Entry#3 *Reduce,Reuse,Recyle*

494 0 0
                                    

Entry#3 *Reduce.Reuse.Recycle*

Reduce,Reuse,Recyle – Hindi lang natin sa KALIKASAN maaaring gamitin ang tatlong R na ito. Sa hindi nakakaalam, pwede din natin itong magamit kapag BROKEN tayo…

            Lahat ng mga bagay na ibinigay nya, o mga bagay na naipundar nyo nung KAYO pa… (ex. Pictures, Letters, Stufftoys, Couple Shirts,Couple Ring, and ETC) Dyan natin gagamitin ang 3R’s

            REDUCE : Kunin at ipunin lahat ng mga stuffs na nagpapaalala sayo ng mga masasaya nyong araw ni EX. Ilagay ito sa lalagyan ….

            Kung iniisip nyong susunugin natin ito?

Wag ahh…! sayang naman. Alam ko naman kung gaano kahirap para sayo ang sirain ang mga ito.At isa pa, kapag sinunog natin ang mga ‘to, makakadagdag pa tayo sa polusyon ng mundo.Poor mother earh nadamay pa sa pagkaBROKEN mo.

            Lahat ng mga pictures… Punitin mo! Pira-pirasuhin mo ito hanggang sa hindi na ma-recognized ang itsura ng nasa litrato. Much better kung habang pinupunit mo ito. Nag cucurse ka ! Baka sakaling tumalab at tubuan ng mga tentacles ang mukha ni EX.

            REUSE : Lahat ng mga tshirt’s, stuff toys at kung anu-anong ka-artehan, ilagay sa isang lalagyan at idonate sa nangangailangan. Wag mo na akong pagisipin kung kanino mo dapat ibigay. Ikaw na bahala. Ibigay mo dun sa taong hindi mo kilala. Baduy ng IDEA ko diba? Sabi kasi sa kanta *Sana araw araw ay PASKOOOO!* so ayun. Naisip kong mag gift giving!

            RECYCLE :  Kung may mga mamahaling bagay na galing sa kanya, like CELLPHONE, LAPTOP, IPHONE, IPAD, TABLET, RING na may K, HOUSE and LOT,KOTSE  at kung anu-anong mamahaling bagay (Yaman ni EX !)

IBIGAY MO NALANG SAKIN! De joke… 

Bibigyan kita ng tatlong TIPS kung ano ang dapat mong gawin …

1.      HANAP

2.      USAP

3.      DEAL!!!

Mas makabubuting ibenta mo nalang! Sayang naman diba? For sure hindi  maaatim ng konsensya mong gamitin pa ang mga ‘yan after nyong mag break.

            TANDAAN : Wag na wag mong iisiping IBALIK sa kanya lahat ng mga ibinigay nya. NO RETURN no EXCHAGE eka nga!

            Ilayo at ialis mo lahat ng mga bagay na nakapagpapaalala sayo kay EX. The more kasi na naaalala mo sya, the more na nagsesenti ka…at  the MORE na MASASAKTAN ka…

            Alam mo naman sa sarili mo na tuwing GABI bago ka matulog… Kukunin mo ang mga remnants ng relationship nyo….. pinapakinggan ang theme song na sya mismo ang nagsuggest. Iiyak ka ng iiyak habang iniisip sya, Sinisisi mo ang sarili mo kung bakit kayo nagbreak, inaalala mo yung mga times na magkasama pa kayo….

AT DAHIL DON…..

GINAGAWA MONG MASOKISTA ANG SARILI MO!

            TANDAAN : Hindi ka makaka move on kung lagi mong babalikan ng tanaw yung PAST! Tigilan  mo na sya sa halip… mag move-forward para maka-moveon  ka!

OPERATION  : Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon