aba naman, wag ka nang magisip pa ng 2nd CHANCE… Wag mong ipahiya ang sarili mo, at lalong wag mong gawing tanga ang mga tao sa paligid mo.
BINABASA MO ANG
OPERATION : Moving On
Short StoryGaano nga ba kahirap ang salitang “MOVE ON ”? katulad ba ito ng isang ‘exam’ na kaylangan pang pagaralan ng paulit-ulit to make it perfect ? Isa ba itong sakit na kaylangan ng lunas, na kung hindi maaagapan ay maaaring lumala? o kabilang sa di mabil...