Scarlet pov.
Naglalakad ako papasok ng school ngayon. Walking distance Lang naman yung bahay namin sa eskwelahang pinapasukan ko.
Habang nag lalakad ako naramdaman ko nanaman yung asungot na sunod ng sunod sa'kin.
Binilisan ko nalang yung paglalakad ko.
Halos lakad takbo na nga ginawa ko. Wag Lang akong lapitan nong buset na asungot na yun malamang masisira nanaman araw ko.
Gusto niyong malaman Kung sino yung asungot na yun? Well siya Lang naman ang nag-iisa at wala ng iba na kaaway ko.
Yeah, kaaway ko siya mortal enemy ko. Ever since bata palang kami. Magkaaway na kami.
Ayaw niya sa akin. Ayaw ko din sa kanya. Well the feeling is mutual we hate each other. Ayaw namin sa isa't isa.
Kaya kami magkakilala dahil may best friend yung mga magulang namin.
Dami ko nang sinabi siya nga pala ang ubod ng kapangetan at kasamaan ng ugali. Siya si
Renz Oliver Rivera ang pinakamumuhian Kung Tao sa buong mundo at sa buong buhay ko.
Tss. Nauna ko pang ipakilala yung ugok nayon ke'sa sa sarili ko.
Ako nga pala si scarlet Dizon.
16 year old fourth year high school student sa . RD HIGH ACADEMY.
Syempre ako ang pinakamaganda sa buong academy no.
"Iniisip mo ako no?"
Ay palaka.
Tiningnan ko kung sinong unggoy bumulong sa tenga ko at Kung minamalas ka nga naman yung asungot na nagmukhang unggoy.
"Ano bang problema mo? Ako iniisip ka? Kapal mo naman. Magunaw muna ang mundo bago kita isipin tss." Sabi ko dito
Panira talaga ng araw tong asungot na to.
Naglakad na ako papasuk ng school pero tong asungot na to. Nakasunod parin.
Teka himala ng lakad tong bakulaw na to."Aminin mo na kasi iniisip mo ako " paulit ulit to.
"Teka nga bakit kaba nag lakad ha? Nasaan yung kotse mo? Wag mong sabihin na sinusundan mo ako." Sabi ko dito habang naglalakad parin.
"Hoy, kapal mo din ah. Bakit naman kita susundan aber? Di hamak na mas maganda kesa sayo yung mga girlfriend ko. "
Yabang talaga nito maganda daw Idihamak naman na mas maganda ako kaysa sa mga girlfriend niya no.
" tss, pwede ba. Teka nga umamin ka nga may gusto ka sa'kin no? " tanong ko dito Malay ko ba baka may hidden agenda tong asungot na to sa ganda ko ba namang Ito.
"Sinong nag sabing may gusto ako sayo? Mahiya ka nga sa gwapo Kung to. Magkakagusto sa panget na katulad mo . Nagpapatawa kaba?"
"Letsee , lumayo ka nga sakin panira ka ng araw." Pag tataboy ko dito at sakto NAsa room na kami well nakalimutan ko sabihin na classmate pala kami at mgkasama din kami sa iisang bahay.
Kaiinis nga sila mommy at daddy. Pumayag silang pagsamahin kami sa iisang bahay manyak panaman tong panget na to.
Pagpasok namin ng room.
Ano pangaba? Tinilian nanaman nila tong panget na to. Isa Lang masasabi ko Hindi sila marunong tumingin Kung gwapo ka o Hindi.
Para sa kanila kahit panget gwapo agad mga bulag sa gwapo tong mga to.
Pero mas nagpantig yung tenga ko sa narinig ko.
"OMG, bagay sila no? Maganda at gwapo"
"Oo nga cute couple sila"
"I'm sure magkakatuluyan tong dalawang to. Kasi sabi nga nila the more you hate the more you love" kinikilig na sabi into.
"OMG, aabangan ko love life nilang dalawa. Iniisip ko palang na magiging sila kinikilig na ako."
"Kyahh. Scarenz na ako."
Tiningnan ko yung mga kaklase Kung babae na nag uusap like seriously? Hindi ba sila kinikilabutan sa pinag sasabi nila?.
I go straight to my chair . Bakit lagi kung katabi tong unggoy na to? Pag upo ko.
"Ayie bagay sila" sabay SABAY na sabi ng mga kaklase namin.
Nakain ng mga to?.
A/n
Hello readers and writers . Kamusta naman po yung chapter one?
mahirap pala gumawa ng kwento hahhh...
Pagpasensyahan niyo po muna Yang nakayanan ko sa ngYon.
Thank you po sa pag babasa.

BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE
Fiksi RemajaNagsimula sa simpleng asaran, bangayan, Pero Kung ang simpleng iyon ay mauwi sa love. Matatanggap kaya nila?.