Ikaw na ba si Mr. Right?

9 1 1
                                    

6 years ago.

Rachel...

Napanaginipan ko na naman ito, tulad ng napanaginipan ko noong Grade 4 ako. Nasa classroom daw ako kasama ang mga kaklase ko. Nagke-kwentuhan, naglalaro, at yung iba ay may kanya-kanyang sariling mundo.

Hindi ko alam pero parang may nagtutulak sa'kin para lumabas at pumunta sa kabilang room. At napansin kong parang kami lang magkakaklase ang nandito sa school... Weird.

Doon sa room, may isang lalake na naghihintay sa'kin. Ewan ko ba but my feet are moving on its own. Parang mayron silang sarilung buhay and I just found myself na malapit na ko sa kinatatayuan nya. Habang papalapit na ko sa kanya I tried to look at his face ngunit hindi ko maaninag ang mukha niya. He held my hand and asked me to dance with him.

Hindi na ko umalma, magiging choosy pa ba ako?

I wrapped my arms around his neck and his hands are on my waist as we swayed without any music at the background. Makikita sa aking mukha na ang saya-saya ko nung kasayaw ko ang lalaking iyon. It's like I found my forever with him. It sounds too cheesy but it felt like it does.

Nakita kong masaya rin siya kaso hindi ko talaga makita yung mukha niya pawang itim lang ang nakikita ko. It just remained a mystery to me basta ang alam ko mas matangkad siya sa akin.

Nagpatuloy kami sa pagsayaw nang may narinig akong maingay. May kumakatok sa glass window sa labas ng room. Pag lingon ko, yung adviser pala namin 'yon!

Ang lakas niya makadaot. Grabe!
Kanina pa pala siya nandoon at tuwang-tuwa pa habang pinapanood kaming nagsasayaw ni Mysterious Guy.

Yes, I called him Mysterious Guy 'cause I don't know his name nor even see his face.

I was slumbering soundly nang may yumuyugyog sa'kin. "Rachel, gising na. Bangon na may pasok ka pa."

"Hmmm..." I mumbled and went back to sleep.

Sa panaginip na nga may daot na, sa pagtulog ko parin. Ang saklap naman ng buhay na to!

"Gising na male-late ka na o," at niyuyugyog pa rin ako.

"5 minutes..." ang sabi ko at hinayaan naman niya ko.

After 5 minutes....

ZZZZZZzzzzzzzzz....

"Hoy Rachel! Male-late ka na. Mai-iwan ka na ng mga magulang mo at nakabihis na sila," sabi sakin ni ate Virgie.

Nang marinig ko yun ay agad-agad na kong bumangon at nagmadaling gawin ang morning routine ko.

Sino ba namang gusto magcommute ng maaga. Ang hassle kaya.

Matagal na si Ate Virgie sa amin at mabait naman siya pag tulog hahah.

Pero seryoso mabait talaga yan. Siya ang kasa-kasama ko pag wala sina mama at papa. Siya ang ka-kwentuhan ko sa iba't-ibang bagay pero syempre may mga bagay na sakin lang tulad ng panaginip ko.

********************

Sumakay na ko sa kotse namin at nagdrive na si papa. Nakadungaw lang ako sa bintana at iniisip ko parin kung bakit ko ulit napapanaginipan yon. Siguro pinapahiwatig lang non na baka makilala ko na yung taong para sakin or hindi...

Pero bakit kaya may daot sa panaginip ko?

Hayy.. Kailan kaya mangyayari yung love story ko?

Oo na, sabihin na nating isa akong 'Hopeless Romantic' na nangangarap nang gising na sana mahanap na niya si Mr. Right, ang kaniyang Prince Charming, ang taong makakapagpatameme sa akin, or the ONE who will sweep me off my feet.

Wala tayong magagawa ganon ako eh.

Sabi nga nila na ang ideal guy mo raw ay isang guni-guni dahil hindi lahat ng lalaki mapo-possess niya lahat ng mga gusto ng isang babae. Pero sa tingin ko meron ding isang taong nakalaan para sa'kin.

Maaring nakita ko na siya o nakita narin niya ako; nakilala ko na siya o nakilala niya na ako pero hindi ko pa siya o hindi pa niya ako napapansin.

Pwede ring makikilala palang namin ang isa't-isa ngunit ang lahat ng ito ay nakadepende sa tamang panahon.

In time, makikilala ko rin siya...

And I can't wait for it to happen na sa dinami-dami ng tao sa buong mundo, yung iisang taong iyon ang makikilala at mamahalin ko.

Siguro nga busy pa ang nasa itaas na isinusulat ang lovestory na para lamang sa akin.

Hayy... I can't believe it. It's funny to think na umaasa ako sa mga ganitong bagay.

Siguro naimpluwensyahan ako ng mga kung ano-anong napapanood ko sa TV at dahil na rin sa mga fairy tales na nagsasabi ng, "they will live HAPPILY EVER AFTER."

Ganun din ang mga kaibigan kong pilit ng pilit akong tinatanong kung sino ang crush ko. Simula nung mga bata pa kami hanggang pag tanda ganun parin parang walang pinagbago.

Hayy... Kelan ko kaya siya makikita?

**********

Natigil sa pagmumuni-muni si Rachel ng magsalita ang daddy niya, "nandito na tayo!"

Agad siya bumaba sa kotse nila at dirediretsong naglakad papunta sa loob ng school.

Nang makalapit na s'ya sa Multi-purpose hall ay nahagip ng kaniyang mga mata ang isang lalaki.

Parang tumigil ang oras kay Rachel non. At hindi niya namalayang nakangiti na pala siya


habang bumulong ng mga katagang...



"Ikaw na ba si Mr. Right?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Hindi Ko Maintindihang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon